CHAPTER 6: Sports fest

131 4 0
                                    

=Sheen's POV=

Nagmamadali akong pumunta sa bulletin board ng school para tignan ang result ng exam last week.

Rank 1.................Anya Go

Rank 2................Jgapmgag Gjgmgag

Teka nasan yung name ko dito? Hindi pangalan ko ang nakalagay sa rank 2, last year consistent rank 2 ako e. T.T 

Nanlaki yung mga mata ko sa gulat ng makita ko yung pangalan ko.

Misheen Lead, 2-A

Rank 7

From 2 to 7. Anong nangyayari sakin? TT.TT

Isang tao lang ang may kasalanan nito!Yuan Krid ikaw ang may kasalanan nito! >:/

Paano ba naman after nung pakikipag away niya sa mga tga Inju High, hindi nako nakapag concentrate sa pagrereview.

Sinong bang makakapag concentrate e kapag nasa library ako nandun siya, sa office nandun siya, sa canteen nandun siya. Pati pag uwi ko sa bahay nandun din siya, sa kwarto ko nandun pa rin siya. Kahit saan ako magpunta nandun siya. Nandun siya

sa isip ko! -.-

Wag mo ng tanungin kung bakit dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko!

Busy na ang lahat para sa sports fest. Practice dito practice doon. Ang nakakatuwa pa nito, yung D students busy din sila sa practice. May mga konting initan pero madali ding naaayos.

Kaming mga SCO busy din kami sa pag aayos, kelangan matapos na namin to dahil start na bukas ng first game. Basketball at soccer.

Kaming dalawa ni Jason ang nag aayos ng court sa gym.

"Ayan tapos na!" sabi ko habang naka set na ang lahat.

"O sige President, mauna na ko. Magpapractice pa kami." umalis na si Jason. Magpapractice pa silasa ibang gym. Basketball player si Jason since middle high. Lagi din siyang best player, kaya excited ako para bukas. Hindi ko palalagpasin ang game niya. ;">

Papalabas na sana ko ng gym pero napahinto ako ng nakita ko si Yuan.

"O Yuan?!" buong araw kong hindi nakita tong si Yuan tapos ngayon bigla nalang susulpot.

"Anong papanuorin mo bukas? Soccer or basketball?" tanong niya sakin.

"Basketball. Hindi naman ako mahilig sa soccer e."

"Sabi na nga ba e! Syempre basketball player yung Jason mo."Nginitian ko lang siya.

"Nag usap kami ni Anya kanina. Niyaya ko siyang manuod ng soccer."

"Pumayag ba?"

"Hindi siya sumagot e."

"Sige sasabihin ko bukas na manuod siya ng soccer kasama mo. Iisip ako ng dahilan." 

===

Hindi pa man nagsisimula yung game nababalot na ng hiyawan ang buong gym. Yung mga players nagreready na.

Uupo na sana ko kaso naalala ko si Yuan. Bumili kasi ako ng necktie na may garter para hindi na siya mahihirapan sa pagta-tie. Bibigay ko din sa kanya yung isa kong red na panyo para yun na yung itatali niya sa ulo niya.

Dumiretso ko sa soccer field, alam ko kasi soccer ang papanuorin ni Yuan.

"Sheen! Soccer ang papanuorin mo?" tanong ni Anya na nakatayo malapit sa field.

"Hindi. Hinahanap ko lang si Yuan. May ibibigay kasi ako. Ikaw eto yung papanuorin mo?"

"Hindi. Napadaan lang ako. Sige punta na ko gym."

Umalis na si Anya. Ay! Nakalimutan ko siyang iconvince manuod nitong soccer. Naman! 

Hinahanap ko kung nasaan si Yuan. Hindi ko naman makita, parang wala naman siya dto,sumasakit na nga yung mata ko kakahanap.

"Ms. President!" hinahanap ko sa audience kung nasan yung tumawag sakin. Then narealized ko na isa pala sa mga soccer player yung tumawag sakin. Tinignan ko mabuti kung sino yun.

Teka, tama ba tong nakikita ko? Si Yuan Krid soccer player?! O.O

Lumapit siya sakin. "Akala ko basketball ang papanuorin mo?"

"Oo. Ibibigay ko lang to sayo." inabot ko sakanya yung red na panyo. "Lucky charm yan! Good luck ha."

"Salamat Ms. President." tinali niya sa ulo niya yung red na panyo.

Umalis na ko sa soccer field at dumiretso na sa gym. Sakto ang dating ko, nagsisimula na yung game.

......

Hindi ko namamalayan yung game. Hindi ako naeexcite pag nakaka shoot si Jason.

Hindi yata ako nag eenjoy. Parang wala ako sa sarili ko, naiwan ko ata sa soccer field.

Gusto kong makitang maglaro ng soccer si Yuan. Hindi makukumpleto ang sports fest ko kung hndi ko siya mapapanuod.

Secretly In L-O-V-E <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon