Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na 3rd year high school, grade 9 pa lamang ako kaya't pagpasensyahan niyo po ang iilang mga grammatical errors o wrong grammars ko, at gusto ko rin pong sabihin na sa mobile o cellphone lamang ako gumagawa ng mga updates. 'Yon lang po, salamat sa pag-intindi. :-))
❇ JIGSAW 6: THE BLUNDERBUSS' MUZZLE ❇
I.
TRAZE
"HIHILAHIN si Traze dali-dali papasok dito sa loob at sisiguraduhin na hindi na siya muling makikita at makaka-usap pa nila Clyde." Kaagad akong napatigil sa kalagitnaan ng aming paglalakad ni Jarrel sa pasilyong tinatahak namin nang bigla akong makarinig ng isang panlalaking tinig na nagmumula sa hindi okupadong faculty room ng school na kasalukuyang nasa tapat pa lamang kami ngayon.
T-teka, bakit nadamay ang pangalan ko at pangalan ni Clyde sa kung ano man na pinag-uusapan nila? Kilala ko ba sila?
"Traze, are you still there?" I jumped out of my thoughts as I fake a cough while blinking my eyes repeatedly before answering his question.
"O-Of course," Tugon ko naman atsaka umayos sa pagkakaupo sa kahoy na silyang aking kinauupuan ngayon. "As I was saying, there is nothing to be worry about, I'm fine, completely fine." I reassured him, matipid at pilit akong ngumiti kahit na alam kong hindi naman niya nakikita o nalalaman ang itsura at ekspresyon ng muka ko ngayon, mas lalo ko pang iniayos ang aking cellphone mula sa pagkakatapat nito sa aking kaliwang tenga.
"Are you sure? Traze, pwede mo naman sabihin sa akin-" Hindi ko na pinatapos pa ang kanyang sasabihin at kaagad na akong sumabat bago pa man niya matapos 'to.
"Wala talaga. I just really need some times alone." Pagpapaliwanag ko sa kanya while fiddling my fingers.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya mula sa kabilang linya ng tawag, he really is exhausted.
"Okay, if that's what you really want, I have nothing to do with but you can call me anytime you'll need some advice and help, okay?"
"Okay, roger that. Thanks, Clyde."
"No biggie. Take care of yourself always. Bye."
"Bye." Pagpapaalam ko na rin sa kanya atsaka ibinaba na ang tawag.
Marahan kong ipinikit ang mga mata ko kasabay nito ang aking pagbuntong hininga at pagsandal sa kahoy na sandalan ng aking kinauupuan. Nitong mga nagdaang araw at hanggang ngayon pa rin, wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko, ng katawan ko, pakiramdam ko kasi'y hayong-hayo't pagod na pagod ang buong katawan ko na tila ba inahon ko ang isang napakatarik na bundok.
Sa bawat paglunok at pag-hinga na aking isinasagawa, pakiramdam ko'y may taong nakamasid at nagmamatyag sa bawat galaw na aking isinasagawa. Hindi ako makakilos ng maayos. Bawat lunok ko'y para bang may kung anong bagay ang bumabara sa lalamunan ko, ganoon din naman sa aking pag-hinga, mabigat, masikip at humahangos.
"U-uhh," Sa kabila ng aking pag-aalinlangan na lumapit upang tignan kung sino ang taong nasa loob ng faculty room dahil sa labis na rin akong pinangungunahan ng aking kuryosidad ay tuluyan na akong tumigil sa gitna ng aking paglalakad habang ang aking mga mata ay titig na titig pa rin sa kahoy na pinto ng silid, hinayaang mauna na sa akin sa paglalakad si Jarrel, at maiwan siyang mag-isa na hindi manlang napapansin ang pagkawala bigla ng aking presensya sa kanyang tabi.
YOU ARE READING
Incarnadine [ON-HOLD]
VampireBeneath the mask of a handsome and friendly faces are the grievous monsters who can't be loved and can spare your life. A bloody secret, a betrayal, a bloody love. "There are wolves who are just hiding in a sheep's clothing." Who are the genuine imp...