Ten- Escaped

2.2K 35 0
                                    

Adam's POV

Pagkatapos kong makipagusap sakanya ay umuwi na rin ako. Wala naman akong gagawin at wala akong pakielam sakanya. She's just a friend. Tss. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung bakit nya 'yon ginawa samin o kay Sandra at kung totoo ngang hindi sya ang gumawa nun. Sino?

Nandito ako ngayon sa bahay kasama sila Johnny, Art at Justin. Wala. Inuman lang kasi wala lang gusto ko lang.

"So sya nga 'yung may pakana?" Tanong ni Art.

I shrugged, "Malay ko. Sabi nya hindi sya. Wala na akong ibang maisip na dahilan e."

He nodded on me tapos si Justin naman ang nagsalita, "Bakit kasi sya lang 'yung pinaghihinalaan mo? Malay mo lalaki pala. I mean sa side ni Sandra. Pre, maganda si Sandra. Imposibleng walang nagkakagusto don."

May point sya e. Kung hindi man sya may iba pa. Sino naman? Hindi pwedeng laging ganito dahil baka hindi pa maging kami ni Sandra. Pero kung sya man ang may kagagawan nun. Napagsabihan ko na sya at sana makinig sya. I nodded my head on him at ininom ang nasa baso.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu ano at pagkatapos nun ay umuwi na sila dahil may pasok pa kami bukas. Sana naman maging maayos ang araw namin bukas.

Kakatapos ko lang na linisin ang faculty room na palagi ko namang ginagawa tuwing umaga. Wala ng bago doon at paulit ulit lang naman. Inaabangan ko si Sandra dito sa may gate at nakita ko ang sasakyan nila kaya nagtago na muna ako. Alam kong kilala na ako ng mga magulang nya. Haharapin ko rin naman ang mga magulang nya pero hindi muna ngayon.

Nung makaalis na ang mga magulang nya ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at hinila si Sandra.

"Shhh. Ako lang 'to." I said and she nodded on me kaya tinanggal ko na ang pagkakatakip ko sa bibig nya.

"Bakit? At anong ginagawa mo dito?" Sabi nya ng nakakunot ang noo.

"Tara!" Sabi ko at hinila ko sya palabas ng school nung hindi nakatingin ang guard. Agad akong pumara ng jeep papunta sa isang park na medyo malayo dito para siguradong walang makakakilala o makakakita samin.

"Saan ba tayo pupunta, Adam Lee?" She asked.

"Sa park." I said.

"Ano? Madaming makakakita satin doon. Ano ba naman kasi tong iniisip mo?" She asked at halatang naiinis na.

I sighed and I looked at her, "Hindi naman tayo sa park na malapit dito. Doon tayo sa medyo malayo. 'Wag kang magalala sagot kita." I said.

"Fine. Just make sure." She said and I smiled on her and nodded my head.

Nung nakarating kami sa park ay agad kaming umupo sa isa sa mga bench na naandito. Walang tao dahil siguro may mga pasok pa.

"Ano ba talaga ang dahilan at kailangan pa nating umalis ng school? Baka malaman nila Daddy 'to." She said.

"Maguusap lang." Sabi ko.

She looked at me na parang nababaliw na ako, "Usap? Pwede namang sa school na lang. Bakit dito pa?" She asked.

I sighed, "Namiss lang kita. Oo nga lagi nga tayong nagkikita sa school, seatmate pa kita pero pakiramdam ko ang layo layo mo pa rin. Hindi na tayo nakakapagusap simula nung huli nating paguusap nung monday."

Sobrang miss ko na sya dahil ganun din talaga ang pakiramdam ko. Ng dahil sa mga lintek na litratong 'yun biglang nagbago ang lahat. Kasalanan bang maging selfish kahit ngayong araw lang? Hindi nyo naman ako masisisi e. Sobrang mahal ko 'tong babaeng 'to. Unang beses akong magmamahal at gusto kong ibigay sakanya ang lahat.

Unti unti kong hinawakan ang kamay nya napangiti ako nung hindi sya pumalag. Ngayon ko na lang ulit mahahawakan ang kamay nya at ang sarap sa pakiramdam. Nanatili lang kaming tahimik at pinapakiramdaman ang bawat isa. Nakakatuwa lang dahil ngayon sobrang lapit nya at naabot ko sya. Hindi katulad sa school na ang lapit lapit nga nya pero pakiramdam ko ang layo nya.

She's the one who broke the silence, "Mahal mo ba talaga ako?" She asked kaya napatingin ako sakanya pero malayo lang ang tingin nya.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya, "Oo. Sobra." I said.

"Bakit ako?" Tanong nya.

"Nasagot ko na yan noon, hindi ba?" I said.

She nodded her head, "Oo. Pero kasi. Wala. Nevermind."

I chuckled on her kaya tumingin sya sakin at kinunutan ako ng noo. Napailing na lang ako sakanya at tinignan ko sya ng diresto sa mga mata nya, "Pwede bang kalimutan muna natin 'yun? Ienjoy na muna natin 'tong araw na 'to. Ikaw at ako lang." Sabi ko.

"Ikaw at ako? Hindi naman tayo." She said.

I frowned on her, "Alam ko pero magiging tayo rin naman." Sabi ko.

She smiled at me at tumayo na, "Asa ka pa. Tara na nga." She said kaya tumayo na ako at sinabayan ko sya. sa paglalakad. Hindi kami pwedeng magmall dahil mahuhuli kaming nagcutting kaya dinala ko na lang sya sa bahay. Nandoon naman ang mga kapatid ko at ang nanay ko. Si papa lang ang wala dahil nagtatrabaho. Graduate na si Ate yung dalawa kong kapatid na kambal elementary pa lang.

Sandra's POV

"Mama." Tawag ni Ace sa nanay nya at lumingon naman ito samin at ngumiti.

"Anak. Bakit nandito ka? May pasok ka diba?" She said.

"Basta, ma. Ah, sya nga pala si Sandra nga pala 'yung kinukwento ko sainyo." Sabi nya. What? Kinukwento nya ako? Nakaramdam ako ng hiya lalo na nung tumingin sakin ang nanay nya kaya ngumiti na lang ako, "Hello po." I said.

"Ikaw pala, iha. Doon tayo sa sala, pagpasensyahan mo na ang bahay namin." Sabi nya.

"Okay lang po." I said.

"Dito lang muna kayo at ikukuha ko kayo ng makakain." She said at umalis na.

Humarap ako kay Adam, "Anong gagawin natin dito? Pumasok na kaya tayo?" Sabi ko. Naman kasi kinakabahan ako sa ginagawa namin dahil first time kong gagawin 'to tapos sya pa 'yung kasama ko. Baka ipatapon na ako ng nanay ko sa ibang bansa dahil may kasunduan na kami tungkol dito.

Flashback

"Cassandra." Tawag ni mommy sakin. Here we go again.

"Why mom? Kung tungkol lang din yan kay Adam wala na. Pinatigil ko na po." I said.

She smiled at me, "Kapag nalaman kong may ginawa kang kahit anong hindi namin magugustuhan ipapadala ka na namin ng daddy mo sa states, doon sa mga lola mo."

What?! No! Ayoko doon, "Mom! Ayoko don. Dito lang ako." I said

She shrugged, "I know, sweetie. But we'll do it kung kinakailangan." She said and she walked away.

End of flashback

Kaya eto ako ngayon nagiingat sa bawat gala ko dahil ayokong ipatapon nila ako sa states. Mas gusto ko dito sa Pilipinas.

Wala naman kaming masyadong ginawa dito sakanila. Nagkwentuhan lang kami nila Adam kasama ang nanay at ate nya. Nakilala ko rin 'yung kambal na kapatid nya kaso lang pauwi na ako nun kaya pinakilala nya na lang ako at ang sabi ng kambal sakin matagal na daw nila akong kilala dahil lagi daw akong kinukwento ni Adam sa kanila. Kaya pala parang ang dami nilang alam.

"Thank you for this day, Adam." I said.

He nodded his head on me, "Welcome. Sana nagenjoy ka kahit nandito lang tayo sa bahay." He said.

I nodded my head on him and smiled, "I did. Bye na."

"Magiingat ka." He said and nodded my head on him and I went home.

ILY Baby [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon