Sandra's POV
Sighed. It's been two days since that day and that thing happened. Hindi pa rin nya ako kinikibo. Gusto ko na nga syang kibuin kaso natatakot ako na hindi nya ako pansinin e. Sighed.
Sinermonan nga ako nila Kc nung malaman nila yung nangyari e. Mas kampi pa sila kay Adam. Well, hindi ko naman sila masisisi dahil kung ako yung ginanun ni Adam malamang na sasama din yung loob ko.
Hindi ko lang sya maintindihan dahil napagusapan na namin 'to noon pa lang. Diba? Hindi ko maisip kung bakit sya biglang naging ganyan.
Ayokong isipin na nagsasawa na sakin si Adam. No! He can't do that. He loves me. I know. Magisa lang ako dito sa bench dahil gusto ko munang mapagisa.
"Uyy, girl. Alam mo na ba ang bagong balita tungkol kay Adam?"
That made me stop from thinking. What about him?
"Ha? Ano daw?"
"May nakakita daw kay Adam na may kayakap kanina sa may garden."
What? Si Adam? Sino naman? Wait! Baka naman hindi si Adam yun? That's impossible!
"Oh? Sigurado ka, girl?"
"Oo nga. Mukha ba akong nagsisinungaling? May ebidensya nga e."
"Oh eto. Tignan mo."
I can't help myself na tumingin din kaya tumayo ako at medyo lumapit doon sa pinagtitinginan nila.
"OMG. Girl, oo nga ano? Wait. That girl.. Di ba si...."
Halos manikip ang dibdib ko nung makita ko yun kaya agad agad akong tumakbo papuntang cr para doon umiyak. Shit! Ang sakit e. Wala akong pakielam kung pagtinginan nila ako. Wala akong pakielam dahil sobrang nasasaktan ako.
Napatigil ako sa pagtakbo nung may mabangga ako. Tumingin ako sakanya na sana hindi ko na lang ginawa dahil sya pala ang kabangga ko. Kasama nya yung kayakap nya sa litrato at mukhang masaya pa sila.
Ano bang meron sakanilang dalawa? Are they doing shit behind my back? Damnit! The thought of that sucks and it's killing me bigtime!
"Sandra? Bakit ka umiiyak?" Sabi nya. Umatras ako nung hahawakan nya ako at nagsimulang tumakbo.
Ayoko. Ayokong mahawakan nya ako dahil baka kung ano lang ang magawa ko sakanya. Mas masakit pa 'to sa inaakala ko. Bullshit!
Narinig ko ang pagsigaw nya sa pangalan ko pero wala akong pakielam. Ayoko syang makita dahil mas lalo lang akong nasasaktan!
Hindi ko kaya. Sobrang naninikip yung dibdib ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko.
Makita mong may kayakap si Adam na ibang babae? Alam kong si Adam yun! Hindi naman kami break diba? Binigyan ko lang sya ng space pero kami pa rin!
Tangina! Hindi ako nagmumura pero ang sakit sakit lang kasi! Dalawang araw lang kaming magkaaway tapos nakikipagyakapan na sya agad!
Bakit? Bakit sila magkayakap? Bakit sya nakayakap sa boyfriend ko? Bakit nakayakap sakanya ang boyfriend ko? Sana man lang nakipagbreak na sya sakin kung ayaw na nya. Sana sinabi nya na lang agad para tapos na. Kasi ang sakit sakit nung ginawa nya.
Alam nyo ba kung ano yung mas masakit? Tinuring mong kaibigan yung nakayakap sakanya. I closed my eyes to relax pero nagfflash back lang sa utak ko yung litrato at yung mukha nilang masaya nung nabangga ko sila!
Si Adam na kayakap at kasama...
Si Elle.
BINABASA MO ANG
ILY Baby [COMPLETE]
Teen FictionAno nga ba ang ibigsabihin ng ILY para sayo? I Love you? I'm Leaving You?