Nakaupo ako sa sofa dito sa kwarto ni Alex. Sa totoo lang ngayon lang ako nakapasok dito dahil ito yung bahay nila ni Kyla. Wala na dito sila Kyla simula nung nag hiwalay sila.
Inaantay ko si Alex , lumabas kasi sya sabi nya kasi may pag uusapan kami.. Hindi ko naman alam kung ano yun kaya nag antay na lang ako.
Maganda tong kwarto na toh pero pag iisipin kong dito sila ni kyla natulog noon na sabay eh parang kinasasamaan ko na..
Sinubukan kong suriin itong kwarto. Malaki ito may dalawang section ito kumbaga yung isang side. Doon yung tulugan at dito naman sa side na toh eh para na syang living room. Meron ding library dito at parang may mini office ni Alex.
Narinig ko naman ang pintuan na bumukas kaya napatingin ako doon..
Napatingin ako sa dala nya.. May maleta syang dala.. Dalawang maleta .
Kanino naman kaya yun?Iniwan nya yun doon sa lapag at lumapit sa akin... Umupo sya sa tabi ko.
"Before we start. May gusto ka ba?"
Nag iling naman ako. Wala naman akong gusto .. Tsaka gusto ko na ding malaman kung ano ang pag uusapan namin..."Dito ka na titira Mia."
Ano? Anong pinagsasasabi nya? Ayokong tumira dito noh! Maalala ko lang na dito sila tumira nila kyla parang di ko kayang sikmurain eh."Ayoko dito Alex. "
Okey naman ako sa condo ko eh.. Ayoko lang dito."Pagtatalunan pa ba natin yan Mia?"
"No, what I mean is. Ayoko lang na maalala na di---"
"Hindi naman dito yung kwarto namin noon ni Kyla eh. Actually library office ko toh. Pinarenovate ko lang sya .. "
Napatango naman ako.. Ganun pala? Hinawakan nya ako sa braso ko.
Tumingin sya sa mga mata ko at ganun din ang ginawa ko"All my memories with her are all gone. So don't think everything about me and Kyla.."
"Sorry,,,"
Naramdaman ko naman ang pagyakap neto sa akin..
"No need to say sorry Mia. "
-===
"Bye Alex, Goodluck sa meeting nyo mamaya. Pupunta akong hospital babantayan ko si daddy.. "
Paalam ko dito. Andito kami sa garage ng mansyon ni Alex. Papasok na kasi sya papuntang opisina nya eh. Matagal tagal na ding hindi sya napasok kaya paniguradong tambak ang trabaho nya. Tsaka naisipan ko din talaga na mag stay na lang muna sa hospital wala naman kasi akong gagawin dito sa bahay ."Kumain ka ng madami Okey? Susunduin kita mamaya sa hospital after ng office hours ko. Bye. I love you" hinalikan nya ako sa noo.
"I love you too. Bye"
Nag sakay na ito sa kotse nya at nag alis. Nag pasok na ako para makapaghanda ng sarili para aalis na lang ako mamaya pagka kain ko. Di kasi ako sumabay kanina kay Alex na kumain eh.
Nag deretso ako sa kwarto at nag ayos.
Sa totoo lang di pa rin ako komportable dito kahit na sinasabihan na ako ni alex na feel at home lang dapat ako .. Pero di ko magawa eh. Kagabi kasi lumabas ako ng kwarto namin at nagpunta akong kusina tapos nakarinig ako ng nagkekwentuhan.. Para akong napako ng marinig ko kung sino yung pinag uusapan nila...
Gusto kong maiyak kagabi ng marinig ko ang mga sinasabi nila sa akin.. Kaya di na ako kumuha ng gusto ko at nagbalik na lang ako sa kwarto at nagpatay malisya.. Pero mali pala ako. Dala dala ko yun hanggang pagtulog at pati ngayon. Kahit na gawin ko mang magalit sa mga katulong na yun eh wala akong karapatan..
Hay..
Pagkatapos kong mag ayos eh nag alis na ako. Wala naman pakialam sa akin yung mga katulong kaya di na lang ako nagpaalam...
BINABASA MO ANG
MISTRESS [COMPLETED]
RomansHindi sa lahat ng pagkakataon, ang kabit ay palaging pangalawa, sa batas oo pero sa puso hindi. Bakit ba naghahanap ng bago kung kuntento naman ang tao sa'yo? Minsan hindi natin kailangang husgahan ang kabit base sa kung anong nakikita natin, hindi...