CHAPTER 15: He chose Anya

124 4 0
                                    

=Sheen's POV=

"Jason?"

"Sheen! Si Anya!"

"Oh anung nangyari kay Anya?"

"Kinidnap siya!"

"ANO??!"

Sabay kaming napasigaw ng 'ano' ni Yuan. Bigla siyang nagising nung narinig nya yung mga sinabi ni Jason. May inabot si Jason na sulat galing dun sa kidnapper.

"Ano to?" tanong ko kay Jason. Hindi kasi maintindihan yung sulat. If I'm not mistaken, code yun. Ang nakalagay lang dun na nababasa ko ay 

'The angel Anya is in hell.'

Kinuha ni Yuan ang sulat.

"Meron ding nag papadala sakin na ganitong klaseng sulat."

Biglang nag ring yung phone ko.

"Hello?"

"President Misheen Lead..."

"Umh. Sino to?"

Boses ng lalaki. Hindi niya sinagot yung tanong ko. Malamang ito na yung kidnapper!

Inagaw ni Yuan yung phone ko.

"Nasan ka? Nasan si Anya? Wag mo siyang sasaktan!!"

Binalik na sakin ni Yuan yung phone. At agad siyang tumayo para lumabas ng school.

"Teka Yuan sasama ko!"

"Wag Ms. President. Pag sumama ka pa, baka hindi ko kayanin."

Tumakbo na siya palabas sa school.

Pag sumama ko baka hindi na niya kayanin? Ibig sabihin hindi nya ko kayang protektahan dahil si Anya lang ang kaya niyang protektahan.

Hindi na ko sasama. Kaya na ni Yuan yun. Magiging okay din si Anya.

"Sheen, tatawag lang ako ng police. Ta-timing kami. Maiwan muna kita."

Lahat sila nag aalala kay Anya. Eh pano kaya kung ako yung nakidnap? Ganito din kaya sila? Mag aalala din kaya si Yuan?

Bakit ba ang sakit sakit nalang lagi ng puso ko. Napakahirap pala magmahal ng taong hindi ka mahal. 

Papalabas na ko sa school ng may biglang tumakip ng panyo sa ilong ko.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Hindi ko maidilat mabuti yung mga mata ko. Hilong hilo parin ako.

Sinubukan kong idilat pero madilim. Narealized ko na nakatali pala yung kamay ko at nasa isang bakanteng building kami.

Si Anya, nasa harapan ko at nakatali din.

At si Yuan?

"Bakit pati si Ms. President!!!!" Sigaw ni Yuan.

Tumawa ng malakas yung lalaki na naka mask. Naka uniform sya ng Shinjae High.

"Ngayon Shinjae evil Yuan Krid, sino sa dalawang babaeng to ang pipiliin mong maligtas?"

Tanong nung lalaking naka mask. Parang familiar yung boses niya?

"Pakawalan mo ko dito. Mag one on one tayo!"

"Hindi ako tanga Yuan Krid. Alam kong wala lang sayo ang sakit ng katawan. Alam kong mas masakit ang mararamdaman mo kung sasaktan kita sa puso, sa pamamagitan ng dalawang babaeng to."

Hindi ako makapagsalita. Kaya ba ko nandito dahil importante ako kay Yuan? Hay Sheen, hindi ito ang time para mag assume.

"Sabihin mo nga sakin Yuan Krid, sino naba ang mas lamang sayo? Ang ex mong si Anya Go o si President Misheen Lead?"

Hindi sumagot si Yuan.

"Sige nga, sample-an ko muna si angel Anya."

Hahampasin na sana si Anya ng baseball bat pero sumigaw si Yuan.

"WAAAG!!!"

"Mamimili kana Yuan Krid?"

Pinagmamasdan ko si Yuan, alam ko namang hindi nya ko pipiliin. For sure, he will choose Anya to be safe.

"Ano bang kasalanan ko? Wag na sila."

"Bakit Yuan Krid? Hindi ka makapili? Nagsasalawahan kana?

Hindi ba napaka simple lang naman. Pipili ka lang kung sino talaga yung mahal mo and then yung hindi mo mahal, siya na ang maliligtas."

Kahit alam ko na ang isasagot ni Yuan, umaasa pa rin ako na mag iba yun. Pero mukhang malabo.

"Si Ms. President. Wag mo syang sasaktan."

Nagulat ako sa sinabi ni Yuan. Ewan ko, nag aassume nanaman ako.

"Si Ms. President ang mahal ko..."

Nagulat ako sa sinabi niya, tama ba yung narinig ko? Kahit si Anya nagulat din kahit etong kidnapper.

"Ilabas nyo na yan." sabi nung lalaki.

Tama ako. He will choose Anya to be safe. Kaya nagpanggap sya na ako ang mahal nya para maligtas si Anya.

Okay lang naman sakin na maligtas si Anya, ang sakit lang talaga nung katotohanan. Nagpanggap siya na mahal ako para lang maligtas ang mahal nya.

Umiiyak na ko, hindi sa takot kundi sa sakit na nararamdaman ko.

"I'm sorry Ms. President."

"Bakit mo ba to ginagawa?" tanong ko dun sa kidnapper.

"Ginagawa ko to dahil sa pagmamahal. Si Yuan, pinatay niya ang kuya ng girlfriend ko!"

"...simula ng mawala ang kuya niya naging malungkutin na sya, kaya naisipan kong gumanti para bumalik na ang kaligayahan niya.

"Sino kaba?" tanong ni Yuan.

"Ang dami mo na sigurong napatay kaya hindi mo na alam kung sino sino sila."

"Wala akong pinatay! Hindi ako mamamatay tao!"

"Paul Jens. Ano Yuan Krid natatandaan mo na ba?"

"Hindi ko pinatay si Paul Jens! Nagpakamatay siya!"

"Pero ikaw ang may kasalanan kung bakit siya nagpakamatay. Kung hindi mo siya binugbog, hindi siya magpapakamatay."

"Ginawa ko ang lahat para mapagplanuhan to. Buti nalang sumang ayon sakin ang lahat."

Tinanggal niya yung mask niya.

"J---"

"Jonathan Jin?"

(A/N: Kung hindi nyo na maalala, si Jonathan Jin yung SC treasurer na scholar.)

"...buti nalang naging close ang Shinjae evil at si President. Mas alam ko ang weakness nyo."

"Jonathan. Wag mong sayangin ang buhay mo sa paghihiganti, pag nakarating to sa school mae-expelled ka. Sayang ang pagiging candidate mo sa valedictorian."

"Wala akong pakielam. Ang girlfriend ko lang ang mahalaga sakin."

------------

"Ayan po! Ayan yung kidnapper!" pag susumbong ni Anya sa mga pulis, kasama si Jason.

"Mag isa kang bumabanat ha." sabi nung pulis kay Jonathan.

Lumapit si Jason sakin.

"Okay ka lang Sheen? Sinaktan ka ba niya?"

"Hindi." sagot ko habang umiiyak.

Nasa harapan ko kasi Anya at Yuan. Nakayakap mabuti si Anya.

Nakakaselos. Sobra.

Bakit kasi kelangan makipag kumpitensya ako kay Anya. Eh alam ko naman na laging si Anya ang mananalo.

He will always choose Anya. Like now, he chose Anya.

Secretly In L-O-V-E <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon