Calvary 2: The Chasing Hurricane

65 5 0
                                    

CALVARY 2: THE CHASING HURRICANE

I.

MYRRH

DARKNESS, It's only darkness. Iilan lamang ang mga umiilaw na streetlights sa tinatahak kong daan. Ang lamig ng simoy ng hangin, napayakap ako sa sarili kong katawan. Matatayog ang mga nadaraanan kong puno sa tabi ng dinaraanan ko kaya't hindi ko mapigilan na kilabutan.

"Well, nice seeing you again." Napapitlag ako nang bigla akong makarinig ng isang boses ng lalake na nagsalita mula sa itaas ng isang puno.

Shit! May kapre ba? Duwende? Oh jusko!

Dahan-dahan akong tumingala upang tignan kung sino ang nagsalita, pero kahit ni isang anino ay wala akong namataan.

"Shit?" Pabulong kong mura.

"Don't cuss." Otomatiko akong napatingin sa likod ko, para bang malakas na hinampas ng sledgehammer ang puso ko, nanikip bigla ang dibdib ko at lumakad ako paatras, palayo sa kanya.

"Aww, natatakot kaba sa akin?"

"C-chase? Anong ginagawa mo rito?" Nauutal kong tanong atsaka siya tinignan mula ulo hanggang paa.

"Hindi ba pwedeng nakasabay mo lang ako?" Nakangisi niyang saad atsaka naglakad papalapit sa akin, kaya muli akong umatras.

Ang gwapo niya hutangina, pero iwasan ko raw siya sabi ni Gavi. Iba talaga ang alindog ni Chase kaya marami siyang nakokota na mga babae e.

"Alam kong gwapo ako."

Tangina, nababasa niya ba isip ko!? Anak ng tupa!

"Ano nga pala ulit yung sinabi mo kanina? Uhh, na muka akong aso?" Hindi ko alam kung sarkastiko na ba ang ngisi niya o tunay pa rin, pero mariin ang pagkakabigkas niya sa bawat letra niyang binibitawan.

Pano niya nalaman 'yon? E ni hindi ko nga manlang 'yon sinabi kahit kanino, basta sa isip ko lang.

"Because of magic." Namilog ang mga mata ko nang namalayan ko na lamang na napakalapit na pala ng muka niya sa muka ko, I can feel his hot breath brushing in the tip of my nose. Hindi ako makagalaw, napako ako sa kinatatayuan ko habang nakikipagtitigan sa mala-orasan niyang mga mata. Hindi ako makahinga ng maayos, pakiramdam ko'y nasusuffocate na ako.

"Wanna know a secret?" He asked in his husky voice. Damn, It makes me shiver down to my spine.

Napalunok ako ng ilang beses atsaka kinurap-kurap ang mga mata ko.

"We're vampires." Husky and hot, that's all I can describe in his voice whispering in my right ear, right now. Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi ako makakilos, tila ba paralisado ang buo kong katawan at hindi ko maigalaw.

Sa isang iglap, namalayan ko na lamang na magkalayo na ulit kami at humahagalpak na siya ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan niya.

"B-bakit ka tumatawa dyan?" I stuttered, kinuyom ko ang kamao ko.

"Wala, yung itsura mo kasi." Sagot naman niya atsaka siya tumigil sa pagtawa.

"Aish! Nakakakilabot kaya."

"Talaga? I'm just kidding."

"Ba't ba ganyan kayo magbiro nila Gavi? Weird." Hindi ko alam kung bakit pagdating kay Chase ay hindi ako masyadong kinakabahan at naawkward. Yung tipong hindi ako nauutal sa pagsasalita at komportable ako sa kanya.

Baka magkadugo pala kami ah? O kaya naman magkakilala kami sa nakaraan? Boom reincarnation!

"Hindi tayo magkadugo ah, sadyang gwapo lang talaga ako kaya komportable ka sa akin. Pati ganon talaga 'pag magbabarkada, magkakaparehas ng joke." Saad niya, nakunot naman ang noo ko sa una niyang sinabi.

Incarnadine [ON-HOLD]Where stories live. Discover now