MISTRESS-20

6K 83 0
                                    

"Daddy, I miss you a lot.. "

Nagngiti ako ng pilit. Lumuluha na naman yung peste kong mata. Nakaka asar kasi eh! Bakit ba kasi ayaw nyang gumising? Eh sa puso naman ang sakit nya pero pati utak nadadamay! Sabi ng Doctor kanina sa amin nila mommy na may tendency daw na di na magising si Daddy dahil habang tunatagal yung pag stay nya dito sa Hospital na sa halip na gumaling sya ay mas naapektohan ang mga cells ng katawan nya. Sabi rin ng doctor na tatagan din namin dahil any minute di namin alam na baka bumigay ang katawan ni Daddy. At hindi ko kakayanin yun.

Hindi ko kakayanin na mawala si daddy ng masama ang loob sakin. Di ko rin kakayanin na di maibalita kay daddy na naka 1 week ako sa resto at sa tingin ko naman ayos na yun tsaka gusto ko ring ibalita sa kanya na magiging Lolo na sya..

Parang ikamamatay ko lahat pag di sya nagising..

After namin kanina na mag usap ng mommy ni Alex eh nag paalam na ako sa kanya na pupunta na ako dito sa hospital to visit my dad. At mabuti naman eh mabait sya.

Kahit na kailangan ko ngayon si Alex hindi naman pepwede dahil may work sya at hindi ko kayang ako yung maging dahilan kung sakaling bumagsak ang kumpanya niya. Pero wag naman sana.

Nakatingin lang ako kay daddy tanging yung monitor lang ang maingay dito sa ICU room at sana wag syang tumuwid or magderetso ang tunog..

Maya maya nakipag palit sa akin si mommy dahil baka daw makasama sa akin ang pag iyak ko dahil nga sa nagdadalang tao ako.

Nagpayag naman ako kasi medyo nakakapagod rin na umiyak. Wala si Mara dahil meron syang pasok .

Naka upo lang ako dito sa may bleacher sa labas ng ICU room. Nag iisip lang ako at nagdadasal na sana ay magising na si dad.

'Dad please kayanin mo. Di namin kakayanin pag wala ka. Mahal na mahal ka namin. At gusto ko rin na makita mo ang magiging apo mo na lumalaki'

Nagpahid ako ng pisngi. Kahit na wala na ako sa loob patuloy pa din sa pag tulo nitong pesteng luha na toh.
Di ko lang siguro mapigilan na maging emosyonal...

11:56 am.

Di pa ako naglalunch. Pinapakain din ako ni mommy ng binili nyang pagkain pero ayoko talagang kumain. Parang wala akong gana. Nakakatamad eh.

"Anak, kumain ka na... Maya maya padating na si Bry bahala ka alam kong kagagalitan ka non." Nag iling naman ako. Ayoko talaga.

"Mia Makinig ka naman"

Alam kong naiinis na din si mommy. Halata naman sa boses nya eh.

"Ma, mamaya na lang ako kakain please.. "

Napapikit naman ito. Alam nya kasing di na nya talaga ako mapipilit.

"Bahala ka. Inaalala ko lang yang kakusugan mo at yang apo namin... Bahala ka Mia... "

Nag tayo na ito at nag alis papunta sa kung saan. Iniwan nya lang itong mga pagkain.. Galit si mommy for sure.

"MIA!" Napatingin ako sa tumawag sa akin.. Si bry. Napangiti naman ako at tsaka tumayo para salubungin ito.

"Hindi ka pa daw kumakain ah... Ikaw talaga ! Halika ako magpapakain sayo!" Hinawakan ako nito sa braso at nagbalik na lang ulit kami sa pwesto ko kanina. Pinilit nya akong subuan ng mga pagkain na binili nya at ni mommy. Kaya sa huli ayun wala akong nagawa.

"Oh baka mahirinan ka" inabot nya sakin yung isang tumbler na may lamang tubig. Ininom ko naman yun dahil baka nga naman mahirinan ako.

"Sa susunod kumain ka na lang gusto mo talaga yung pinepwersa ka eh!"

"Hindi kaya! "

"Sus. But kidding aside Mia. You should always eating . Baka makasama sa baby yan eh.. "
"Oo na po tatay" then I smile haha.

Nag usap lang kami ni Bry doon sa labas ng ICU . Hindi na rin namin namalayan ang oras medyo palubog na rin pala ang araw.

"Nagriring ang phone mo." Sabi nya kaya kinuha ko yung phone ko sa bag ko...

Si alex....

Kaya sinagot ko agad.

Papunta na daw sya on the way na daw.
Inantay na lang namin sya na makarating. Magpapaalam na din ako kay mommy.

"Bry? Favor naman.."

"Sige ano yun?"

Naghinga ako ng malalim..

"Alam kong busy ka pero pwede bang minsan ikaw magbantay kay daddy? Pauwiin mo si mommy pagpahingahin.. Baka kasi sya ay magkasakit din nyan.. Si Mara kasi ay Busy sa school eh.. Pero pag may time ka lang naman.."

Nakatingin lang ako sa kanya. Pinatong nya yung kanang kamay nya sa ulo ko at yung isang kamay eh naka patong sa balikat ko.
Nagngiti pa sya.

"Basta para sayo.. " napangiti naman ako. Ang bait talaga ng kaibigan kong ito..

"Ehem.." Napabitaw ako ng tingin kay Bry at si Bry naman ay napabitaw ng hawak sa akin..

Napalingon kami sa nag 'ehem kuno'

"Mukhang di nyo napansin ang pagdating ko.." Naglakad ako palapit sa kanya at sinalubong ito ng yakap.. Nagkalas din naman agad ako at pinasadahan ko sya ng matamis na ngiti.

"Sorry Alex.. Silip ka muna kay dad bago tayo umalis?" Nag iling naman sya sakin.

"Ayokong mag take advantage Mia. Galit pa rin sya sakin kahit papano. Siguro pag gising na lang nya. Magpaalam ka na aalis na tayo." Nagtango naman ako. Naiintindihan ko naman sya eh.. Nagpaalam na ako kay daddy, mommy at kay Bry.

Maya maya daw aalis si Bry pag malapit na mag 7 dahil may trabaho pa sya sa Radio station.

Habang nasa byahe kami ay tahimik lang kami. Nakakaramdam din ako ng pagod. Mag hapon ba naman ako nagbantay at nakipag kwentuhan kay Bry di ba naman ako mapagod nun?

Mabuti naman at hindi nagalit si Alex sa pag uusap namin ni Bry kanina..

Nakarating kami sa mansyon napansin ko yung kotse na nakaparada sa garahe pagkapasok palang namin ng gate. Hindi ito sa mommy ni Alex .. Kanino naman toh?

"Kyla's here. Shems." Nagbaba naman agad sya at di na niya ako nagawang pagbuksan dahil nagtuloy tuloy na syang nagpasok..

Hindi manlang nya ako nilingon kaya napapikit ako at napahawak sa sintido ko. Kaasar.

Nagbaba na ako at nagsunod na lang sa kanya. Nakarinig na agad ako ng ingay dahil sa umaalingawngaw na boses ng mga bata.

Ang kapal ng mukha nyang magpakita noh?

"Who are you?" Napatingin ako sa batang nagsalita... Si Tim ito. Hindi nya ba ako naaalala?

"Didn't you recognized me?" Medyo nag isip naman sya at pinagmasdan yung pes ko.

"Ah I know. You're the one buying an Ice cream.. You're with your boyfriend that time.. " matalas ang isip neto pero ng dahil sa katalasan pati yung pagsasama namin ni Bry eh nabigyan ng malisya.

"Hindi ko sya boyfriend. Bestfriend ko sya.."

"Ah okey. You're with my father?" Nagtango naman ako sa kanya.

"Ahhh... "

Maya maya boses ng isang babaeng ayaw kong makita sa mundo ang narinig ko.

"Ow the Mistress.." Nang gigil naman ako. Ako kabit? Hindi na kaya! Wala na sila!

"Shut up Kyla!" Napatingin ako kay Alex. Lumapit ito sa akin.. Tiningnan ako nito sa mata ko.

"Don't mind her Mia. Hatid muna kita sa kwarto. We'll talk.." Pinatigil ko na sya ng akma nya akong aalalayan..

"Ako na.." Nag lagpas ako sa kanya narinig ko pa ang pagsabi nya sa pangalan ko..

Seeing your boyfriend with his ex? Haha tangna!

>>______<<

Parang sasabog yung puso ko any minute eh. Bakit ba nainlove ako sa may asawa noon at anak.?

MISTRESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon