CALVARY 3: BEYOND THE SUNSHINES
I.
CLYDE
"BANTAYAN? What the heck?" Dismayado kong sigaw sa isa sa mga guards ng mansyon namin.
"Opo, kabilin-bilinan po sa amin ni Mrs. Villahermosa ay bantayan ka raw po namin." Pag-uulit niya muli. I rolled my eyes atsaka marahas na napakamot sa ulo ko.
Bullcrap. Tangina talaga, nakakainis na yang si Mama. Kung hindi ko lang siya nanay siguro dati ko pa nalaklak ang dugo niya.
Bakit ako nagpupuyos ng galit sa kanya? Mahabang storya.
"Wag niyo siyang sunurin, wala namang magsusumbong diba?"
"Pero pano po 'pag nalaman 'to ni Sir?"
"Aish! Wala akong pake sa Adriano na yan! Edi magalit siya, mamatay siya sa konsumisyon. Basta ako ang bahala sa inyo." Taas-noo kong pangsusumamo kay Manong.
"S-sige po sir Clyde. Masusunod."
"Good. Mabait ka naman pala, Manong e." Nakangiti kong saad sabay lahad ng palad ko at hinihintay na ibigay niya sa akin ang susi ng kotse ko.
"Eto po, sir. Ingat." Sabay abot niya sa akin ng susi, nice uto-uto pala 'tong si Manong.
"Ang hangin talaga nitong si Sir Clyde, ang laki naman ng gilagid." Nabasa ko ang iniisip niya.
"Hoy, Manong! Tandaan mo nababasa ko yang isip mo." Pagbabanta ko sabay pabiro siyang sinamaan ng tingin.
"Joke lang, sir. Ang gwapo niyo po, 'yon po talaga 'yon hehe." Pambobola niya sabay hagikhik.
Aba may tililing din 'tong si Manong ah, parang di ko nararamdaman na nambobola lang siya.
"Oo alam ko 'yon. Alis na ako ah." Paalam ko atsaka sumakay sa kulay abo kong kotse. Patungo ako sa mansyon nila Calix, may party daw kasing ginaganap don.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay wala akong iba na naririnig sa paligid kundi ang mga hiyawan ng tao at malakas na tunog ng musika sa loob.
Hays, wala na naman yata ang mga tiyuhin niya kaya nagpapakawild siya ng ganto. Gago talagang Calix 'yon.
Habang naglalakad ako palapit sa bahay nila ay lalong lumalakas ang pagkabog ng dibdib ko, malamang sa sobrang lakas ng vibration ng mga speaker sa loob parang ayaw ko na tuloy pumasok. Panigurado akong puro lasing at mga high na naman na mga teenagers ang makakasalamuha ko sa loob, mga amoy ng upos ng sigarilyo, nicotines at mga nakakalasing na alak ang malalanghap kong hangin.
"Atleast may maiinom kang fresh and human blood." Napapitlag ako nang biglang may nagsalita galing sa aking likuran kaya agad ko siyang nilinga.
"Vazhti? Akala ko ba ayaw mo sa mga parties? Anong ginagawa mo rito?" Nakangiwi kong tanong sa kaniya.
I can't believe na nagpunta talaga siya rito sa party ni Calix, kasi kahit na ako na mismo ang may paparty e hindi pa rin siya nagpupunta. Nakakapagtaka lang dahil nagpunta siya ngayon.
"Did you blocked your mind? Hindi ko na mabasa e. Pero sigurado akong iniisip mo na naman kung bakit ako allergic sa parties."
YOU ARE READING
Incarnadine [ON-HOLD]
VampireBeneath the mask of a handsome and friendly faces are the grievous monsters who can't be loved and can spare your life. A bloody secret, a betrayal, a bloody love. "There are wolves who are just hiding in a sheep's clothing." Who are the genuine imp...