MISTRESS-15

5.6K 79 0
                                        

Asdfghjkl. Sari saring mga usapan ang naririnig ko ngayon. Hindi ako sanay sa lugar na ito pero kailangan kong sanayin ang sarili ko lalo na't malayo na ako. Andito ako sa palengke dito sa cebu. Di ko alam yung right place na dapat kong itawag eh. Tatlong araw simula nung umalis ako at dito ko talaga naisipang pumunta. Paniguradong wala saking makakahanap dito. Gusto ko talaga munang umiwas kaya sana maintindihan ako ng mga taong naiwan ko sa siyudad.

"Ale? Magkano po itong karne ng baboy?" Tanong ko habang tinuturo yung karneng baboy .
"Dalwang daan isang kilo. "

Parang ang mahal naman ata? Sa super market sa mall huling tingin ko 160 eh bakit dito?

"Isang kilo po" hindi lang naman ako ang kakain eh. Syempre salo salo kami nila tita olivia. Si tita olivia ay yung may ari ng inuupahan kong bahay.

Nagbigay ako ng dalwang daan . Bakit ganto ang lagayan? Papel? Mabuti na lang at may plastick bag ako na dala..
Naglibot ako para bumili ng rekado sa gagawin kong adobo .

Pagkatapos kong mamili eh sumakay ako sa tricycle mabuti na lang masagana ang bawat sasakyan na dumadaan kaya agad akong nakasakay.

Medyo malapit lang naman ang inupahan ko eh kaya mura ang pamasahe ko papunta don.

Pagkapasok ko ng bahay eh nakabungad na sakin yung may ari nitong bahay. Nag bati ako sa kanya ang bait kaya neto sakin. Ako lang ang nangungupahan dito at ang laki ng bahay nya ah! Pinayagan nya ako na gawin ko ang mga gusto ko dito dahil parte naman na daw ako ng pamilya nila kaya nga ang saya ko.

"Tita Olivia? Magluluto po ako ng adobo namili po kasi ako"

"Sige. Gamitin mo ang kusina ko pero linisin mo din. " nagtango naman ako. Ang bait nya talaga .. Wiiihhh! Hehe

Hinanda ko na yung nga rekado. Hiniwa ko na din yung karne.

Lahat ng dapat gawin ginawa ko na hanggang sa isa isa ko na itong nilalagay sa frying pan..

Syempre nag luto na din ako ng kanin magtatanghalian na rin pala kaya kailangan na talagang magluto..

"Hi ate Mia " napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Alisa. Anak sya ni Tita Olivia.

Nginitian ko lang naman siya tapos binigyan ko na lang ulit ng pansin yung aking niluluto.

"Ate may boyfriend ka ba? " napatigil naman ako sa tanong nya. May boyfriend nga ba ako? Oo MIA meron! Iniwan mo nga lang!

"Wa-wala" sabay lunok ko ng masagana kong laway. Ayokong magsinungaling pero baka kasi magtanong pa sya kung bakit ako nandito lahat lahat na.

"Ah akala ko meron sa ganda mong yan hihi tsaka ang sarap mong magluto.."

"Salamat.. "

Tinakpan ko na lang yung nilulutuan ko nakulo na naman eh kaya madali na. Yung kanin naman ganun din. Kumukulo na din sya.

Maya maya parang biglang nanglabo ang paningin ko kaya napahawak ako sa edge ng lutuan.. Anong nangyayari ?

"Ate?" Naramdaman ko ang pagkapit ni Alisa sa aking braso. Alam kong nag aalala sya halata naman sa boses nya eh..

"Ayos ka lang? Dalahin kita ospital gusto mo?"
Nag iling naman ako.. Siguro ay stress or napagod lang ako kanina o di kaya sa mga nagdaang araw.

"Ayos lang ako, wag ka ng mag abalang dalahin ako sa ospital.. Pakibantay na lang yung niluluto ah?" Nagtango naman ito alam ko namang kaya nyang mabantayan yun eh .. Kasing edad lang sya ng kapatid ko pero kung ikukumpara sila medyo matino itong si Alisa kesa sa kapatid ko. Pero may pagkakatulad sila. At yun ang namimiss ko pag nagagawa sakin yun ni Alisa. Yung pag aalala nya sakin... Yun ang namimiss ko sa kapatid ko. Nag deretso ako sa kwarto at naupo agad sa kama.. Pinipilit kong pakalmahin yung sarili ko... Ano kayang nangyayari sakin? Wala naman akong sakit.. Kung may sakit man ako linggo na ang nakalipas non..

*tok tok*

Napatingin ako sa may pinto na nakabukas di ko pala naisara.

"Sabi ni Ali masama daw pakiramdam mo. Ayos ka lang ba?" Tapos pumasok si tita sa kwarto dito sa loob..

"Opo ayos lang. Baka pagod lang po"

"Magpahinga ka muna. " nagtango na lang ako kay tita . Lumabas naman na ito.

Nahiga ako sa kama at naramdaman ko na lang ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata. Pero bago pa ako makapikit parang isang blurred na larawan ni Alex ang nakita ko sa harapan ko.. Baka naghahalucinate lang ako dahil sa namimiss ko na rin sya tsaka pagod na ako..


-__-

=-=-

Mga passed 1:00 ako nagising. Ang tagal ko palang nakatulog at hindi manlang ako nagawang gisingin nila tita. Nagugutom na din ako.

Nag tayo ako at inayos ang aking sarili bago lumabas. Mukhang may mga bisita sila Tita dahil sa ingay na nanggagaling sa may Salas. Nagtuloy ako sa kusina. Nag punta agad ako sa ref at nakita ko don yung adobo na nasa Tupper wear. Kinuha ko yun at inilagay sa microwave oven tsaka yung kanin ay inilagay ko sa tupper wear at isinabay ko na sa ulam pagiinit. Habang nag aantay ako na uminit yung mga pagkain eh naupo muna ako dito. Pero para akong may naririnig na kaliskis sa paligid. Pero binalewala ko na lang yun dahil baka mga bisita lang yun ni tita.

Napaisip naman ako.. Hinahanap ka nila ako? Hinahanap kaya ako ni Alex? Nila mommy? Hayy. Kung oo sana wag muna nila akong mahanap dahil gusto kong mapalayo kahit sandali lang..
After kong iprefared yung mga pagkain pagkalabas ko nito sa microwave eh kumain na ako. Para talaga akong isang linggong di kumain eh.. Magutom eh.

Habang nakain ako pakiramdam ko may nakatingin sakin? Hmmm.. Kaya naglingon ako pero wala naman akong nakita ni isa.

Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na yung mga pinagkainan ko... Naalala ko minsan ginagawa ito ni Alex sa condo ko. Yung sya ang naghuhugas ng mga pinagkainan namin. Nakakamiss din pala yun..

Then suddenly. May biglang nahulog na gamit.. Kaya napalingon ako.


Laking gulat ko kung sino ang nakita ko

Bakit sya nadito? Gusto ko munang mapalayo sa kanya dahil baka nga madamay sya sa away namin ni dad eh.. Tsaka pano nya nalaman na nadito ako??

"Alex...."

,

MISTRESS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon