CHAPTER 2: Devil Students

143 6 0
                                    

Please don't disappear in my sight, I want to see your pretty face everyday.

Nilagay ko agad yung letter sa loob ng bag at inipit sa book. Hinapyawan ko lang ng basa, hindi naman kasi ako interesado.

Pupunta ko sa eskenita ng elite building dahil dun ko nakita tumakbo yung lalaki.

"TANGA TANGA MO TALAGA!! P-@*+#%!" malayo pa ko sa eskenita pero rinig na rinig ko ang boses ng isang lalaki na galit na galit at nagmumura.

Agad akong pumunta sa may eskinita at nakita ko yung lalaking nakasalamin na hawak hawak siya ng isang lalaki sa kwelyo.

"Violence is prohibited in our school!" matapang kong sabi habang nakatutok sa kanila yung patpat na hawak ko. Tumayo yung lalaking nang aaway at yung nakasalamin naman tumakbo na ng mabitawan siya.

"SC officer acting like a damn brave president?" sabi niya habang nakatingin sa red na panyo na nakatali sa braso ko. Yun ang palatandaan na isa kang SCO.

"Give me your name and section. This is your first offense for commiting a violence in our school."

"I won't give you my fvcking name and section. And also stop acting like a president, Miss SC." tinignan niya ko habang naka evil smirk. Nakakatakot siya and for sure D student siya. Pero syempre hindi ako dapat magpasindak sakanya.

Nilapitan ko siya, "Acting like a president? FYI mister, I'm a real SC president so why would I not act like a president?"

Tumawa siya ng malakas. "What a stupid joke! A little lady like you is a president? A lady president? The students here were really crazy. Lalaking presidente nga hindi kami kaya so anu pa kaya ang babaeng tulad mo? Do you think kaya mo kaming D students?"

"What if sabihin kong kaya ko? Remember, batas ng school at batas ko ang mananaig. Kaya whether you like it or not give me your name."

"What a brave little girl. Yuan Krid, 4-D. Don't forget it Ms. President!" sabay talikod sakin para umalis na pero pinigilan ko siya.

"Yuan Krid!" humarap siya na nagtataka.

"Improper uniform Mr. Yuan Krid." sobrang nka improper uniform sya. Biruin mo yung coat niya nakatali sa may bewang niya at yung necktie nakatali sa ulo niya. Ang lala namang tama nito.

"Alam mo Mr. Krid, ang coat sinusuot yan, hindi yan ginagawang belt at etong necktie nasa leeg yan, hindi sa ulo. Kaya nga necktie diba? Hindi naman headtie."

Sumunod naman siya sakin, sinuot niya yung coat niya. Tinatali niya na yung necktie niya pero kung anu anong buhol ang ginagawa niya. Naiinis na siya.

"Hindi ka marunong mag necktie?" tanong ko, pero hindi siya sumagot. Nilapitan ko siya. "Ako na..." lumapit ako sakanya "Ganito lang yan.." tinuro ko kung papaano magtie.

Nakakapagtaka naman, 4thyr na siya pero hindi pa rin siya marunong mag tie. Ibig sabihin talagang maluwag sa rules ang school namin kaya maraming naka improper uniform.

"Next time pag nakita ulit kita, you should be in proper uniform or else I'll give you a punishment." paalis na sana ko pero may nakalimutan ako.

"And by the way, since I'll remember your name you should remember my name too. I'm President Misheen Lead,  

2-A."

===

Uwian na ng mga estudyante pero kaming SC hindi pa, nag aasikaso kasi kami para sa first event, ang sports fest.

Chineck ko yung mga year and section na magpaparticipate and as I expected walang nag participate na section D.

Talagang wala silang balak? Pwes hindi ako papayag!

Ignoring what my co-SCO are saying, lumabas na ko ng office at dumiretso sa 6th floor kung saan nandun ang rooms ng mga section D from 1st-4thyr. Pinagsasama sama ang D students dahil dati nung kahalo pa sila nang gugulo sila kaya ayun ngayon meron na silang sariling mundo.

Nasa 5th floor na ako at paakyat sa 6th pero merong nakaharang na karatula. 'Do not enter if you're not one of us.' Grabe naman parang may kulto.>.< Pero syempre binalewala ko yung sign at dumiretso.

Sa unang tingin normal naman yung floor pero nung tinitignan ko na yung mga classroom, hindi nga normal.

1styr-3rdyr hindi ako masyadong nahirapan though matagal ang usapan namin ng mga 3rdyr pero in the end pumayag na rin sila. Sa mga 4thyr siguro ako mahihirapan.

Pumasok ako sa 4-D, grabe ang gulo ng mga upuan, nakapatay ang ilaw at puro lalaki. Kanina ko pa napansin na walang babaeng D student, pag nasa D floor (6th floor) ka nga aakalain mong all boys school ang Shinjae High.

Pumunta ko sa harapan para pag nagsalita ako ma-caught ko ang attention nila. Hinahanap ko yung headtie na si Yuan Krid pero wala, ang nandito lang yung guy na nakasalamin, if I'm not mistaken Lance ang name niya, narinig ko lang.

"I'm President Misheen lead and I'm here---" hindi pa natatapos yung sasabihin ko pero ininterupt na ko ng isang lalaki, tumayo siya sa harapan ko.

"Alam mo Ms. SC President you can't convince us to join in that stupid sports fest."

"Oh so you don't like sports fest? Eh DAPAT HINDI KAYO DITO NAG ARAL. DAPAT NAG ARAL KAYO SA SCHOOL NA WALANG SPORTS FEST AT PURO PAKIKIPAG BASAG ULO LANG GINAGAWA. Yun ay kung may ganung school." sa inis ko dito sa lalaki napapalakas na pala yung boses ko at nacaught ko yung attention nila pero saglit lang. "Masyadong kang nag natatapang tapang Ms. SC President. Try ko nga kung hanggang saan ang tapang mo." lumapit siya sakin ng nakakatakot na ngiti yung alam mong may masamang balak. Yung mga kaklase niya walang pakielam, yung Lance nakita ko na napatayo siya nung hinawakan ako ng lalaki, pero hindi niya ko niligtas, tinignan niya lang ako.

Hinatak niya ko papalabas ng room at sobrang higpit ng pagkakahawak niya sakin.

"ANO BA BITAWAN MO KO!!" sabi ko habang nagpupumiglas pero hindi ako makawala sa pagkaka hawak niya, tinry ko naring sipain siya pero useless. T.T

Wala ng masyadong tao sa corridor kaya walang nagliligtas sakin. Kinaladkad niya ko papunta sa maliit na room, if I know lagayan yun ng mga panlinis ng janitor. Sinarado niya yung room, ang dilim. Natatakot na talaga ko dahil parang alam ko na ang masama niyang balak pero eto ko, tapang tapangan pa din.

"Ano bang gusto mo??!"

"Gusto ko? Matikman ang beautiful brave SC President."

"MATINDING PUNISHMENT ANG KATAPAT MO!!"

"Pwede ba kung gagawa kayo ng milagro wag dito sa may natutulog. Lumabas kayo at doon muna magtalo! Ang iingay niyo. Istorbo!"

Parehas kaming natahimik nang may nagsalitang lalaki. Hinanap ko kung san banda at nakita ko na nasa may sulok siya nakahiga.

Haay. Ang wi-weird ng mga D students. D as in DEVIL. Devil students.

-end na po ng chap 2- 

 Yoo Hee's  Note:  Nagustuhan nyo po ba??? click vote nmn po ^^. Wag po kayong mahiya kung may comments kayo or questions.TY (^^ v)

Secretly In L-O-V-E &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon