CHAPTER 7: I like him. He likes her

126 4 0
                                    

(SooHee's note/ Author's note: *tok! *tok! Tao po! Hehe. Wag po kayong bibitiw sa pagbabasa kasi po maraming nakakagulat na rebelasyon na ibubunyag ko pag nasa kalagitnaan na. Hahaha. At kung mapapansin niyo walang strong emotions yung mga characters, sadya po yun. Sa mga susunod niyo makikita yun. K. 'nuff said. -.o )

CHAPTER 7: I like him. He likes her.

Malakas ang sigawan sa gym, maganda na kasi ang laban pati tong katabi kong si Anya, sumisigaw at nagchi-cheer. Pero ako tahimik lang. Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Favorite sports ko tong basketball dahil kay Jason, pero bakit ngayon hindi ko naappreciate yung game? Wala talaga ako sa sarili ko.

"Sheen, nakita mo si Yuan?" natauhan lang ako ng tanungin ako ni Anya. Half time break na pala.

"Oo. Hmm.. Soccer player pala siya?"

"Oo. Sabi niya sakin nung middle high daw lagi siyang golden foot award. Pero ngayong highschool, simula ng maging Shinjae evil na siya hindi na siya naglaro. Ngayon nalang ulit."

Ngayon na lang ulit sya maglalaroat wala pang susuporta sakanya? Baka hindi na siya ulit maglaro pagkatapos nito.

"Gusto ko siyang makitang naglalaro at magbigay ng suporta."

Tumingin sakin si Anya at ngumiti.

"Walang masama sa pagbibigay ng suporta. Tingin ko nga nakakatulong kay Yuan yung closeness niyo, unti unti na siyang nagbabago."

Kung alam mo lang Anya, ikaw ang dahilan ng pagbabago ni Yuan. -.-

Tumayo ako at nagpaalam kay Anya na pupunta ako sa field. Tama! Kelangang suportahan ko si Yuan. Makikita ko na kung papaano siyamaglaro ng soccer.

Pag dating ko sa soccer field ang dami ng tao kaya nasa likuran nalang ako nakatayo.

Hindi ko naiintidihan tong laro, basta narinig ko lang na striker daw si Yuan. Dahil sa hindi ko naiintindihan yung game hindi ako nakakapag react kapag may nakaka score na.

At ang isa pa, hindi naman yung bola ang sinusundan ng mata ko, si Yuan. Pinapanuod ko lang kung papaano siya maglaro.

Hanggang sa hindi ko na namalayan na tapos na pala yung game. Umalis na ko sa field at pumunta sa tinatambayanko, yung bleachers sa likod ng office namin.

Nakaupo ako. Tulala. Ano tong nararamdaman ko? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ako nagkakaganito? Sino ang dahilan?

"Miss President!" mas lalong bumilis yung tibok ng puso. Si Yuan ba? Siya ba ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito?

"Jgagaptwknqbhdga......."

Hindi ko naiintindihan yung mga sinasabi niya. Nabibingi ako sa heart beat ko.

"Ms. President may problema ba?" tinapik nya ko sa balikat.

"Wala naman. Ano nga ulit yung sinasabi mo?"

"Ang sabi ko nanalo kami sa game! Sayang hindi mo nakita kung gaano ako kagaling. HAHAHA!"

Kinuha ko yung necktie na binili ko para sakanya at iniabot to. "Ayan. Para hindi kana mahirapan sa pag ta-tie at para hindi kanarin laging naka improper uniform. At ou nga pala, pasensya na at hindi ko naconvince si Anya."

"Yaan mo na. Lagi namang ganun yun e." sabi nya at sabay yuko.

"Mahal mo ba siya?" ewan ko kung bakit bigla ko nalang naitanong sakanya yun.

Yumuko siya. "Oo." yun lang ang narinig kong sagot."

Mahal niya si Anya. Mahal na mahal. At sa katotohanang yun nakaramdam ako ng sakit. Masyado ng magulo ang nararamdaman ko.

===

=Yuan's POV =

Bago magstart yung game nag usap kami ni Anya. Natutuwa ko kasi kinakausap na niya ko ulit.

"Yuan gusto mo bang sumama?" tanong sakin ni Anya habang nasa harapan ako ng locker. Tapos na ang sports fest kaya nagse-celebrate nalang yung mga section.

"Magsecelebrate kaming mga SC. Hindi ko kasi alam kung saan yun, hindi ako makakasabay sakanila kasi may gagawin pa ko."Ang saya ko. Sobra. Hindi talaga ako makapaniwala na malapit na sakin si Anya.

=Sheen's POV=

2-A................. 3rd place

Anu ba yan! 3rd place lang. Hmp. Pero masaya parin ako kasi kasama yung mga section D at yung 1-D first place pa.

Celebration dito celebration doon. Kanya kanyang celebration ang mga section, natalo man o nanalo. Tapos na yung celebration ng section namin kaya next--- SC celeb naman for the successful event!

*CHEERS!*

Nandito kami sa videoke room nagse-celebrate. Katabi ko siJason habang si Erika kumakanta, si Jonathan naman nasa kabilang upuan. Hindi pa dumadating si Anya, nagpaalam siya na male-late daw siya ng punta kasi may gagawin pa siya.

30 minutes ago.

"Sorry guys, late ako." pumasok si Anya sa room at nanlaki naman ang mga mata ko (O.O) sa gulat ng nakita kong may kasama siya at ang lalaking ito ay si YUAN KRID.

Ibig sabihin ba nito, sila na? Pero bakit tumatabi pa siya kay Jason ngayon. Psh. 

Binulungan ko si Yuan pagkatabi niya sakin. "Kayo na?"

Sinimangutanniya ko. "Okay ka din magconclude e. Hindi no."

"Eh bakit magkasama kayo?"

"Magkaibigan na ulit kami. Binigyan na niya ako ng chance."

Napagod na yata si Erika sa pagkanta, inabot niya sakin yung mic.

"President ikaw naman!"

Inabot ko naman yung mic at naghanap ng kakantahin. Hindi na ko tumanggi kasi marunong naman akong kumanta. 

Tumayo ako at si Erika tumabi kay Yuan. Habang kumakanta ako nakikita ko si Jason at Anya na busy sa pagkekwentuhan. Parang couple. Sweet couple. Ang sakit lang. Natapos na ako kumanta at kay Anya naman binigay yung mic. Ang unfair ni Jason bakit nung ako yung kumakanta hindi man lang siya tumitingin. Pero ngayong si Anya nuod na nuod siya. Tinignan ko si Yuan at ganun din, tulad ni Jason titig na titig siya kay Anya.

"Duet naman kami ni Jason!" sabi ni Anya nung natapos na siyang kumanta. Eto namang si Jason hindi makahindi.

Kumakanta sila. Hindi ko alam kung ano yung kanta. Ayokong alamin. Ang panget! 

Pinagmamasdan ko sila. Ang sweet. Sobra. Parangipinapamuka nila sakin na sila ang bagay, hindi kami ni Jason. Tinignan ko si Yuan. Alam ko nasasaktan siya sa nakikita niya.

Love is really complicated. I like him, he likes her. The truth that makes love complicated.

Secretly In L-O-V-E <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon