(Alexis Point of View)
Napapailing na Lamang ako sa kapatid ko, she's really annoying when she's in her immature episode, an episode that can't heal anymore. Grr! Nakakainis parang hindi bente anyos.
"Kuya naman! Hiwalayan mo na siya!"
Napa ayos ako ng upo sa sunod nitong sinabi, hiwalayan si Erin? Hindi ko 'yun gagawin dahil lang sa sinabi niya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ganyan siya sa girlfriend ko."Shut up Alexa!" Tumayo ako sa upuan at akmang iiwan ito ng may sunod itong sabihin.
"Gold digger 'yun! Pera lang ang habol sa'yo! Gumising ka nga Kuya!"
Napatikom ako ng kamay, wala akong pakelam kung pera lang ang habol niya sa akin. Mahal ko siya, mahal ko si Erin!
"Ku---" I cut her off.
"SHUT UP ALEXA!" nilapitan ko siya at hinawakan ng mahigpit sa kanyang braso, ayokong kung ano ano ang sinasabi niya sa girlfriend ko. Hindi ibig sabihin na hiwalay na sila ng boyfriend niya ay idadamay niya ako sa kapaitan ng buhay niya.
"Tumigil ka na!"
Ang sama ng loob ko, siya pa itong unang nanghusga sa babaeng minamahal ko ngayon.
"A..ray..Kuya.."
Napapikit ako at binitawan ang braso niya, napahinga ako ng malalim. Bakit ko siya sinaktan?
"Sorry Alexa, huwag mo na lang uulitin. Pagtuunan mo na lang ng pansin ang tungkol sa magiging asawa mo at huwag ako. Matanda na tayo, pero 'yang utak mo. Para kang limang taon."
Tumalikod na ako, hindi ko sinasaktan ang kakambal ko pero nadala lang siguro ako ng galit kaya ko nagawa 'yun.
Nagderetso ako sa garahe at kinuha 'yung nakasabit na susi doon. Gusto kong magpalipas ng inis, bahala na kung saan ako dalhin ng kotse.
"Sandali Alexis, di'ba pinagbawalan ka na ng Papa niyo? Dahil sa nangyari last week."
Napatingin ako sa bodyguard namin, last week. Yeah that's the time when I got a minor accident pero wala akong pakelam! Gusto kong mag unwind!
"I don't care."
Binuksan ko na 'yung pinto, akmang bubuksan ito nito pero agad kong nilock.
Nang mapaandar ko na ang makina ay pinaandar ko hanggang sa harapan ng mataas naming gate. Nagbusina ako ng ilang beses hanggang sa magbukas 'yun, takot lang nila sa akin kahit na si Papa ang nagpapsweldo sa kanila.
Pinaharurot ko ang sasakyan palabas ng subdivision, sa lopb ng subdivision ay walang katraffic traffic pero pag dating ko sa highway ay napabusina na lang ako. Manila is Manila, hanggang kelan kaya magkakatraffic?!
"Bwisit!" Aatras na lang sana ako pero may kotse na akong kasunod, bwisit talaga. Dito ba ako magpapalipas ng inis? Eh mas nadagdagan pa 'yung inis ko ngayon.
Dapat pala naglakad na lang ako, o di kaya nagbike! Mas madali pang makasiksik kapag ganun.
Tumunog ang cellphone ko mula sa aking bulsa kaya agad ko 'yung kinuha at nang makita ko kaagad ang pangalan ng girlfriend ko ay sinagot ko 'yung agad.
"Babe?" Nakangiti kong tanong, parang nawala 'yung inis ko ng malaman kong tumatawag si Erin. She's my stress reliever ever.
Pero agad din naman akong nastatwa ng iba ang narinig ko.
(Si Carlo ito, Lexis. Nasa hospital si Rinrin!)
Parang may pumiga sa puso ko sa balita ng pinsan ni Erin, b-bakit siya nasa hospital?
BINABASA MO ANG
MISTRESS [COMPLETED]
RomanceHindi sa lahat ng pagkakataon, ang kabit ay palaging pangalawa, sa batas oo pero sa puso hindi. Bakit ba naghahanap ng bago kung kuntento naman ang tao sa'yo? Minsan hindi natin kailangang husgahan ang kabit base sa kung anong nakikita natin, hindi...