CALVARY 5: FRAILTY OF THE PERILOUS HURRICANE
I.
THUNDER
"UUWI na ako." Pagpapaalam ko na lamang sa kanila. Aligaga pa rin kasi silang lahat sa paghahanap kay Chase at Myrrh. Nagsiuwian na rin naman kaagad ang mga bisita ni Calix dala nang kaba at takot na nararamdaman nila dahil sa pagpapaputok ng baril ni Bryan sa kalagitnaan ng kasiyahan kanina, nakakawala na ng gana kaya gusto ko na rin umuwi. Wala ng chicks e.
Nang makalabas ako ng mansyon ay sumalubong sa akin ang isang malamig na ihip ng hangin, I tucked both of hands in the pockets of my maroon hoodie atsaka isinuot ang hood sa ulo ko. Cold breeze.
Sa totoo lang, una pa lamang ay alam ko nang magkasama si Chase at Myrrh dahil nakita ko sila na umiinom sa bar. Gusto ko ngang pigilan si Myrrh bago pa man niya ang lemonade na binigay ni Manong bartender kaso bago ko pa man siya mapigilan ay mabilis na niya itong natungga. Ubos agad.
Tangina, hindi ko alam kung uhaw na uhaw lang din ba talaga siya o sadyang bano lang siyang mainuman ang wine glass e.
Hindi ko na lamang pinigilan si Chase sa kung anumang balak niya na gawin dahil baka naman "dumidiskarte" lang ulit siya para makatulong sa plano namin kuno.
Kapag kasi may bago kaming nakilala o napasamin na babae ay dinadala namin doon sa bar ng mansyon nila Calix, hindi para makipagmeet & greet sa kanila, hindi para kausapin o makipagkilala sila sa kanya kundi para makuha ang dugo ng kung sinumang babae 'yon, in short she's a prey, a food. May mga pampatulog o kung anong pills ang nilalagay ng bartender sa inumin nila, automatic na kasi siya pagdating sa amin. Basta may dinala kaming babae, magtitimpla na kaagad siya ng kahit anong alak o inumin na may pampatulog para doon sa walang kaalam-alam na prey. Minsan nga binabagabag ako ng konsensya ko dahil dalawang beses akong nagdala ng babae sa bar na 'yon.
Napabuntong hininga na lamang ako atsaka tinignan ang oras sa wrist watch ko.
10:57 pm
Argh, nasan ba ang dalawang 'yon? Baka mamaya kung ano na naman ang magawa ni Chase kay Myrrh. Patay na naman kami 'pag nangyari 'yon.
Nakaramdam ako nang vibration na nanggagaling sa kanang bulsa ng hoodie ko, kaya kaagad ko 'tong kinuha.
Hurricane is calling...
Accept | Reject
Si Chase pala. Salamat at naisipan din tumawag nito!
Tumigil muna ako sa paglalakad at pinindot ang accept button.
"Na-"
"Shi-shit, Thunder! What should I do!? I don't fucking know what to do!"
Garalgal at aligagang-aligaga ang boses niya, halos hindi ko na nga maintindihan ang mga salitang binibigkas niya dahil sa mabilis na pananalita at paos niyang boses.
"Huh? Ano? Ano bang sinasabi mo dyan?"
YOU ARE READING
Incarnadine [ON-HOLD]
VampireBeneath the mask of a handsome and friendly faces are the grievous monsters who can't be loved and can spare your life. A bloody secret, a betrayal, a bloody love. "There are wolves who are just hiding in a sheep's clothing." Who are the genuine imp...