❇ JIGSAW 1: THEIR ATROCIOUS HALLUCINATIONS ❇
I.
DUSTIN
NAPAKAHAPDI sa mata, napakasakit sa balat, napakasakit sa kalooban habang nakikita mong sinusunog ng buhay ang walang kalaban-laban mong mga magulang, at ikaw ay walang magawa, may busal ang bibig at nakatali ang mga paa't kamay. Tanging mga ungol at impit na sigaw lamang ang nagagawa ko noon, pagpupumiglas at pagwawala 'yon lang ang tangi kong kayang gawin dahil sa mahigpit na pagkakatali nila sa akin.
"Wag ka nang magpumiglas pa, bata. Yan ang nararapat sa mga salot sa lipunan." Saad nung Mama na may malaking pangangatawan.
Mas lalo akong nagliyab sa galit, pilit akong kumakawala sa pagkakatali ngunit sadyang nanghihina na talaga ako marahil dahil sa init at liwanag na dulot ng naglalagablab na apoy sa harapan ko.
Gusto ko silang sigawan at sabihin na inosente kami at walang kinalaman sa massacre na nangyari sa mag-anak na ipinaghihiganti nila ngayon.
"Ilabas na sila!" Utos nung isa pang lalake atsaka inihagis ang natitirang punong-kahoy doon sa apoy.
Hindi! Hindi pwede! Inosente kami, wala kaming alam! Mga hayop kayo! Putangina niyo!
Maya-maya pa ay inilibas na nila ang mga magulang ko mula sa loob ng barong-barong habang hawak-hawak ang magkabila nilang kamay na may kadenang nakakabit, mas lalong rumagasa ang mga luha mula sa mata ko hanggang sa tuluyan na akong humagulgol nang makita ang sinapit ng Ama't Ina ko. Lumingon sa akin si Mama at sa huling pagkakataon ay nasilayan ko ang napakatamis niyang ngiti na para bang walang kamatayan na naghihintay sa kanila, animo'y sinasabi pa niya sa akin na magiging okay ang lahat.
"Pa-pakawalan niyo ang anak ko, wag niyo siyang idamay dito. Wag na wag niyo siyang lalapatan ng mga maduduming daliri niyo." Maotoridad na saad ni Papa atsaka binigyan ng matatalim na tingin ang anim na lalaking nakapalibot sa amin.
Hindi, Papa! Ililigtas ko kayo! Mabubuhay tayong lahat! Walang mamamatay, walang magpapakabayani! Kung mamamatay tayo, edi mamamatay! Ayaw kong mabuhay nang mag-isa at nagtatago na lamang sa dilim, ayaw kong mabuhay ng may hinanakit at poot na kinikimkim.
Mas lalo akong nagpumiglas at pilit na sumisigaw upang sumalungat sa ideyang naisip ni Papa.
"Aba aba at talagang may tapang ka pang sabihin yan? Isa ring halimaw ang anak mo, dapat rin siyang hatulan ng kamatayan." Natatawang tugon naman nung isang Mama.
Putangina, edi patayin niyo na ako! Unahin niyo na ako! Anak ng putcha! Magkamatayan na kung magkamatay! Punyeta!
"Anak, magiging okay ang lahat. Magiging okay ka, walang mangyayaring masama sa'yo." Napalingon ako kay Papa nang bigla niya akong kausapin gamit ang isip, ngumiti lamang siya sa akin atsaka tumango.
Hindi, Papa. Hindi magiging okay ang lahat! Wag niyo akong iiwanan! Natatakot ako, ayaw kong mabuhay mag-isa.
"You're a tough cookie, be strong. Finish everything that we started, it's not yet over."
"Papa!" Humahangos akong napabalikwas mula sa aking pagkakahiga.
Heto na naman ako, bumabalik na naman ang lahat, ang karumal-dumal na mga nangyari.
Muling tumakas ang mga traydor kong luha mula sa aking mapupungay na mata, napasinghap na lamang ako atsaka 'to pinahid bago ngumisi na parang isang demonyong may katarantaduhan na namang naisip.
"Dustin? Dustin, okay ka lang ba?" Tanong ni Bryan mula sa labas ng aking silid sabay katok sa pinto.
"I'm okay." Tugon ko na lamang.
YOU ARE READING
Incarnadine [ON-HOLD]
VampireBeneath the mask of a handsome and friendly faces are the grievous monsters who can't be loved and can spare your life. A bloody secret, a betrayal, a bloody love. "There are wolves who are just hiding in a sheep's clothing." Who are the genuine imp...