CHAPTER 3: Deal with Evil

137 4 0
                                    

=Jason Keen's POV=

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko ng pilitin kong mag run ng president si Sheen. Hindi ko man lang naisip na delikado siya sa mga D students. Iisip ako ng paraan para hindi siya malagay sa kapahamakan. Habang nag iisip ako bigla siyang tumayo.

"Uuwi ka na President?" siguro meron lang siyang aasikasuhin.

"Pupuntahan ko ang mga Devil students." hindi ko maintindihan kung ano bang gagawin niya sa D floor.

"Wag President! Delikado--" pero hindi niya ko pinakinggan at dumiretso lang. Susundan ko na sana siya pero pinigilan ako ni Anya. Kaming dalawa nalang kasi ung nasa SC office.

"Wala ka bang tiwala kay Misheen? Hindi siya mapapahamak." 

"Pero Anya--"

"Matapang si Misheen kaya hindi siya mapapahamak."

Hindi ako naniniwala kay Anya pero hindi ko alam kung bakit nakinig nalang ako sakanya. Hindi na ko umalis. Mahigit 30 mins narin since umalis si president. Okay lang kaya siya? Sana.

"Bibili lang ako sandali ng miryenda." tumayo si Anya at kinuha yung bag niya, sasamahan ko sana siya kaso sabi niya intayin ko nalang daw si president.

Saktong pag alis ni Anya ang syang pag dating ni Misheen.

"Hindi ka pa umuuwi?" tanong ni Sheen. Buti naman at okay siya.

"Nag aalala kasi ako kaya hinintay ko na bumalik ka para masigurado na okay ka."

"Okay lang ako. Walang nangyaring masama. Successful mga ang pagpunta ko dun dahil lahat ng D students magpaparticipate na!" nakangiting sabi niya.

Lumapit ako sakanya para icheck kung totoo na okay siya. Yumuko sya siguro naiilang.

Umalis nalang ako at kinuha yung bag.

"Sige president una na ko." napahinto ako sa nakita ko pagkalabas ko ng office.

Si Anya kausap ang Shinjae evil? Hindi ko na sila nilapitan at nagtuloy tuloy nalang ng lakad. Ano kayang relasyon ni Anya sa Shinjae evil?

=Sheen's POV=

Ang saya ko sobra. Hindi ko maexplain kung gaano ako kasaya. Okay na ang lahat tapos concern pa si Jason. Perfect day.

Inayos ko lang yung mga participants at diretso na ko ng uwi.

"Yuan Krid anong ginagawa mo dito?" nakita ko si Yuan sa labas ng office na malungkot yung expression. "Gusto mo sumama sa noodle house?" niyaya ko siya kahit na hindi kami masyadong magkakilala pa. Tingin ko naman hindi siya ganun kasama.

"Hmmh! Ang saraap!" habang hinihigop ko yung noodles napatingin ako sakanya. "May problema ka ba?"

"Ms. President, hindi ka ba natatakot sakin?"

Natawa lang ako sa tanong niya. "Bakit ako matatakot multo kaba? Kung multo ka don't worry hindi ako takot sa multo."

"Hindi yun yung ibig kong sabihin." "HAHAHA! Alam ko! Porket ba D student ka dapat ka ng katakutan?"

"Oo?"

"Alam mo Yuan Krid, hindi dapat kinakatakutan ang mga taong katulad mo. Dahil naniniwala ako na mabubuti kayo, hindi nyo nga lang alam."

"Sana lahat ng tao ganyan ang iniisip."

"Wag kang mag alala unti unting magiging tulad ko sila."

"Parang hindi ganun kadali yun."

"Kung makapagsalita ka para namang napakasama mu talagang tao. "

"Oo masama talaga ako. Kasi...

ako ang Shinjae evil."

-flashback-

"Yuan Krid?" si Yuan yung lalaking natutulog sa utility room. Nagulat siya ng marinig niyang tinawag ko siya.

"SC President Misheen Lead, 2-A"

"Magkakilala kayo?" tanong nung lalaking manyak. -.-

"Oo, bitawan mo na siya. Umalis kana." agad namang umalis yung lalaki.

"BALIW KA NOH?! ANONG HINAHANAP MO? SAKIT NG KATAWAN? KAPAHAMAKAN?!" parang mababasag yung eardrums ko sa sigaw niya.

"Ginagawa ko lang tungkulin ko bilang SC president! Gusto ko maging maayos ang school at gusto ko ang mga D students ay magparticipate sa lahat!" Nag iba yung expression niya na naiinis. Tumahimik siya sandali.

"Yun ba ang gusto? Tutulungan kita but in one condition."

"Sige basta hindi labag sa rules and regulation ng school."

"I'll help you na magparticipate sila sa lahat ng programs and activities mo at pati na rin sa tungkulin mong 'peace and order' sa school. Basta tutulungan mo akong mapalapit kay Anya Go. Deal?"

Yun lang ang easy nun ha. Mapalapit kay Anya? Nakipag shakehands ako sakanya. "DEAL!"

-end of flashback-

Matutupad ba tong deal na to kung ang kausap ko mismo ay ang root of all evils? I'm really crazy! Nakipag deal ako sa Shinjae evil. A deal with evil! 

Secretly In L-O-V-E <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon