CALVARY 4: BITE TO THE FORBIDDEN APPLE
I.
TRAZE
INILIBOT ko ang mata ko sa buong paligid, pilit kong hinahanap si Vazhti. Napakahirap maghanap sa kanya lalo na't puro kapwa namin teenagers ang nasa paligid at napakasakit pa sa mata ng mga neon lights.
"Excuse me." Sambit ko habang hinahawi ang mga tao sa dinaraanan ko.
Letse, hindi manlang sila makaramdam na may gwapong dadaan na nahaharangan nila.
"Omg, It's Trazekiel. Ba't siya nandito?" Narinig kong giit ng isang babae na dinaraanan ko, animo'y maiihi na siya sa kilig.
"Gaga, natural party 'to ni Calixon." Sagot naman ng isa pang babae sabay binatukan yung babaeng maiihi na, hindi na ako nakapagtimpi pa kaya lumingon na ako sa direksyon nila, nagtama ang mga tingin naming tatlo kaya agad silang natahimik.
"Oh ba't kayo tumahimik? I didn't say anything to shut your yapping mouths." Walang emosyon kong giit, sa halip na sumagot ay dali-dali na lamang nilang iniwas ang mata nila sa akin.
Calm yourself down, Traze. Kung si Thunder ay gusto na lagi siyang napapansin at napapag-usapan ng mga babae, pwes ako hindi.
"You know where Vazhti is?" I asked Dion na kakikita ko pa lamang, muka siyang wala sa sarili. He's holding a red cup habang abot-langit na ang ngiti sa kanyang labi at napapalibutan ng mga babae.
Nag-iinom ba siya? The fuck? Akala ko ba iced tea lang ang iniinom nito, kanina? E bakit lasing na bigla 'to ngayon?
"Hey, I heard that. I think he's with Myrrh? Hehe~" Groggy at garalgal ang boses ni Dion dala ng kanyang kalasingan, pero malinaw ko namang naintindihan ang sagot niya.
"Tch, don't get wasted. Malalagot ka na parang lastiko kay Clyde." Babala ko sa kanya, kaya tumango-tango na lamang siya.
Nagpatuloy muli ako sa paglakad at paghahanap kay Vazhti, sa wakas! After 72620291 years nakita ko na rin siya. Kausap niya si Myrrh, Wow mukang dumidiskarte na rin ang isang 'to.
Dali-dali akong nagtungo sa kinaroroonan nilang pwesto at kaagad na hinawakan ang braso ni Vazhti.
"Come on, Vazhti." Yaya ko sa kanya sabay hila sa kanya palayo kay Myrrh.
Hindi ko ba alam kung bakit sa dami nang babae na magaganda at sexy sa campus namin e si Myrrh pa ang new target namin. I mean come on, she's just one simple girl e, ang dami-dami namang choices na pwedeng pagpilian.
Habang kinakaladkad ko palayo sa kanya si Vazhti, aksidente kong narinig ang nasa isip ni Myrrh dahil sandaling nagtama ang mga mata namin.
"Pota naman.
Ouch, makakahokage na ako e! 'Yon na 'yon e, nasa climax na talaga e! Kaso biglang winasak nung kamay na humila sa kanya.
Sadnu."
Gusto kong humagalpak ng tawa at pagtawanan siya ng todo pero di ko na ginawa, tinatamad ako e.
YOU ARE READING
Incarnadine [ON-HOLD]
VampireBeneath the mask of a handsome and friendly faces are the grievous monsters who can't be loved and can spare your life. A bloody secret, a betrayal, a bloody love. "There are wolves who are just hiding in a sheep's clothing." Who are the genuine imp...