CHAPTER 14: Confession at School Festival

117 4 0
                                    

=Sheen's POV=

"...I still love him."

"...I still love him."

"...I still love him."

Waaah! Nabibingi ako! Bakit paulit ulit kong naririnig yung sinabi sakin ni Anya? T.T

Bakit hindi mu sakin sinabi Yuan? Para umpisa palang hindi na ko umasa. Umasa na baka sakaling ako naman ang mahalin mo.

Pero kung alam ko ba umpisa palang na may past sila, mapipigilan ko ba yung feelings ko? Matuturuan ko ba ang puso ko na wag syang mahalin?

Siguro hindi.

"Hoy Ms. President! Napakalalim naman ng iniisip mo!"

Nagulat ako ng sumigaw si Yuan malayo sakin. Naka costume sya ng pang Japanese samurai.

Start na kasi ng school festival at tradition na samin na bubunot ang section ng bansa at yun yung isusuot nila for the whole week of school festival.

Nakasandal ako sa may likod ng office. Lumapit sakin si Yuan.

"Korea yung nabunot ng section nyo?"

"Umh... Oo." hindi ko siya tinitignan. Nahihiya kasi ako.

Bakit hindi niya alam na Korea yung nabunot ng section namin, eh diba nagpasama sakanya si Anya para magatahi ng costume? Siguro hindi natuloy.

"Kisaeng?"

"Oo. Yun yung napili naming mga babae."

(A/N: Kisaeng/Gisaeng is a Korean entertainer. Nung dati sa Korea, mahahalata ang isang babae kapag Kisaeng siya dahil sa damit,buhok at make-up. Nagte-train sila para maging magaling na entertainer. Counterpart niya ang Geisha sa Japan.)

"Ang ganda. Maganda pa kay Hwang Jin Yi."

(A/N: Si Hwang Jin Yi po ang famous kisaeng)

Lumapit si Yuan sakin, yung talagang malapit. Hindi ko siya matignan, halos yakapin na niya ko.

*tug tug tug tug

Heartbeat ko ba yun? Masyadong malakas. I'm afraid that he might hear my heartbeat. Pwede bang hinaan ang volume ng heartbeat ko?

This time, I tried to look at his face.

Suddenly, I felt pain in my chest. I was about to cry when I saw him looking at the one sided-mirror. At yung mirror na yun tanaw yung nasa loob ng office.

I'm holding back my tears while looking at the mirror. I saw Anya, 

wearing the same costume as mine. Syempre, classmate ko siya so parehas kaming naka pang kisaeng.

Hindi pala ako yung pinupuri niya. Hindi pala ako yung mas maganda kay Hwang Jin Yi. Si Anya pala.

Bakit kasi hindi na ko nasanay na si Anya naman talaga lagi ang nakikita niya.

===

=Anya's POV=

"Yuan!"

Tinawag ko si Yuan habang nanunuod sya ng program sa stage. Buti naman hindi na niya kasama si Sheen, kanina pa kasi sila magkasama e.

"Bakit Anya?" tanong niya sakin.

"Hindi kita nakita last three days, magpapasama sana ko magpatahi ng costume, kaso hindi kita nakita. And besides, may sasabihin din ako."

Pumunta kami dun sa likod ng office, tahimik kasi dun.

"Hmh. Ano ba yun?" tanong sakin ni Yuan. Bakit parang wala siyang idea? Nakalimutan na ba niya yung tinanung niya sakin nung sports fest?

"Yung tungkol sa tanung mu sakin nung sports fest... Yuan, I am now giving you a chance to be with me again. I still love you and I want to bring back what we had."

===

=Sheen's POV=

6pm na ng matapos yung program. Nakapagpalit na rin ako ng uniform at nakita ko si Yuan na nasa bleachers sa likod ng office.

Nilapitan ko siya.

"Yuan? Anung ginagawa mo dito?"

Hindi naman siya kumibo. Tumabi ako sakanya.

Tahimik lang kami. Walang nagsasalita saming dalawa.

"Diba Ms. President na inlove kana? I mean in love ka. Anong pakiramdam?"

Napatingin ako sakanya dahil ang weird ng tanong niya. Na-inlove nanaman siya diba? Bakit sakin pa siya nagtatanung.

Tumingin ako sa punong nasa harapan namin, hindi ko siya kayang tignan habang sinasagot ko yung tanong niya.

"Masayang masakit. Yun yung pakiramdam ko. Tuwing kasama ko siya, tuwing maririnig ko yung boses niya. Ang saya ko. Pero kasabay din ng saya yung sakit na nararamdaman ko. Masakit dahil alam kong kahit kelan, hindi niya ko mamahalin."

"Alam mo ba Yuan sobrang mahal ko siya. Kahit na sobrang sakit na, kahit na gusto ko ng itigil yung nararamdaman ko, hindi ko kayang itigil dahil araw araw binibigyan nya ko ng rason na mahalin ko sya."  Hindi na ko nagsalita. Wala na rin akong narinig mula sakanya.

"I love you....."

. . . . . . . . . . . . . . . 

Bigla kong naramdaman na dumantay sya sa balikat ko. Tinignan ko siya.

Nakatulog na siya.

Nabored na siguro siya sa mga sinabi kong kadramahan.

Hindi nya narinig yung sinabi ko.

Uulitin ko, kahit hindi niya ko nariring.

"I love you."

"Jason?"

Secretly In L-O-V-E <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon