INTRODUCTION

212 5 0
                                    

=Opening Ceremony of Shinjae High=

"Let me introduce to you the Student Council Officer for the year 2012-2013."

Umakyat kaming limang officer sa stage ng isa isa kaming pinakilala ng head teacher na si Sir Jeri Song.

"Auditor. Erika Hernandez, 3-C"

(A/N: 3 meaning 3rd year, C as in section C)

Si Erika ang tinatawag na athletic officer. Varsity kasi sya ng volleyball pero kahit na player sya nahahandle parin niya ang sched niya bilang athlete at bilang SC.

"Treasurer. Jonathan Jin, 4-AS"

(A/N: AS means section A scholar)

Si Jonathan ang kaisa isang scholar student na naging SC. Ang mga student kasi ng Shinjae High was divided into two. Una ang mga elite students, yun yung mga mayayaman na karamihan ay pasaway. Yun ang dahilan kay nabansagan ang school namin na 'School of Brats'. Ang nagpapaangat naman ng reputasyon ng school ay ang mga scholars. Sila yung mga nerdy nerd sa school at hindi nagpaparticipate sa mga programs. Puro quizbee lang ang sinasalihan. Meron din kaming kanya kanyangbuilding. Elite Building para saming mga elite students at Scholar Building para naman sa mga scholar. Ewan ko kung bakit kelangan na magkahiwalay pa?

"Secretary. Anya Go, 2-A"

Nagsigawan ang mga kalalakihan ng nagstep forward si Anya. Si Anya kasi ang tinatawag na 'student angel', mala anghel daw kasi ang mukha niya. Napakaganda niya at matalino pa. Kaya ayan lahat ng lalaki siya ang gusto.

Pero mas lumakas na yung sigawan ng pinakilala na ang vice president.

"Vice president Jason Keen, 3-A"

Si Jason si Mr. Perfect. Kung ang mga guys may Anya Go, kaming mga girls naman may Jason Keen.

"Let us hear the voice of President Misheen Lead, 2-A."

(A/N: Misheen read as mayshiin)

Nagstep forward ako at inabot sakin ni Sir Jeri yung mic para sa short speech ko.

*speech

*speech

*speech

I'd take a deep breath after ko magspeech. First time kong magsalita sa harap ng napakadaming estudyante. Kasi naman ako lang naman si Ms. Mediocre na nagpupumilit magpaka Ms. Popular at sinwerte na maging SC President." Nice speech Sheen!" nagstop yung paghinga ko ng marinig kong binati ako ni Jason. Nginitian ko lang sya at nagpasalamat, hindi kasi ako comfortable pag malapit sya sakin sobrang nahihiya ako. Yun bang pag alam kong malapit sya sakin parang sasabog na yung puso ko.

===

Natapos na ang opening ceremony at ang mga estudyante nagpunta na sa kani kanilang room habang kaming mga SCO nagliligpit pa ng stage. Actually hindi naman ako nagliligpit kasi nakatingin lang ako kay Jason. Is it possible for you to love me? Yan ang tanong na gusto kong sabihin sakanya pero wala akong lakas ng loob. Lahat na ata ginawa ko para lang mapalapit sakanya. Ay hindi pala lahat, sinundan ko lang siya dito sa Shinjae High at nag run as SCO. Since middle high kasi crush ko na sya, SC President sya nun, matalino, gwapo, mabait at kung anu ano pang positive traits nasakanya na kaya naman eto ako crush na crush sya. Nung nag highschool ako dito ko sa Shinjae High nag enroll kahit ayaw ng parents ko. Naging SC secretary ako nung 1styr.

Siya naman vice president pa din. At ngayong 2nd year ako pinilit niya ko mag run as president. Kahit ayaw ko, ginusto ko na para magpa impress sakanya. Malay mo magustuhan niya ko diba? diba?  At eto nga sinwerte ako at nanalo ako bilang SC President. Siguro proud siya sakin. (*^-^*)

"PRESIDENT!" Waah! Muntik na kong malaglag sa stage sa pagkagulat. Busyng busy ako sa pagre-remenisce e. 

"President Yohan kayo pala." Siya ang former SC President. Hindi na siya nag run dahil gusto niyang magfocus sastudy since graduating na sya this year.

"Don't call me president. I'm no longer a president. You are now the president. So I am here to congratulate the first female SC president." Inabot niya ang kamay niya para makipag shakehands.

"Thank you" sabi ko habang nakangiti.

"And also I would give you a bit advice or should I say warning."

"Warning?" napakamot ako sa ulo. Warning? Bakit delikado ba ang pagiging president?

"3 yrs din akong naging president and I know this school very well. All I can say is work hard but know your limitation. And your limitation is the D students. Don't you ever lay a finger on them. Mahirap silang kalaban, wala silang kinakatakutan. Remember, section D from 1styr-4thyr. Wag mong papakialaman. And also their master, the SHINJAE EVIL."

Secretly In L-O-V-E <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon