CHAPTER 1: Secret Admirer

158 3 0
                                    

Dear Jason,

I know it'll take time to realize that I'm the one for you. But please, don't be in love with someone else. I'm here standing beside you and secretly loving you.

Baliw! Baliw! Baliw ka na talaga Misheen Lead. >.< Talagang you're very desperate para maging isang secret admirer ni Jason!

Pinunit punit ko ng pirapiraso yung sulat na dapat ilalagay ko sa locker ni Jason. Nagbago na isip ko, malaking kalokohan pag naging secret admirer niya ako. Pano kung mahuli niya ko? Ikamamatay ko ang kahihiyan pag nangyari yun. -.-

"Ano yan President?" bigla kong tinago yung mga pirapirasong papel ng makita kong pumasok si Anya sa SC office. Hindi ako sumagot sa tanong niya, kunwari hindi ko narinig.

"Eto na pala yung profiles ng mga top ten notorious student dito sa school." nilapag ni Anya yung mga papers sa table ko. Inutusan ko kasi siya na ibigay sakin yung mga yun. Wala kasi akong kilala ni isa sa mga yun.

Iniscan ko lng yung mga profiles nila. Hindi ko na binasa,hindi naman kasi ako na-threaten sa sinabi ni President Yohan.

"Sino kaya dito yung Shinjae evil?" tanong ko kay Anya. Tumingin siya sakin na parang nagtataka. "SCO naman ako last year pero bakit hindi ko siya kilala? Pati yung mga tungkol sa D students." sabi ko habang nakakalumbaba. Malay mo may alam si Anya.

"Ang alam ko kasi President, hindi talaga pinapahandle sa mga female officer ang issues ng section D. Pinapabayaan nalang sila ng school, kaya hindi problema kung hindi mo alam ang tungkol sa kanila. Hindi na daw kasi mapapatino ang mga D students at mas lalong hindi makakayanan ng isang babae na patinuin pa sila."

Naiinis ako sa pagpapabaya at pagkukunsinti ng school sa mga D students. Hindi pwede to, ano pang use naming mga SCO?

"Hindi pwedeng kunsintihin ang mga D students. Kailangan silang madisiplina!"

Yes, didisiplinahin ko ang mga D students. Hindi ko kelangang makining kay President Yohan, ano pa't naging president ako kung hindi ko maisasaayos ang school namin. Aayusin ko ang school at tatanggalin ang image na 'School of brats'.

*CRING! *CRING!

Nagbell na, it means lunch time na.

Nasaan kaya si Jason? Naglunch na kaya siya. Pupuntahan ko siya baka wala pa siyang kasabay. Pero papalabas palang ako ng room namin nakita ko na si Jason at kasabay niyang bumaba si Anya na may dala dalang dalawang lunch box.

Na-stock ako sa pagkakatayo ko ng makita ko silang dalawa. Si Anya, napakaganda niya kaya hindi malabong siya ang magustuhan ni Jason. Masakit pero yun ang totoo.

Perfect couple. Nawalan na ko ng gana kumain ng lunch kaya ang ginawa ko nag roam nalang ako sa school at sinisita yung mga naka improper at incomplete uniform.

"ID mo?"

"Yung coat dapat nakasuot yan."

"Yung necktie?"

Ang dami palang pasaway dito sa school. Isuot lang ng kumpleto ang uniform hindi pa magawa. Mahirap pala maging president, unlike ng secretary. Paupo upo lang.

Sa paglalakad ko hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa may locker ng girls.

Sino yun? May lalaking nakatayo sa lockers ng girls, teka sa kabila pa yung lockers ng boys a. Lumapit ako ng konti at nakita ko yung lalaki na nakatayo sa harap ng locker ko. Matangkad, maputi,payat at nakasalamin yung lalaki. Naku! Baka magnanakaw to! Lalapitan ko na sana siya pero bigla siyang umalis.

Tinignan ko yung laman ng locker ko kung may kulang, pero ang unang bumulaga sakin ay isang papel.

Ano naman kaya to? Binuksan ko at pagkatingin ko. Isang love letter. Ibig sabihin meron akong

SECRET ADMIRER? O.O

Secretly In L-O-V-E &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon