=Sheen's POV=
Pumunta ko sa likod ng office para dun kumain ng lunch, meron kasing mga bleachers dun tapos tanaw narin yung loob ng office. Yung likuran kasi ng office namin gawa sa one way mirror. Favorite kong tumambay dun, presko kasi maraming puno.
Si Yuan yun a? Nakatayo siya dun sa may office, for sure tinitignan niya si Anya. Alam ko namang deds na ded sya kay Anya. ;p
"Hoy matunaw yung salamin dyan!" pabiro ko siyang nilapitan at tinulak. Humarap siya, mukhang nainis siyasakin.
"Ooops! Sorry sa pang iistorbo. Wait nandyan naba si Jason?"
Aw. Nadulas ako, baka malaman niya yung secret ko. Baka malaman niyang crush ko si Jason.
Hindi naman siya nag react sa sinabi ko, ano nga ba namang pakialam niya kung crush ko si Jason. "Kumain kana? Tara kain tayo."
Kinuha niya yung isang lunch box, dalawa kasi yung ginawa ko na suppose kay Jason, sabi nga 'a way to a man's heart is through his stomach', ang kaso nawala nanaman yung lakas ng loob ko. Nagtatago nanaman. "Ang sarap ha. Ikaw nagluto nito?" obvious nga na nasasarapan siya kasi nangalahati na agad yung pagkain.
Tumungo lang ako at nagbuntong hininga.
"Para kanino dapat to? Kay Jason no? Sabihin mo salamat may libre akong lunch. :d"
Masyado bang halata na crush ko si Jason? Ay naku.
There is no room for denying and besides wala naman siguro siyang pagsasabihan ng sikreto ko. "Secret lang natin to ha?"
"Ang alin?"
"Yung tungkol kay Jason..."
"Wala naman akong panahon sa chismis. Bugbugin ko pa yang crushmo e." hindi ako sumagot.
"Joke lang ha hindi ko gagawin yun. Bakit nga pala hindi mo naibigay tong lunch?"
"Nagtatago kasi e."
"Ha? Bakit nagtatago si Jason?"
"Hindi si Jason ang nagtatago, yung lakas ng loob ko." tumawa siya ng malakas.
"Hindi kita tutulungang hanapin ang lakas ng loob mo ha. Wala kong panahon dyan."
"Hindi naman ako humihingi ng tulong e!" >:|
"Maghanap ka nalang ng iba lalampa lampa naman si Jason e. Ewan ko ba sayo, palibhasa siya lang ang lalaking kilala mo dito."
"Hindi a!meron din naman ako ibang kilala."
===
5
4
3
2
1
*criiiing!!
Uwian na at dahil exam na next week, stop muna kami sa pagiging SC.
"Sheen! Okay lang ba kung sabay tayong umuwi?" Tama ba tong narinig ko? Sabay kaming uuwi? Mukhang idadagdag ko ang araw na to sa mga 'happiest day with Jason'.
Pero napalitan yung paglilistahan ko ng biglang lumapit samin si Anya. Yung happiest day e magiging peevish day made by Anya. :@
"Jason, papaturo sana ko dun sa lesson namin sa geometry, hindi ko kasi masyadong nagets. Ayoko namang bumagsak. "
Dahil si Jason ay mapagkawang gawa, pumayag siya.
"Gusto mo Sheen sumama samin mag study?" hmp. Hindi na, nakakahiya naman kay Anya.
"Hindi na. Nagmamadali kasi ako umuwi e. Sige bye!" nagwave ako sa kanila at mabilis na umalis. Badtrip! Badtrip talaga! Ang hirap pag dyosa ang kalaban mo.
Papalabas na ko ng school. Napansin ko nagmamadaling lumabas yung mga lalaki.
"SI MASTER MAY LABAN NA NAMAN!!"
Biglang sumama yung kutob ko sa sinabi nung lalaki. Sana maliang hinala ko. Sana hindi si Yuan yun. Hindi pwedeng mali ang pagkakakilala ko sakanya. Mabait siya. Hindi siya isang evil.
Sinundan ko yung mga lalaki kung saan sila pumunta. Nakarating kami sa may isang vacant lot. Pag dating namin dun wala namang tao. Nag sialisan na tuloy yung mga usisero. Pero ako nagstay muna at tinignan yung vacant house malapit dun. Parang may tao? Kaya nilapitan ko at pumasok ako.
"Oh eto na pala ang iniintay natin!" sabi nung lalaki na taga Inju High na hawak hawak ang mukha nyana sugatan.
"Bakit ka nandito?!" sigaw ni Yuan. Pansin ko parang lagi na niya akong sinisigawan a.
Biglang may dalawang lalaking humawak sakin, nagpupumiglas ako pero syempre, useless yun.
"Congrats! President kana pala ngayon ng Shinjae High." tinignan ko lang siya ng masama. Sino ba to? "O why are you staring like that? Don't tell me na nakalimutan mo na ko. Wait, bago ko ipaalala sayo-"
*pak!
Sinampal niya ko. Way ba yun para maalala ko siya? Pero useless e, ang sakit lang.
Napahinto si Yuan sapakikipag suntukan dun sa iba. Nakita ko susugurin na sana niya yung sumampal sakin pero hinarangan siya nung mga kasuntukan niya.
"Remember the inter school debate last year? Ako lang naman yung SC vice president ng Inju High dati, at ngayon wala ng pwesto dahil sa kagagawan mo! Pinahiya mo ko sa debate na yun!"
Pagkasabi nya nun ay naalala ko na sya. Siya yung ka-debate ni Jason, pero nung nakikita ko ng parang napapahiya at natatalo na si Jason, ako na yung sumagot. Nakapagbitaw ako ng mga mapang asarna salita. Sumusobra na rin kasi siya e! >:/ At ayun in the end, nanalo kami sa debate na yun. Pssh. Walang ka sports sports.
"Pasalamat ka at meron kang guardian devil. Na-delayed ang sakit ng katawan mo!" napapikit ako ng nakita kong hahampasin niya ko ng baseball bat.
Pero nung dumilat ako, nakita ko si Yuan na sinusuntok na niya yung former vice president. Tumingin ako sa paligid at nakita ko na lahat bagsak na. Nilapitan ko si Yuan at hinatak siya palabas ng vacant house.
"Ikaw talaga Ms. Presidentbakit ang hilig mong maghanap ng gulo?" sabi niya sakin habang ginagamot ko yung konti niyang galos.
"Ikaw ang mahilig sa gulo! Dapat hindi mu na sila pinatulan."
"Eh kung hindi ko sila pinansin, baka patay kana ngayon sa gulpi."
Wala ng kong ibang nasabi kundi "salamat."
"Walang problema sakin. Limang tao lang yun, para ngang nakiliti lang ako e." natawa ako sa kayabangan niya.
"Basta simula ngayon safe kana. Ako na ang GUARDIAN DEVIL mo." ;D
BINABASA MO ANG
Secretly In L-O-V-E <3
Teen FictionPara magpa-impress sa secret crush niyang Student Council Vice President na si Mr. Perfect Jason, nag-run si Sheen as President at luckily nanalo siya. Pero hindi ganun kadali ang maging isang SC President lalo na sa Shinjae High na binansagang "Sch...