▪ Jigsaw 4: Inside of his Stern Demeanor

56 5 1
                                    

❇ JIGSAW 4: INSIDE OF HIS STERN DEMEANOR ❇

II.

CLYDE

"CLYDE! Hey, wait up!" Muling sigaw ni Gavi na hanggang ngayon ay sinusundan pa rin pala ako kasama si Vazhti.

Hindi ba talaga sila susuko? Kung ako sa kanila ay hinahayaan na lamang nila ako mag-isang maghanap sa dalawang tao na ayaw naman magpahanap.

Imbis na tumigil at hintayin sila ay mas lalo ko pang binilisan ang paglalakad, mistula akong nagbibingi-bingihan sa mga sigaw nila.

Lakad lamang ako nang lakad hanggang sa may makabanggaan ako bigla.

Napaatras naman kaagad ako dahil sa biglang pagbangga ng ulo ko sa isang dibdib ng taong humarang sa tinatahak kong daan.

"Ano ba?! Bulag ka ba?! Tumingin ka naman sa daan!" Sigaw ko sa kanya habang nakayuko pa rin at pilit na itinatago ang muka ko sa hoodie kong suot.

Iniangat ko na ang ulo ko sa sobrang galit at pagkairita dahil hindi pa rin siya umaalis sa pagkakaharang sa akin, ngunit laking pagtataka ko na si Vazhti na pala ang humaharang sa akin.

"Vazhti? Tumab-" Hindi kona natapos pa ang mga salitang sasabihin ko nang bigla na lamang may isang matalim na bagay ang bumaon sa kaliwang braso ko. Parang isang kagat ng langgam, mahapdi.

"What the fuck?" Pagsinghal ko, napangiwi na lamang ako sa hapdi at kirot. Napalingon ako sa kaliwa ko kung saan nakapwesto ang taong nagturok sa akin ng kung ano at nakita si Gavi roon habang hawak ang isang syringe na nakatusok pa rin sa braso ko, nakatitig lamang siya sa akin ngunit bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang muka.

Ibinubuka niya ang kanyang bibig, may sinasabi siya sa akin pero bakit gano‘n? Bakit wala akong marinig? Wala akong maintindihan kundi malabong mga salita, nakunot ang noo ko.

"Ano?" I mouthed, hindi ko na alam kung anong nangyayari pero bigla naman lamang ako nanghina, napaupo ako sa malamig na kalsada, nanunuyo ang lalamunan ko, lumalabo ang lahat, paningin at pandinig ko, nakakahilo, nakakasuka. Gusto kong isuka lahat para lang maibsan ang sakit ng ulo kong nararamdaman ngayon.

Napahawak ako sa magkabilang sentido ko, para na akong nabubulag, unti-unting dumidilim ang paningin ko, may bumabalik na mga ala-ala, ang mga bangungot sa nakaraan ko.

"So-sorry, Clyde." Mas lalong nagdidilim ang lahat, nagsimula na naman akong makaramdam ng takot, ang takot na ilang taon na ang lumipas nang huling kong maramdaman.

Next thing I know, tuluyan na akong napahiga at nawalan ng malay sa gitna ng malamig at konkretong kalsada.

It was a very dark and stormy night, walang tigil ang pagragasa ng ulan sa labas, na para bang may namumuo nang bagyo. Animo'y nakikisabay ang panahon sa takot at kaba na nararamdaman namin ngayon.

"Papa, nasaan na tayo? Papa, wala akong makita. Ang dilim dito." Nanginginig kong sambit. Mahigpit akong nakahawak sa kamay ni Papa, mas lalo niya rin hinigpitan ang pagkakahawak sa akin, tanging isang pundido na flashlight lamang ang ginagamit namin sa gitna ng kadilimang bumabalot sa buong mansyon namin.

"Makakalabas tayo, Clyde. Makakalabas tayo ng buhay dito." Maotoridad na saad ni Papa kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko, napatakip ako sa aking bibig, natatakot akong makagawa kahit na napakahinang ingay lamang, baka mahuli nila kami, ayaw ko pang mamatay.

"Clyde, 'pag sinabi kong tumakbo ka, tatakbo ka ha? Tatakbo ka at maghahanap ng pagtataguan. Wag na wag kang lalabas doon, kapag sumikat na ang araw atsaka ka lang lumabas." Bilin sa akin ni Papa habang nakatingin pa rin sa tinatahak naming direksyon. Kaagad akong naguluhan sa mga sinabi niya, bakit siya nagbibilin bigla?

Incarnadine [ON-HOLD]Where stories live. Discover now