=Yuan's POV=
Grabe. Bakit ganun? Kung kelan ka lumalayo sa gulo tsaka naglalapitan.
Hindi din ako makapaniwala na may lihim na kasamaan pala yung si Jonathan jin na yun, sayang talino niya.
Kung tatanungin nyo kung anu na nangyari sakanya, ayun expelled na siya sa school. Kasama na rin yung dalawa nyang kasabwat na nang kidnap kay Anya at Ms. President.
Si Ms. President
ayun sobrang busy sila dahil doble yung mga gawain kasi nga diba wala na yung treasurer nila -------
"Ms. President!" nakita ko siya na nakatayo sa may locker niya.
Tumingin lang siya sakin at dumiretso na.
"Wait lang Ms. President! Uhm.. Ano... Galit ka ba sakin?"
"Hindi."
Pero alam ko na galit sya sakin. Hindi nya ko kinakausap simula nung nangyari yun. Yung pinili kong maligtas si Anya.
"Galit kaba sakin?"
Tumingin siya sakin na parang maluluha na.
"Wala naman akong dapat ikagalit. Diba?"
"Sandali lang."
Hinawakan ko yung kamay niya para pigilan sya.
Narinig ko na parang umiiyak na siya.
Bakit?
Tinignan ko yung way na kung saan sya nakatingin.
Nakatingin sya sa bleachers at nandun si Anya at Jason.
Biglang tinanggal ni Ms. President yung pagkakahawak ko at umalis na siya ng makita nyang niyakap ni Anya si Jason.
Nasaktan siya, malamang.
Naiinis ako kay Jason. Oo mabait siya at yun yung nakakainis. Mabait siya sa lahat ng tao pero ang manhid nya.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko na sugudin si Jason. Nakakasawa na kasing makita si Ms. President na malungkot. Sinuntok ko si Jason. Bumagsak siya. Si Anya naman gulat na gulat.
"Yuan anong problema mo?" sabi niya habang hawak hawak yung kaliwang pisngi niya na sinuntok ko.
"PROBLEMA?! IKAW ANG PROBLEMA DITO!! SABIHIN MO NGA SAKIN JASON KEEN, MAY GUSTO KABA KAY ANYA??!!"
Nakita kong gulat na gulat si Jason sa tanung ko. Ganun din si Anya. Ano bang nakakagulat sa tanung ko?
Tumayo siya at pinagpag yung sarili nya.
"Yuan Krid, hindi ko maintindihan yung sinasabi mo."
"Basta sagutin mo ang tanong ko!" Tumingin siya kay Anya tapos sakin.
"Nagkakamali ka Yuan, wala ako ng gusto kay Anya. Magkaibigan kami. Yun lang."
"Kung ganun, layuan mo na siya!"
"Pero bakit?"
"Bakit? Dahil sa closeness nyo may taong nasasaktan!" hinila ko yung kwelyo niya. "Dahil sayo lagi nalang malungkot si Ms. President! Gusto ka nya! Pero dahil tanga ka, kaya hindi mo alam."
Umalis na ko pagkasabi ko nun. Lumabas ako ng school, pero sinundan ako ni Anya.
"Yuan...... Bakit?"
---------------------
=Jason Keen's POV=
Ano? Totoo ba yung sinabi ni Yuan Krid. May gusto sakin si Ms. President. Bakit hindi ko nahahalata? Siguro nga, tama si Yuan. Tanga ako. Ang tanga ko dahil parehas lang pala kami ng nararamdaman ni Sheen.
Matagal ko ng gusto si Sheen. Hindi lang basta gusto, mahal ko siya. Mahal ko siya ng pasikreto.
Middle High palang gusto ko na siya. Simula nung una ko palang siyang nakita. Yun yung nagparegister sya bilang secretary. Ang saya ko nga nun kasi nanalo sya at naging close kami. Akala ko nung nag graduate na ko, dun na matatapos ang lahat. Pero sa Shinjae High sya nag highschool at SC pa rin sya. Dito sa Shinjae High ko naramdaman na mahal ko sya.
Wala akong lakas ng loob na sabihin sakanya tong nararamdaman ko. Kaya nakuntento nalang ako, na ganito kami. Close lang.
Pero ngayon, parang hindi na ko dapat makuntento. Mutual ang feelings namin. Magko-confess na ko sakanya.
Pinuntahan ko si Sheen sa office, nakatungo lang siya.
Nilapitan ko siya.
"Sheen..."
Narinig ko na umiiyak siya.
"Sheen...."
Iniangat niya yung ulo niya at tumingin sakin. Umiiyak nga talaga siya.
"Jason... Diba gusto mo si Anya?"
Hindi ako makasagot sa tanung niya.
Hindi Sheen. Ikaw ang gusto ko.
Pero hindi ko masabi yun.
"Kung gusto mu si Anya, please Jason ilayo mu na sya kay Yuan."
"Sheen hindi kita maintindihan..."
"Ang sakit sakit kapag nakikita ko si Yuan na mahal niya si Anya. Ang sakit kasi alam ko hindi nya ko kayang mahalin. Mahal ko si Yuan pero si Anya ang mahal nya." Si Yuan ang mahal niya? Ibig sabihin akala ni Yuan na ako ang gusto ni Sheen, pero ang totoo siya talaga.
Bakit hindi nalang ako Sheen? Ako, mahal kita.
Pero hindi ko pwedeng sabihin sakanya yun. Ayoko ng maguluhan pa sya.
All I can do is watch her, and keep my love as a secret. I love her, but she loves him.
that's the truth.
BINABASA MO ANG
Secretly In L-O-V-E <3
Teen FictionPara magpa-impress sa secret crush niyang Student Council Vice President na si Mr. Perfect Jason, nag-run si Sheen as President at luckily nanalo siya. Pero hindi ganun kadali ang maging isang SC President lalo na sa Shinjae High na binansagang "Sch...