CALVARY 1: THE ACE PRETENDERS
I.
MYRRH
AS I stepped on the white and marbled floor, I can feel the different atmosphere inside this classroom. Something's bothering my mind.
"Ugh! Tititig ka lang ba talaga dyan, Miss?" Para bang iritang-irita na tanong sa akin nung nasa likod ko.
How rude, Di ba pwedeng nagmomoment lang?
"Hey Chase, chill. Babae 'yan." Pamumuna naman agad sa kanya ng kasama niya.
Chase? Bagay sa muka niya, muka siyang aso.
"Oh, sorry." Pagpapakumbaba ko na lamang atsaka tumabi sa dadaanan nila.
"Sorry." His friend mouthed atsaka ngumiti bago sila tuluyang pumasok.
Nice, first day of class sa isang pilot section may nakaaway agad ako. Wow lang.
Napasign of the cross ako bago ulit tignan ang class list na nakadikit sa pinto ng classroom upang icheck kung hindi ba talaga natypo ang pangalan kong nakalagay don.
Halos pang 82626282 times ko nang tingin 'to pero wala, dito talaga ako sa bwisit na pilot section. At makakaklase ko ang mga so called "populars" at gwapito sa school na 'to.
Napalunok ako ng ilang beses bago muling humakbang papasok sa loob, ilang minuto na rin kasi akong nakatanga rito sa harap ng room e.
Baby steps, baby steps.
Mga nakatitig na mata, ito ang ang sumalubong sa akin sa pagpasok ko pa lamang ng enchanted kingdom. Halos lahat sila ay titig na titig sa akin at tinitignan pa ako mula ulo hanggang paa.
"Traze, siya ba yung galing sa second section?"
"Ay hala puta, mukang naiihi na yata sa kaba."
"Oy 'wag niyong titigan, baka mapatae na 'yan sa kaba."
Ilan sa mga naririnig kong usap-usapan sa kanila, death glares talaga nila pakiramdam ko pinapatay na nila ako sa kanilang isip. Hindi ako makalakad maayos, nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa pinaghalong kaba at hiya na nararamdaman ko ngayon.
Inilibot ko ang aking paningin upang maghanap ng bakanteng upuan na pwedeng maupuan, nakakita ako ng dalawang bakante sa pinakanglikuran na bahagi ng silid.
No choice, wala na akong magagawa alangan bigla ako manghila ng upuan at paalisin yung nakaupo don. Kahit magmuka na akong loner don mas okay na kesa buong-araw akong nakatayo rito.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinakalikuran na bahagi ng room, sa kalapit nang bintana ang gusto kong upuan kaya't nagtungo agad ako don.
"Nice, Gavi." Napalingon ako don sa nagsalita, nakangisi siya at nakatingin sa taong nakaupo sa unahan ko, napatingin na rin ako sa unahan ko at nakitang nakangiti ng paglakapad-lapad ang lalaki habang nakalingon na pala siya sa akin.
Yung eye smile niya, bish. Nakakaputaragis.
"U-uhh, H-hi?" Kabang-kaba ako, hindi ko alam kung ba't ba ako nagkakaganito 'pag kinakausap o binabalingan ako ng kahit isang estudyante mula rito sa pilot section, para lagi akong maiihi sa kaba.
"Helloww. Anong pangalan mo?" Nakangiti niya pa ring tanong, nakakadistract yung punyeta niyang eyesmile.
Tangina para naman akong bata neto.
"U-uhh, Myrrh Cassio-cassiophy." Mautal-utal kong sagot habang pinipilit ang sarili kong hindi ipahalata ang pagiging kabado.
"Ah, I'll call you Cassy instead. My name is Gavian Anzeke, You can call me Gavi or Zeke instead too." Tumango-tango na lamang ako kahit na labag man sa loob ko na tawagin niya ako sa palayaw na Cassy.
YOU ARE READING
Incarnadine [ON-HOLD]
VampireBeneath the mask of a handsome and friendly faces are the grievous monsters who can't be loved and can spare your life. A bloody secret, a betrayal, a bloody love. "There are wolves who are just hiding in a sheep's clothing." Who are the genuine imp...