▪ Jigsaw 3: Searching the Eyes of the Storm

59 5 0
                                    

❇ JIGSAW 3: SEARCHING THE EYES OF THE STORM ❇

II.

JARREL

A raging storm, a room that's engulfed by darkness. It was a one dark and stormy night. It was a one-flagrant nightmare to me that I can't never ever forget. Nakakatakot, nakakaduwag.

"Come out, come out wherever you are, my dear." I swallowed the lump that's blocking my drying-up throat. His footsteps, palapit nang palapit, it was slow, heavy and deliberate na animo'y sumasabay sa pagpintig ng nagwawala ko nang puso.

Pakiramdam ko'y mas lalo akong nanghina nang may marinig akong kalansing na nanggaling sa ilalim ng kama kung saan lamang akong kasalakuyan na nagtatago. Lumingon ako sa aking paanan at napagtantong nasagi pala ng mga paa ko ang alkansya kong nakatago sa ilalim ng aking kama, dahilan para tumumba ito at kumalansing ng malakas.

"Putcha?" I trembled in fear, nagsimula nang bumilis ang pag-hinga ko, magkandabuhol-buhol ang dila ko, at isang marahas na paghila sa aking paa palabas sa kinatataguan ko ang aking naramdaman.

"Ah! Find you!" He chuckled, at ang tawang iyon ay nagbigay ng isang hilakbot sa akin. Pilit akong nagpupumiglas at kumakawala mula sa mahigpit niyang pagkakahawak sa aking kaliwang paa. Halos mabali na ang mga buto ko rito dahil mas hinigpitan niya pa ang hawak, napahiyaw na ako sa sobrang sakit at hapdi na nararamdaman ko.

Napakasakit, pakiramdam ko'y habambuhay na akong mapipilay dahil sa ginagawa niya sa akin.

"Please, don't hurt me! Don't hurt me! Let me go!" I screamed at the top of my lungs, nagmamakaawa ako sa kanya. Panay na lamang ang paghikbi at pagtangis ko, dala na rin ng sakit at pagod na sinasapit ko sa mga kamay niya.

"Hindi ganto na lang, bata. Dahil ang inutos lamang ni Boss sa amin ay ang patayin ang mga magulang niyo-Uhm, magtaguan na lang tayo. Masaya 'yon diba?" Mas lalo akong humagulgol at umiyak, nakakatakot ang malawak na ngising nakakurba sa kanyang labi. Nanatili akong nakadapa nang bitawan niya ang paa ko, hindi ko ito maigalaw. Para bang naparalisa ito dahil sa ginawa niyang pagpapahirap sa akin kanina.

"Ano, bata?! Sumagot ka kung ayaw mong gilitan o patagusan ko ng pako yang leeg mo!" Hinila na naman niya ako palabas ng kwarto, halatang nagpupuyos na siya sa galit.

"Pu-putangina niyo! Wala kaming kasalanan sa inyo!" Sigaw ko habang pilit na namang winawakli ang pagkakahawak niya sa akin, ngunit kaagad akong napatigil sa pagsigaw nang may mapagtanto ako, namutla lalo ako nang mapansin ko na malapit na pala kami sa hagdanan-kakaladkarin niya ako hanggang makababa kami rito, kakaladkarin niya ako na parang isang manikang walang nararamdaman o buhay.

"Sabi ko naman kasi sa'yo, naglalaro nga tayo. Naglalaro nga tayo, hindi mo ba talaga maintindihan 'yon, ha?!" Sagot niya atsaka ako buong-pwersa na ibinalibag dahilan para mauntog ako ng malakas sa sementado naming sahig, nakaramdam na lamang ako ng likidong tumutulo mula sa noo ko, nagsisimula nang magsirko-sirko ang paningin ko. Nakakahilo, napakahapdi. Gusto ko na lamang mamatay kesa maramdaman ang bawat sakit at pighating ito.

Umalingawngaw sa buong mansyon ang mga sigaw at palahaw ko nang magsimula na niya akong hatakin sa paa habang pababa kami sa hagdanan.

"Hindi pa ba sapat ang ginawa mo sa mga magulang ko?! Pinatay niyo na sila! Patayin niyo na lang rin ako! Ayaw ko nang mahirapan pa! Ano bang kasalanan namin sa inyo?!" Pagsusumamo ko, ngunit sa halip na sumagot siya ay mas lalo lamang niyang binilisan ang bawat paghakbang sa bawat baitang ng hagdan. Umuuntog ang ulo ko sa bawat baitang, para bang pinipiga ito ng buong-lakas ni Hulk. Mas lalo lamang ako nanghina, panay na ang paghihingalo ko, pakiramdam ko'y tuluyan na akong babawian ng buhay. Mas lalong lumala ang pagsisirko-sirko ng paningin ko hanggang sa wala na lamang akong ibang maaninag kundi ang malabong sinag ng buwan na nanggagaling sa maliit na siwang ng mansyon. Nagsimula na rin akong umubo ng dugo, ubo ako nang ubo, para bang lahat ng dugo ko sa katawan ay gusto ko na rin lamang isuka dahil sa sobrang hilo na nararamdaman ko.

Incarnadine [ON-HOLD]Where stories live. Discover now