CHAPTER 9: Confirmed Feelings

154 5 0
                                    

(SooHee's note: Nasa kalagitnaan na po tayo ng story. Yehay! Pero marami pa kong revelations. HAHA :D)

CHAPTER 9: Confirmed Feelings

"LET THE BATTLE OF THE BANDS BEGIN!" 

Nagsigawan ang mga estudyante ng sabihin ng MC ang pagsisimula ng program. 

Naka-ready ang tatlong judges sa harap at yung mga teachers naman ay nakaupo na sa mga provided chairs nila. Dapat kaming mga SC nakaupo din sa tabi ng mga teachers kaso yung mga teachers nagsama ng mga anak anak nila, ayun in the end wala kaming maupuan. Katulad ng mga regulars student, nakatayo din kami, ang kaibahan lang nasa harapan kami.

Nagsimula na yung first band from 2-C. Bunutan yung pagkakasunod sunod ng pagpeperform.

"Natutuwa ako, maraming nag join sa program na to." sabi ni Jason na kanina pa pala nasa tabi ko. Hindi ko namamalayan.

"May nagpartcipate ba sa mga D students?"

"Oo, 1styr-4thyr may representative sila."

"Hmh. Mabuti naman. Eh sa mga scholars?"

"Meron din, kaya lang hindi sila naksunod sa rules na two representatives per section. Hindi ko na sila pinilit kasi wala na talagang marunong tumugtog sa kanila."

"Okay na yun, at least nagparticipate sila."

"Mukang natutupad na yung gusto mong mangyari sa school, Sheen."

"Sa tingin ko, lahat ng to ay dahil kay Yuan. Kung hindi siya nagpaparticipate sa mga programs for sure hindi din ang mga D students. Masaya ako at nakilala ko siya. Malaking tulong siya sa pagiging president ko."

Ngumiti si Jason, "Ikaw rin naman ang dahilan kung bakit ganyan ngayon si Yuan. Mabait ka sakanya, hindi natatakot katulad ng iba. Nagbago siya ng dahil sayo."

Gusto kong maniwala sa sinabi ni Jason na ako ang dahilan sa pagbabago ni Yuan. Pero bakit ko papaniwaalan yung sinabi niya kung alam ko naman ang buong katotohanan. Nagbabago si Yuan para kay Anya. Hindi para sakin.

"Iba ang dahilan.." yun lang ang nasabi ko kay Jason.

Sana nga ako nalang ang dahilan. Sana.

"The next band is from 4-D"

"WHOOOOOOOHHHH!!!!" Nagsigawan yung mga estudyante. Ang lakas makapag cheer ng mga D students.

"Let me present to you THE EVIL BAND!"

Evil band? Ano ba namang klase ng pangalan ng banda yan. Psh. Puro kalokohan talaga tong mga D students.

Lumabas isa isa yung mga members. Aba! Si Lance Park akalain mo marunong palang tumugtog. Biglang lumiwanag ng todo yung spotlight kay hindi ko maaninag yung vocalist. Tinignan ko mabuti.

YUAN KRID?! O.O

(One Thing by One Direction- acoustic version)

{The song is on the side---->}

I tried playing it cool

Girl when I'm looking at you

I can't ever be brave

Cause you make my heart race

Shot me out of the sky

You're my kryptonite

You keep making me weak

Yeah, frozen and can't breathe

Nagsimula na silang tumugtog. Hindi ko alam na marunong pala siyang kumanta.. Nakakita nanaman ako ng bagong side ni Yuan. Ano naman kaya ang susunod?

Secretly In L-O-V-E <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon