Calvary 12: Ransacking on the Clandestines

37 2 0
                                    

CALVARY 12: RANSACKING ON THE CLANDESTINES

I.

BRYAN

"SIGURADO ka bang may maitutulong sa problema natin 'tong katarantaduhan na ginagawa natin ngayon?" Kunot-noo kong tanong kay Dustin na kasalukuyang tahimik at ma-ingat na naghahalukay ng mga papeles sa bawat drawer, lamesa at attache case, dito sa loob ng hindi gaano kalakihan na opisina ng tarantadong hepe ng pulis dito sa bayan ng Fairson. Madali at walang kahirap-hirap namam kaming nakapasok dito, salamat sa tulong ng mga uto-utong pulis dito dahil bukod na rin sa inutil nilang hepe ay kakaunti na lamang din ang mga pulis na nandito, 'yung mga naka-toka na lamang talaga ang nandito, tapos 'yung iilan pa sa kanila ay mahimbing nang kumukuha ng kani-kanilang tulog, and of course, yes, we sneaked in.

"May maitutulong 'to kung tutulong ka rin sa akin dito at hindi 'yung puro ka lang dada dyan!" Pabulong na sigaw naman ni Dustin habang pinupukulan ako ng matatalim na tingin.

E gago rin pala 'to e, hindi naman sinabi sa akin na kailangan niya na pala ng tulong ko tapos siya pa 'tong magrereklamo at magagalit sa akin dahil hindi ko manlang siya tinutulungan sa paghahanap. Kaltukan ko na kaya ang hinayupak na 'to?

"Anong sabi mo?" I snapped back out of my thoughts nang bigla na namang magsalita ang hinayupak habang mas tinaliman pa ang bawat tingin na ipinupukol niya sa akin at mas nagsalubong pa ang kanyang dalawang kilay na kulang na lamang ay tuluyan nang magdikit ang mga 'to hanggang sa maging isang tuwid na guhit na lamang.

Oops, I forgot to block my mind again. Jeez.

"Sabi ko, ang gwapo ko." I emotionless stated as I leaned down beside him at nagsimula na ring maghagilap at maghalungkat sa napakadaming papeles na iwinasang ni Dustin sa kulay puting sahig ng opisina. "Tsaka teka lang ha? Ano ba 'yung mga 'mahahalagang' papeles kuno ang hinahanap mo rito?" Nagtataka akong tumingin sa kanya at hinintay ang kanyang sasabihin na kasagutan, habang siya naman, ay abalang-abala pa rin sa paghahalungkat ng sandamakmak na papeles na nakawasang sa harapan niya.

"Autopsy report." Tugon naman niya habang tutok na tutok pa rin ang kanyang buong atensyon sa kanyang ginagawa at hindi manlang ako binabalingan kahit sandaling tingin o kaunting atensyon.

Hibang na ba talaga 'to? Nag-iskip classes kaming dalawa para sa isang napaka-walang kwenta na dahilan? Kingina?

"Autopsy report? Para saan? Nagsasayang lang tayo ng panahon dito para sa walang kwentang mga autopsy report?" Taas-kilay kong tanong sa kanya, mas lalo lang akong naguguluhan dahil sa mga sinasabi niya.

"Tanga," Bulalas bigla ni Dustin atsaka ako tinignan ng masama gamit ang matatalim na mga tingin na animo'y paulit-ulit ka na niyang sinasaksak sa kanyang isipan. "Mahalaga 'to, uulitin ko, mahalaga 'to, oh ayan ha? Sana naman pumasok na sa utak mo 'yon. At kung para saan? Para sa atin, para sa kanila. Hindi 'to walang-kwenta, ikaw ang walang-kwenta, hindi manlang ako matulungan dito, puro pang-uusisa lang ang inuuna ang alam mong gawin dyan." Mariin niyang pagkakabigkas habang matalim pa rin akong tinitignan mula sa aking mga mata.

May menstruation ba 'to? Grabe, na-hurt ng sobra-sobra ang kokoro ko roon sa mga pinagsasabi niya sa akin, hindi manlang pinaganda o pinaayos 'yung term. Straight to the point talaga ang hinayupak, sagad na sagad sa internal organs ko, puta.

"Oh, tinitingin-tingin mo dyan? Tititigan mo na lang ba ako hanggang sa bumalik na ulit dito 'yung ulupong na hepe?" Naiinis nang tanong sa akin ni Dustin na tila ba maya-maya na lamang talaga ay dadambahin na niya ako at papaulanan ng maraming suntok.

Napalunok na lamang ako nang ilang beses atsaka itinuon ang aking buong atensyon sa papeles na nakawasang sa lapag.

"Sabi ko nga, maghahanap at tutulong na talaga ako. Punyeta talagang alikabok 'to." Pagmumulumod ko pa, 'yung panigurado na hindi o walang maririnig si Dustin kahit isang letra o salita mula sa akin at sa mga sinabi ko.

Incarnadine [ON-HOLD]Where stories live. Discover now