Calvary 11: Another Seethe Storm

37 2 0
                                    

CALVARY 11: ANOTHER SEETHE STORM

I.

CLYDE

I slumped in my seat atsaka ko kinuha ang aking cellphone mula sa bulsa ng slacks ko, tutal wala pa namang pumapasok na teacher at bagot na bagot na rin talaga ako.

"Nothing new, aye?" Tanong ko sa aking sarili habang nakataas pa ang kanan kong kilay at titig na titig pa rin sa mga posts sa newsfeed ko.

Hays, wala namang bago, puro hypocrites, judgemental at inutil pa rin ang mga mortal.

I turned-off my phone as I look around, arousing every corner of our classroom. Wala pa ring masyadong estudyante.

Masyado ba talagang napaaga ‘yung pasok ko?

Napabuntong hininga na lamang ako at marahan na ipinikit ang aking mga mata. Pakiramdam ko’y napakabigat ng aking katawan at talukap, para bang hayong-hayo ako, pagod na pagod.

Paano ba naman kasi gagaan at makakampante ang pakiramdam ko, kung hanggang ngayon ay wala pa ring kahit isang clue kung nasaan ba talaga sila Thunder at Myrrh, hindi pa rin alam kung nasaan sila, tapos eto namang si Chase, ayon at bago pa lamang nagkaroon ng malay, ang pinakamasaklap pa roon ay wala siyang matandaan kahit isang detalye sa mga nangyare bago siya mawalan ng malay. Sinubukan na naming humingi ng tulong sa mga pulis ngunit tinanggihan nila ‘to dahil marami pa raw silang kaso na inasikaso.

Putangina talagang mga pulis ‘yan, mga wala talagang kwenta ang pulis dito sa bayan ng Fairson kahit kailan, sabagay pwedeng-pwede na nga namin silang sampahan ng kaso dahil sa ginagawa nila e, pero wala na rin akong panahon para roon, bahala na sila sa buhay nila, trabaho nila ‘yon, ang sa akin lang, pulis sila kaya dapat pahalagahan nila ang bawat hinihinging tulong ng mga taong-bayan hindi ‘yung putanginang nagpapaka-abala sila at tanging ‘yung mga paboritong kaso lamang ang tinututukan nila ng pansin. Hanep talagang buhay ‘to oh, pati tuloy ‘yon pinoproblema ko na.

Patayin ko na lang kaya sila? Hmm, ‘wag na lang pala, ayaw ko namang magsayang ng lakas at panahon para sa mga walang kwentang tao na katulad nila.

"Hoy," I snapped back out of my thoughts as I quickly opened my eyes and averted my gaze on my left side where the voice of a man came from, I rolled my eyes heavenwards when I finally saw who the person was.

"Oh, balita?" I asked with an emotionless tone.

"Wala." He pouted atsaka napasabunot sa kulay itim niyang buhok.

Tch, ano ba naman ang isang ‘to, lalapit sa akin, wala pa rin naman palang balita.

"Pero pumasok na si Thunder." I almost fell on my seat when he blurted out those words. Namilog ang mga mata ko dahil sa pinaghalong gulat at tuwa, my whole expression immediately turned into a light and relieved one, gumuhit ang isang pagkalapad-lapad na ngiti sa aking labi.

"Where is he?" Atat na atat kong tanong sa kanya habang inililibot ang aking paningin sa buong paligid ng silid.

"Nasa cafeteria," Tugon naman niya habang kunot-noong nakatitig sa akin. "Teka, ayos ka lang ba?" Tanong niya pa.

"Of course, I am!" Masiglang sagot ko ngunit nang akmang tatayo na sana ako upang puntahan si Thunder sa cafeteria ay kaagad naman niyang hinawakan ang pulsuhan ko dahilan para mapatigil ako at naguguluhang tumingin sa kanya.

Ano na naman bang problema ng isang ‘to?

Tinignan ko siya sa kanyang mga mata, I tried reading his mind, pero kung minamalas pa nga naman ako, naka-block na naman ‘to. What’s the matter with him?

Incarnadine [ON-HOLD]Where stories live. Discover now