MISTRESS-8

5.9K 83 4
                                    

Nandito pa din kami sa Café sa may park. Nilibre nya ako ng isang strawberry cake at isang strawberry juice huehue. I love strawberry kaya!
Habang nakain kami ay syempre nagkekwentuhan din naman. Hindi kami nauubusan ng istorya noh? Hahahahaha syempre nagkamisan din naman eh kahit na magkasama naman kami nito lang.

"You want more?" Tanong nya sa akin. Nag iling na lang ako ayokong masobrahan sa sweet na pagkain baka tumaba ako ahaha joke lang. Syempre kailangan kong alagaan ang katawan ko lalo na't kagagaling ko lang sa sakit.

Maya maya ay may isang babae na lumapit sa table namin..

Maganda sya at mukhang bata palang i think mga 18??

"Hi Po , diba kayo po si DJ Mia at DJ Bry? "
Ahh?

Nagtango lang kami habang nakangiti.

"Pwede pong pa picture? Lagi ko po kasi kayong napapanuod sa youtube ehh... And i love your advice DJ mia."
"Salamat.."

Nag take kami ng mga ilang shots at nagpaalam na din sya. Kung alam lang nya na umalis na ako sa trabaho na yun.. Hayyy..

"Mukhang fan na fan ka nung dalagang yun " sabi nya sa akin well mukha nga pero hanggang dun na lang yun..

Napag isip nya ng ihatid ako sa unit ko kasi hapon na din at may trabaho pa sya. Sabi nya kasi na gusto nya pang magtrabaho dun .. Well di ko naman sya masisisi ehh..

"Thank you bry! Bye" nagyakap ako sa kanya pero nagkalas rin naman ako. He just wave his hand while walking backward.

Kinuha ko na yung card sa bag ko at pinasok yun sa may paguhit na box dun. Nagpasok ako sa unit ko at agad na naupo sa may sofa at nakapikit na ninanamnam ang sandali.. Pagod. Ngayon ko lang naramdaman yung pagod.

Patayo na sana ako kaso nakita ko si Alex na nakatayo sa harapan ko at nakapamewang pa. Nakakunot ang mga noo habang nakatitig sa akin..

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya at tuluyan ng naupo ..
Baka akala nya na nakalimutan ko na yung conversation namin last time. Tsk.

"Hinihintay ka.. " naglagpas ako sa kanya pero nahawakan nito ang braso ko at iniharap ako sa kanya.
"Ano ba?!"
"Tell me! Are you cheating on me?"
0_0

"What?! "

"You're with that bry! "

"God ! Till now yan pa din ang iniisip mo! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na he's my bestfriend!?"
"Shit! " tska nya binitawan ang kapit nya sa braso ko. Napahawak ako dito dahil pakiramdam ko ay nagbakat ang kamay nya dito.

"Bukas na lang tayo mag usap Alex"
"No! Let's talk now!"

Ughh..

Nakaka asar na talaga sya.

"Tska mo na ako kausapin pag malamig at wala na yang masama mong iniisip! Umalis ka na muna dito!" Tska ako nagpasok sa kwarto ko at inilock iyon. Wala syang susi ng kwarto ko wala syang magagawa.. Napamapanghinala nya!

~~~~
Kinabukasan. Katatapos ko lang maligo at lumabas ako sa kwarto ko ng naka robe lang syempre may under garments na noh!

Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng kalampag sa kusina. Napatakbo agad ako dun..

"Alex ?!" Naka half nake lang sya pero naka pants pa din malamang.. Hindi ba sya umuwi kagabi??

"Nagluto na ako ng pagkain.. Umupo ka na dyan" hindi ko naman sya sinunod at nagpamewang lang.. Ano toh? Suhol?? Tsk.

"Mia please after this we'll talk. "
Talk?

"Siguraduhin mo munang malamig na yang ulo mo pag magkausap na tayo mamaya"

"I will."

Habang kumakain kami ay nakwento nya na nakabawi na daw sya sa site nila sa davao. Mabuti naman dahil konsensya ko pa pag may nangyari sa kumpanya nya.

Hinugasan ko na yung pinagkainan namin tska ako nagsunod sa kanya sa may sala. Nakaupo ito sa may sofa habang nanunuod ng T.V napatingin ito sa akin at tska nag gesture na dun ako umupo sa katabi nya. Sinunod ko naman sya.

"Sorry " panimula nya. I know why he's saying that word kaya di ko na kaylangan ng explanation.

"Akin lang naman kasi alex. Itatak mo sa isip mo na magkaibigan kami ni bry. Ang hirap sayo ang hilig mong hinalaan ang mga walang kakwenta kwentang bagay."

"Sorry na nga.." Niyakap ako nito. Napangiti na lang ako. Ang hilig mag selos kamo! Tsk..

Maya maya ay nakarinig ako ng doorbell.. Wala naman akong inaasahan na bisita ah? Baka si bry .

Agad kong binuksan ang pinto without seeing the LED.

I was shock nang makita ko kung sino..


Si Mommy!


"M-mom"
Nautal ko pang sabi.. Bakit di nya sinabi na papunta sya dito??

"Di mo ba ako papasukin?"

Patay.. Anong idadahilan ko??
Makikita nya si Alex sa loob. And wait baka manghinala si mom na may relasyon kami kahit meron naman talaga.. Aggh..

Nagulat ako ng lumampas si mom sa akin.. Nauna na syang pumasok sa loob.. Agad kong sinaraduhan ang pinto.

"Nakakain ka na?" Napakunot ako ng noo.. Napalingon ako sa may likod ni mommy.. Wala dun si Alex. San naman yun nagpunta? Pero mabuti na yun.. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Yes mommy." Naglapit ako dito at pinaupo sya sa may sofa. Nagpalinga linga ako. Success! Walang alex !

"Kanino tong Black shoes? At suit ?" Napatingin ako sa tinuro ni mommy na sapatos na nasa sahig at yung suit na suot ni alex kagabi na nasa may board ng sofa ! Shit.

"A-ahh k-kay b-bry ma! Oo tama kay bry hehehe" sana makalusot.. Sana

"Asan sya? Are you two dating? Or in a relationship? "
"Nakalimutan nya lang yan ma kagabi tska wala kaming relasyon.. Bestfriend lang"
"Akala ko naman meron.. Botong boto pa naman ako dyang kay bry.. "
"Haha ma naman.. " naki go to the flow na lang ako..





*blag* hala ano yun?! Galing sa kwarto ko!

"Ano yun?" Tanong ni mommy.. Alex naman! Magtatago ka na nga lang palpak pa!

"Wala lang yun ma!"


"Ma!" Nagtayo ito at naglakad papunta sa pinto ng kwarto ko at unti unti nitong binuksan .

"Mister Alexander Delgado ?! "

Shit..

~~~~..

Kamsa :)

MISTRESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon