Calvary 7: Decorous Caterwaul Thunder

58 5 4
                                    

CALVARY 7: DECOROUS CATERWAUL THUNDER

I.

MYRRH

UBO ako nang ubo, napakakati ng lalamunan at ilong ko. Pakiramdam ko'y nasasamid na ako sa hangin. Napakausok, nakakasulasok sa ilong.

Nakaramdam na lamang ako ng sunod-sunod na tapik sa magkabila kong pisngi, para bang pilit akong ginigising ng kung sino man siya.

"Anak? Anak gumising kana! Kailangan na nating makaalis kaagad dito." Napakalabo, parang umuusal lamang siya sa akin, nakikipagbulungan ba ako?

Ang labo rin ng paningin ko, hindi ko maaninag ang detalye ng muka niya, tanging mga natataranta lamang niyang pananalita ang naririnig ko.

"Tara na! Kailangan na nating umalis dito!" Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari at kung bakit tarantang-taranta ang lahat ng taong nakapalibot sa akin, para bang may tinatakbuhan silang panganib.

Unti-unting lumilinaw ang lahat, ang pandinig ko, ang paningin ko. Napagtanto kong, na-nasa isa akong nasusunog na barong-barong.

Te-teka! Ba't ako napunta rito?! Ang alam ko, nasa gubat ako!

"Tu-tulong." Bulong ko, hinang-hina ang boses ko. Kahit katiting na boses ay wala manlang lumalabas dito.

"Dustin! Dustin, umalis kana! Umalis kana!" Nakakabingi, tanging mga palahaw lamang nila ang naririnig ko. Umaalingangaw ito sa buong paligid.

Du-dustin? Dustin Aezon? Bakit siya nandito? Ano ba talagang nangyayari?

"Hindi! Hindi ko kayo iiwan dito, Mama! Ayaw ko, natatakot ako! Natatakot ako!" Pilit akong tumayo mula sa pagkakabulagta, nanghihina ang buong katawan ko, wala na akong sapat na lakas upang makatakbo palabas dito sa barong-barong ngunit dahil unti-unti na 'tong bumibigay at mukang ilang minuto na lamang ay tuluyan na 'tong magigiba kaya't kumaripas na ako nang takbo papalabas dito kahit iika-ika pa.

"Shit, holy shit." Hindi magkanda-ugagang bulong ko nang tumambad sa akin ang karumal-dumal na ginagawa ng mga tao sa dalawang may edad at nagmamakaawa ng tao, pilit nilang isinusuot sa leeg nito ang kwintas na gawa sa bawang. Nakakapangilabot ang bawat palahaw nila, parang hindi silang mga normal na tao.

Aswang ba sila?

Nakakatakot, nakakakilabot yung matatalim nilang mga pangil. Kitang-kita ko habang napapaiyak na sila sa sakit at pighati nilang nararamdaman.

Pakiramdam ko'y mas lalong nanghina ang katawan at nanlambot ang mga tuhod ko, nakakaawa sila.

Napatingin ako sa kaliwang bahagi ng lugar, doon nakita ko ang isang bata na bago pa lamang tinatanggalan ng kadena sa mga paa't kamay niya, pilit siyang nagpupumiglas at nagwawala. Iyak siya nang iyak, panay lamang ang nagagawa niyang paghikbi habang nakatingin sa direksyon nung dalawang tao na may edad na.

Siguro mga magulang niya 'yon, ano bang nangyayari? Ba't ganto? Bakit nila ginagawa 'tong kahayupan sa kanila?

Nakatitig lamang ako sa kanila, hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin, hindi ko alam kung dapat ko ba silang pigilan dahil natatakot ako na baka madamay pa ako.

"Mama, Papa! Wa-wag niyo silang patayin! Wa-wala kaming kasalanan sa inyo! Inosente kami, inosente kami!" Halos mawalan na ng boses ang bata, garalgal at paos na 'to. Nakaluhod siya at nagmamakaawa sa harap ng dalawang maskuladong lalake na wala kahit isa manlang emosyon sa muka.

Incarnadine [ON-HOLD]Where stories live. Discover now