CHAPTER 13: I still love him

121 5 0
                                    

=Anya Go's POV=

"Anya, pwede ba nating ibalik yung dati?"

Eto yung tanong na hindi ko alam kung saan ako hahagilap ng sagot nung time na yun.

"Magbabago ako. Bigyan mo lang ulit ako ng chance."

Hanggang ngayon narerecall ko parin yung mga sinabi sakin ni Yuan bago mag sports fest. Niyaya niya ko nun manuod ng soccer game niya, pero hindi ako nanuod. Naisip ko kasi baka maging dahilan yun para umasa siya na magkabalikan kami.

Yes, ex-boyfriend ko si Yuan Krid.Naging boyfriend ko siya nung first year ako sa Shinjae High.

Nagkakilala kami nung niligtas niya ko sa mga D students. Alam ko na na siya Shinjae evil nun, pero hindi ako naniwala sa mga kwento nila.

"Boyfriend mo si Yuan Krid? Yung Shinjae evil?"

Gulat na gulat yung mga classmate ko nung nalaman nilang boyfriend ko si Yuan. Kinikwento nila kung gaano kasama si Yuan.

EXAGERATED.

Yun lang yung word na sinasabi ko tuwing dinidescribe nila si Yuan.

"Ang mga mata niya nanlilisik na parang isang evil tuwing makikipag away siya."

Dahil sobrang in love ako kay Yuan, hindi ako naniniwala sa kanila. Kapag mahal mo talaga ang isang tao, nagbibingi bingihan ka sa mga sinasabi ng iba at nagbubulagbulagan ka naman sa katotohanan.

"Si Yuan ang first love ko at siya narin ang last. Hindi ko siya lalayuan. Mahal ko siya at alam kong hindi siya masama. Hindi siya evil."

Yan ang lagi kong sinasabi kapag hinuhusgahan nila si Yuan. Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko expected na sa isang pangyayaring nakita kolahat ng pagmamahal ko ay maglalaho.

Nakita ko siyang nakikipag away. Nang gugulpi siya ng walang awat. Nakita ko kung panu niya bugbugin yung lalaking taga Shinjae High na halos hindi na humihinga. Sinubukan ko siyang awatin pero hindi ko naawat. Hindi nya ko naririnig.

Tama sila.

Walang kahit sino ang makakaawat sakanya.

Lahat ng pagmamahal ko sakanya ay nabalot ng takot. Takot na takot ako. Hindi ko siya kayang unawain. Hindi.

Hindi ko na kinausap simula nun. Nakipag break na rin ako sakanya.Pinipilit kong kalimutan si Yuan. Hanggang sa may nakilala akong tao na nagturo sakin na kalimutan siya ng lubos. Si Jason Keen.

Mr. Popular siya, gusto ko maging si Ms. Popular din, hindi lang bilang maganda kundi bilang isang matalino din, kaya nangako ako sa sarili ko na next year magiging 2-A nako.

Niyaya din ako ni Jason na mag run as secretary next year at ayun nga nanalo ako at section A pako.

Ginagawa ko talaga ang lahat para maging close kami. Kahit na hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip nya.Dati laging magkasama si Sheen at Jason pero talagang gusto ko ako lang ang kasama ni Jason kaya nga nung nakilala ni Sheen si Yuan, masaya ko dahil sila na lagi ang magkasama.

"Anya, pwede ba nating ibalik yung dati?"

Pero simula ng tanungin sakin ni Yuan yung tanong na yan. Nag iba lahat. Unti unti nanamang nawawala si Jason, at bumabalik nanaman si Yuan.

Simula ng tinanong sakin ni Yuan yun bumalik lahat ng pagmamahal ko sakanya. Kaya lagi na kong nagpapasama sakanya.

FIRST LOVE NEVER DIES.Totoo yun, dahil akala ko namatay na yung pagmamahal ko sakanya. Pero simula ng nakikita ko na siyang nagbabago, nabuhay ulit ang pag mamahal ko sakanya.

===

"Sheen, nakita mo ba si Yuan?" tanong ko sakanya habang ginagawa niya yung program para sa school festival.

"Hindi, bakit?"

"Magpapasama kasi ako sakanya. Magpapatahi na ko ng costume para sa school festival."

Tumingin sakin si Sheen na hindi ko malaman ang expression.

"Mukhang nagiging malapit na kayo sa isa't isa ha."

Nginitian ko siya."Oo. Bibigyan ko na siya ulit ng chance. Chance na magkabalikan na kami ulit."

"Magkabalikan ulit?" takang takang tanong ni Sheen.

"Oo. Hindi mo ba alam na ex-boyfriend ko si Yuan? Akala ko nasabi na niya sayo."

Gulat na gulat talaga si Sheen, hindi niya siguro akalain na ex ko si Yuan.

"Thank you Sheen. Hindi lang school ang naayos mo. Si Yuan din. Nagbago na si Yuan and now I realized that I still love him."

Secretly In L-O-V-E <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon