❇ JIGSAW 5: HIS PAST THAT'S GORY AS HIS NAME ❇
I.
CALIX
I tucked in both of my hands in the pockets of my navy blue vest as I walk down in the dim-lighted and empty street.
A soft blow of humid air brushes on my pale and cold skin making me quiver down to my spine, only my deliberate thus slow footsteps and the sound of howling wind can be heard in every saunter I take.
Badtrip, nagtext sa akin si Vazhti na hindi pa rin daw nila nahahanap si Thunder at Chase. Bwiset naman talaga.
"Cold." I muttered underneath my heavy breathes.
It looks like another raging storm is coming, like the stormy and sanguinary night in the past will come again, dejàvú.
I squinted my eyes, shut and hoist a deep breath before I continue walking again.
"Mas ligtas kung tatakas na kayong dalawa ni Calix, Carmela! Hindi mo alam kung gaano kadelikado ngayon lalo na't kasama tayo sa mga pinagbibintangan na pumaslang sa family massacre na 'yon!" Bumabalik na naman, nakakarindi. Nakakabingi ang mga sigawan nila, ang pagsasagutan nila sa isa't isa, ang pagtatalo nila, ang pag-aaway nila.
Ang nakakarinding pagpatak ng bawat butil ng ulan sa bintana, sa bubong, ang walang humpay na pagragasa nito, at ang malakas na pagkalabog bigla ng pinto sa sala kung nasaan kami nila Mama't Papa.
Napatingin kaagad sila Papa sa pintuan nang nakakunot ang mga noo, marahil ay nagtataka sila kung sino ang mga nasa labas at mukang determinado talaga ang mga itong masira ang pinto ng bahay namin, makapasok lamang sila.
"S-sino 'yan?!" Tensyonado na sigaw ni Papa habang dahan-dahan siyang lumalakad patungo sa pintuan, kaagad na lumakas ang pagkabog ng dibdib ko, sa puntong 'to ay may kakaiba na akong naramdaman-kapahamakan.
Namilog ang mg mata ko at hindi na alam ang gagawin, natataranta ang isip ko, na dala sa sobrang kaba ay nabla-blangko na 'to. Pakiramdam ko'y nawawalan ako ng sasabihin, nauubusan ng salita't mga letra na bibigkasin, at wala nang boses pa ang namumuo sa aking lalamunan.
Bumalik ko sa realidad nang biglang sumigaw si Papa, nag-iba ang ekspresyon ng muka niya, para bang hindi 'to magkanda-ugaga at bakas ang pagkabahala sa kanya.
"CARMELA, MAGTAGO NA KAYO! NANDITO NA SILA, AT MUKANG IBA ANG PAKAY NILA RITO!" Utos ni Papa na nanatili pa rin sa tapat ng kinakalabog naming pinto.
"H-HA?! ANO BANG IBIG SABIHIN MO?!" Bakit ganon? Bakit natataranta sila? Bakit aligagang-aligaga sila? Bakit mukang mga takot na takot sila? Tama ba ako? Tama ba ang naramdaman ko, kanina?
"PAPATAYIN NILA TAYO! BALAK NA NILA TAYONG PATAYIN!" Pakiramdam ko'y biglang tumigil ang paggalaw ng lahat pati na rin ang hindi magkamayaw kong paghinga, ang pagtibok ng puso ko, ang pagdaloy ng kakaunting dugo sa katawan ko, ang paggana ng utak ko, at ang pagkontrol ko sa katawan ko na animo'y napaparalisa na ang buong katawan ko sa takot.
A-ano raw? Papatayin na nila kami? Hindi na yata tama at makatarungan 'yon! Wala naman kaming kasalanan, bakit ba ayaw nilang maniwala sa amin? Ilan beses na nila kaming isinalin sa mga paglilitis, hindi pa rin ba sila kuntento sa mga salaysay at kasagutan namin roon? Inosente kami, ilang beses ba namin kailangan sabihin at ipaliwanag sa kanila 'yon!
"Anak, kasi akala nila mga halimaw tayo, 'yon ang sagot sa katanungan mo." I snapped back out of my thoughts nang biglang magsalita si Mama at hinawakan ang pulsuhan ko.
YOU ARE READING
Incarnadine [ON-HOLD]
VampireBeneath the mask of a handsome and friendly faces are the grievous monsters who can't be loved and can spare your life. A bloody secret, a betrayal, a bloody love. "There are wolves who are just hiding in a sheep's clothing." Who are the genuine imp...