=Yuan Krid's POV=
"Yuan... Bakit? Bakit ka nagkakaganito? Hindi kita maintindihan." tanong sakin ni Anya.
Hindi ako sumagot. Bakit nga ba ako nagkakaganito?
"Yuan, kaya ba nagbago na yung isip mo na makipag balikan sakin, dahil sakanya? Kaya ba nung school festival binawi mo na yung sinabi mo sakin nung sports fest?"
Tinanong ko si Anya nung bago mag sports fest kung pwede ba namin ibalik yung dati. Gusto ko talagang makipag balikan sakanya nun. Pero hindi ko maintindihan nung pagkatapos ko sakanya sabihin yun, bigla ko ng gustong bawiin.
"I'm sorry Anya. Hindi ko na dapat sinabi sayo yun. Hindi na dapat kita ginulo."
Yun lang yung nasabi ko kay Anya, hindi ko sya tinitignan sa mukha nya dahil naririnig ko yung hikbi nya. Umiiyak sya ng dahil sakin.
Bakit kasi pag nag mahal ka kaylangan may ibang masasaktan.
Umalis na si Anya pagkatapos kong sabihin yun. I feel bad for her but it'll become worse if magpanggap pa ko na mahal ko parin siya.
Dapat talaga hindi ko na sinabi sakanya yun kung magbabago lang din ako ng isip.
----------------------
"YUAN!"
Biglang may humatak sa kwelyo ko. Pagka tingin ko si Jason Keen. Rumeresbak ha.
"Gusto mo ba si Anya?"
Ano ba namang klaseng tanong yan.
"Bakit binabalik mo sakin yung tanong ko kanina?"
"Basta sagutin mo nalang." hinigpitan nya yung pagkakahawak sa kwelyo ko. Pero hindi parin ako sumagot. Tingin nya ba matitinag nya ko?
"Si Sheen, gusto mo ba sya?..." nakakainis na yung mga tanong nya ha.
"Kung si Anya ang gusto mo, layuan mo na si Sheen. Pero kung si Sheen ang gusto mo, sabihin mo na sakanya."
"Bakit ayaw mo ba kay Ms. President kaya sinasabi mo to?"
"Gusto ko si Sheen. I love her. Kaya kapag naging akin sya, hinding hindi ko na sya papalapitin sayo at baka pagsisihan mo yun. Kaya kung ako sayo don't keep your feelings bago mo pa pagsisihan."
Binitawan nya yung kwelyo ko at umalis. Gusto nya si Ms. Presiden. Gusto nila yung isa't isa. At baka dumating yung time na maging sila na. Ayokong mangyari yun. Ayokong malayo si Ms. President sakin.
Gusto ko din si Ms. President, una ko palang siyang nakita. Nagpapasalamat nga ako kay Lance Park, kung hindi dahil sa kapalpakan nya, hindi ko makikilala si Ms. President. Buti nalang sa locker nya nailagay yung love letter ko.
Akala ko hanggang gusto lang yung nararamdaman ko sakanya. Akala ko nun si Anya parin ang mahal ko kaya nang hingi ako sakanya ng chance makipag balikan. Pero nung sports fest na, nag bago na ang isip ko. Si Ms. President na ang nasa isip ko. Nung soccer game ko, nakita ko talaga na nanood sya, nagpanggap lang ako na hindi ko alam. Ang saya ko nun kasi soccer ang pinanuod nya hindi yung favorite nyang basketball.
Nung nakita nya yung pagiging Shinjae evil ko, dun ko na-confirmed ang feelings ko. I love her. I am secretly in love with her.
Siya lang ang nakakapag paalis ng pagiging evil ko. Siya lang ang nakakaawat sakin. Siya lang ang nakakaintindi.
Battle of the bands, gusto ko ng mag confess nun.
"Get out. Get out. Get out of my head. Fall into my arms instead."
Sakanya talaga dedicated yung song na yun. Habang kumakanta nga ako, sakanya lang ako nakatingin. Sana naiparating ko sakanya yung message ng kanta. Nung natapos na yung kanta dapat sasabihin ko na para sakanya yun.
BINABASA MO ANG
Secretly In L-O-V-E <3
Teen FictionPara magpa-impress sa secret crush niyang Student Council Vice President na si Mr. Perfect Jason, nag-run si Sheen as President at luckily nanalo siya. Pero hindi ganun kadali ang maging isang SC President lalo na sa Shinjae High na binansagang "Sch...