CHAPTER 8: I saw the evil

125 4 0
                                    

(SooHee's note: May naalala ako habang sinusulat to. English week nung HS. Haha. K.)

CHAPTER 8

I saw the evil

=Sheen's POV=

Two weeks na rin ang nakalipas nung celebration ng sports fest. Umuwi na ko agad nun, hindi ko na kasi kinaya yung sweetness ni Jason at Anya tapos dumagdag pa dun si Yuan. Naawa kasi ako sakanya dahil alam kong nasasaktan siya. Minsan nga hindi ko na alam kung sino yung pinagseselosan ko kay Anya, si Jason ba o si Yuan na? Hindi ko talaga maintindihan yung feelings ko. 

Na-approve na rin nung principal yung second program. Kasabay siya ng english week so dapat yung mga kakantahin ng bands english lang. Ang masaya lang kasi okay na talaga ang mga D students, nagpapakabait na sila.

Uuwi na sana ko kaso hindi ko pa nakikita si Yuan simula kaninang umaga. Pag hindi ko nakikita si Yuan mag damag hindi ko mapigilang hindi hanapin siya. Ewan ko ba parang hindi pwedeng hindi ko siya makita sa isang araw.

Bago ko hanapin si Yuan, nagpunta muna ko sa locker para iwan yung ibang books. Pagkakuha ko ng book sa bag ko, may papel na nalaglag. Ano to? Binasa ko.

Ah yung loveletter. Ibabalik ko na sana sa bag ko pero nakita ko kung kanino galing. May pangalan palang nakalagay?

From: Yuan Krid

Si Yuan Krid ang secret admirer ko? 

=Lance Park's POV=

"Oh President anong ginagawa mo dito sa D floor?" tanong ko kay president, pero biglang nanlaki yung mga mata ko at bigla akong kinabahan ng pinakita niya sakin yung love letter. Patay na!"

-flashback-

"Lance Park! Igawa mo nga ako ng love letter, gandahan mo ha, dapat sweet." pag uutos sakin ni Yuan. Haaay, inuutusan nanaman ako. Wala naman akong magawa kundi ang sumunod dahil simula nung naging utusan ako ni Yuan, wala ng nangbubully sakin. Sabi nga nila ako daw ang side kick ng Shinjae evil. Pero ang totoo isa akong slave. T.T

Lunch na nung ginawa ko yung love letter.

"Yuan pwede naba ito?" inabot ko sakanya at agad niya tong kinuha at sinulatan. Nilagyan niya ng pangalan niya.

"Ilagay mo to sa locker ng pinakamagandang babae sa 2-A."

Pinakamagandang babae sa 2-A? Sa totoo lang hindi ko alam kung sino yun, pero isa lang ang pumasok sa isip ko. Si President Misheen Lead. Nilagay ko na sa locker ni President at pagkatapos bumalik na ako sa eskinita ng building kung saan nandun nag iintay si Yuan.

"Okay na?" tanong ni Yuan.

"Oo okay na. Nailagay ko na."

"Sigurado ka bang locker ni Anya yun?" bigla akong kinabahan sa tanong niya. Palpak ako. Patay na!

"A-anya? Para kay Anya yung letter?"

"Oo! Kanino mo ba akalang ibibigay?!" sumisigaw na siya. T.T

"Akala ko kasi kay---" hindi pa natatapos yung sasabihin ko ay kinwelyuhan na niya ko.

"Ang tanga mo! Nilagyan ko na yun ng pangalan ko! TANGA TANGA MO TALAGA! P@*%#$!!

-end of flashback-

Inexplain ko na kay president yung kapalpakan ko. Binalik niya sakin yung letter pero tinapon ko na. Nakalimutan na to ni Yuan, baka maalala pa pag binalik ko.

=Sheen's POV=

Kay Yuan nga galing yung letter pero hindi naman pala para sakin. Para kay Anya. Hindi ko na naitanong kay Lance kung nasan si Yuan.

Disappointed ako. Okay na sana kaso nalaman ko pa yung totoo. Bakit naman kasi ako magbubulag bulagan e si Anya naman talaga ang gusto niya.

Dumiretso na ko sa noodle house. Pag nalulungkot kasi ako, kumakain ako ng noodles. Pang bawas lungkot lang.

".....yung Shinjae evil daw ang kaaway nila!"

Nabilaukan ako nung marinig ko yung pinag uusapan ng mga babaeng taga ibang school sa may likuran ko. Tama ba tong narinig ko? Si Yuan nakikipag away na naman.

".....sa labas daw ng bakanteng building sa likod ng XX store."

Agad akong tumayo ng narinig ko kung saan yung lugar. Kelangan mapigilan sya. Tumakbo ako papunta dun.

Walang taong nanunuod. Si Yuan at ang apat na lalaking nakahiga. Yung isa hawak hawak ni Yuan sa kwelyo at pinagsusuntok. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Hindi ko alam kung humihinga pa yung lalaking sinusuntok niya. Nakakatakot siya, hindi siya naaawa sa ginugulpi niya. Parang hindi siya si Yuan na kilala ko.

"YUAN!!" tinawag ko siya para huminto na pero hindi pa rin siya tumitigil.

Nakakatakot siya. Ngayon lang ako nakakita ng ganung tao. Nanlilisik ang mga mata niya. Biglang nagflashback sakin lahat ng sinabi sakin ni Anya. Ngayon nakita ko na ang Shinjae evil. Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Mixed emotions. Yun ang nararamdaman ko.

Pero hindi ako dapat matakot kay Yuan. Hindi ko dapat isipin ngayon ang takot. Kelangan ni Yuan ng taong pipigil at maniniwala sa kanya. Kelangan niya ko.

"YUAN TAMA NA!!" sumigaw ako habang umiiyak, pero hindi parin siya tumigil. Nilapitan ko siya at hinawakan yung kamay niya pero tinabig nya ko. Bumagsak ako pero hindi dahil malakas ang pagkakatabig niya. Nanghihina lang talaga ko dahil sa overflowed emotions.

Tumayo ako at niyakap siya sa may likod. "Yuan tama na please. Huminto kana."

Huminto na siya at inalis na ang pagkakayakap ko sa kanya at humarap siya sakin.

"Sorry Ms. President. Wag mo sana akong lalayuan. Wag ka sanang matakot sakin tulad nila."

"Alam kong may rason kung bakit mo to ginawa. Hindi ako natatakot basta sabihin mo lang ang dahilan. Maniniwala ako."

Kinwento ni Yuan na kaya niya ginawa to ay para kay Anya. Yung mga estudyante na yung ay mga estudyante din ng Shinjae High, mga 2-D sila. Sinisiraan daw nung mga lalaki si Anya, pinakita sakin ni Yuan yung mga pictures ni Anya, pero hindi to ordinaryong pics. Edited nude pics ni Anya. Balak daw ikalat to sa buong school. Malaki daw kasi yung galit nung leader nila. Binasted daw yun ni Anya dati. Psh. Ang babaw naman nila. Pero buti nalang naagapan sila nito ni Yuan. Ang swerte mo Anya.

Sinunog na namin yung mga ibang pics pero nagtira kami ng isa para ebidensya at isusumbong namin sila sa guidance para suspended sila.

Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Kahit anong kasamaan ni Yuan, hindi ako nagkaroon ng rason na iwasan siya. Mas lalo pa akong naniniwala na hindi siya dapat layuan, dahil kelangan niya ng isang kaibigan.

I saw the evil but I still believe that he's not. I will still not avoid him yet I will not stop to bring out his best.

Secretly In L-O-V-E <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon