CALVARY 10: THE CONUNDRUM PHENOMENON
MYRRH
NAKAKAILANG, 'yan ang salitang mailalarawan ko sa katahimikang namamagitan sa amin ngayon ni Dustin sa loob ng kanyang kotse, ilang lunok na rin ng aking laway ang nagawa ko, tapos alam niyo 'yon? 'Yung pinagpapawisan ka ng malalamig na butil ng pawis kahit na naka-aircon sa loob ng kotse.
Anak ng teteng, tagaktak na ang malalamig na butil ng pawis sa magkabilang sentido ko, tapos hindi pa ako makakilos ng maayos, pakiramdam ko kasi sa bawat isagawa kong galaw ay mali para sa kanya, pakiramdam ko'y kaunting ingay lamang at distraction ang magawa ko, maglalabas na siya ng shotgun at babarilin ako tapos headshot pa. Putcha, di'ba? Mas lalo tuloy nagsikip 'yung dibdib ko. Siya kasi ang nagmamaneho ng kotse at ako naman ay nasa back seat lamang.
"Myrrh," Kaagad na nanindig ang balahibo ko sa aking buong katawan nang tawagin niya ang pangalan ko, lalong hindi nagkamayaw ang pagpintig ng puso ko, bawat pagtibok nito ay rinig na rinig na ng aking magkabilang tenga, pakiramdam ko nga naririnig niya na rin 'yon dahil sa sobrang tahimik ng buong paligid e, pakiramdam ko'y kaunti na lamang talaga at tuluyan na akong masusuka sa pinaghalong kaba, tensyon at nerbyos na nararamdaman ko ngayon.
Muli, marahan akong lumunok at kinurap ang aking mga mata bago lumingon sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang titig niya sa akin kaya't lakas-loob ko na siyang nilingon.
"H-hmm?" I hummed habang nakatingin sa kanya mula sa rearview mirror ng sasakyan.
Hanep, pati ba naman ang pag-humo ko, stuttered na? Kingina talaga, grabe ka Dustin, pati na rin yata kahit ang pag-hinga mo lang, takot na takot na kaagad ang mga libag ko sa katawan.
"Chill, okay? I'm not going to kill you," Malumanay niyang sambit atsaka muling tumingin sa akin mula sa rearview mirror. "Water?" Pag-aalok niya atsaka ipinakita ang isang bote ng mineral water mula sa salamin, kaya tutal kanina pa talaga tuyong-tuyo ang lalamunan ko, at sa tingin ko, ubos na ubos na talaga ang laway ko dahil sa kakalunok, ay tinanggap ko na ang tubig na inaalok niya.
"Maybe not today." Kaagad na namilog ang mga mata ko kasabay noon ang pagbuga ko lahat ng tubig na nasa loob pa ng bibig ko.
Putangina, ano raw?!
"A-ano?!" Bulalas ko habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya.
He then look at me again, appeased and straight-faced. Kaswal lamang siyang nakatitig sa akin mula sa rearview mirror habang patuloy pa rin siya sa pagmamaneho.
"Nothing." He plainly answered.
Kakaiba talaga ang dating ng aura at presensya niya para sa akin. He's mysterious, very mysterious.
'Yung para bang kapag kinakausap mo siya at nakipag-eye to eye contact ka sa kanya ay hindi mo talaga malalaman kung nagsisinungaling na ba siya o nagsasabi na ng purong katotohanan sa'yo. He's like a puzzle, mahirap intindihin, mahirap buuin, mahirap kilalanin.
Pero teka lang, ha? Pansin ko, kanina pa talaga siya titig na titig sa mga mata ko, he's eyes are still glued on mine, hindi kaya kami mabangga o maaksidente nito?
I fake a cough atsaka umayos sa pagkakaupo ko, ganoon din naman ang ginawa niya.
"Malapit na ba tayo?" Pagbasag ko sa nakakailang na katahimikan. "Hmm..." Sa wakas ay nakahinga na rin ako nang maluwag nang iiwas na niya sa akin ang kanyang paningin at ilibot ito sa tinatahak naming daan. "Yeah." Aniya.
YOU ARE READING
Incarnadine [ON-HOLD]
VampireBeneath the mask of a handsome and friendly faces are the grievous monsters who can't be loved and can spare your life. A bloody secret, a betrayal, a bloody love. "There are wolves who are just hiding in a sheep's clothing." Who are the genuine imp...