=Yuan Krid's POV=
"...ako ang Shinjae evil." gulat na gulat at nanlaki ang mga mata ni Ms. President ng sabihin kong ako ung kinakatakutan sa buong school. Ang ibig sabihin hindi niya alam na ako ang Shinjae evil. Kaya ba hindi sya natatakot sakin at pumayag siyang makipag deal sakin? At kaya ba nung unang meet namin ay pinagbantaan niya pa ko ng kalokohang punishment na akala niya matatakot ako? Hindi niya ko kilala kaya inayos niya yung necktie ko at sumama pa sakin dito sa noodle house. Hay naku! Nakakabaliw naman tong babaeng to!
Inabot ko sakanya yung red na panyo na nalaglag niya sa utility room.
"Sana Ms. President wag kang matakot sakin ngayong nalaman mong ako ang Shinjae evil."
"Hindi ako natatakot sayo, nagulat lang talaga ako." yumuko siya at napakamot sa ulo.
"Sana maging okay na ang treatment sakin ni Anya."
"Wag kang mag alala akong bahala. I'll do my best to make Anya get close to you."
Hindi ako sigurado kong magagawa ni Ms. President yun basta iintayin ko nalang ang mga gagawin niya, sa ngayon tutupad nalang ako sa deal namin.
=Sheen's POV=
Tanga ka Sheen! Bakit wala kang alam sa mundo?! -.- Bakit kasi hindi ko man lang nahalata na siya yung Shinjae evil. Kasi naman ang layo ng expected kong face niya e, alam mo ba yung mukhang mga adik sa kanto? Ganun yung akala kong itsura niya, hindi ko expected na gwapo pala siya. :|
Nasa classroom kami, habang iniintay namin si sir kinausap ko muna si Anya. Sisimulan ko na ang deal namin ni Yuan. >:)
"Yuan Krid planame ng Shinjae evil." Aish! Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan! Pinagmamasdan ko kung anong magiging expression ni Anya habang iniintay ko kung anong isasagot niya. Hindi siya sumagot. Ay naku naman! Akala ko madali, hindi pala. Kasi naman para ko naring nilalakad si Yuan kay Anya. Pero hindi ibig sabihin nun na tinutulak ko siya sa kapahamakan. Hindi naman sobrang sama ni Yuan. Sana.
Nag-isip ako ng next question, yung siguradong sasagot siya. "Nakita mo na ba yung itsura niya?" sana naman sumagot na siya. Help me GOD!
"Oo. Nung first day of class last year."
Wow ha. Feeling ko ibang level na yung katangahan ko. Ako lang yata ang hindi nakakakilala sa Shinjae evil. Siguro kung hindi ako naging president, hindi ko siya makikilala hanggang sa makagraduate ako. -.-'
Narealise ko na marami pala akong hindi alam at hindi kilala dito sa school. Ang hirap pala kapag ang isip mu nakatuon lang sa iisang tao. Gumagawa na pala ako ng sarili kong mundo na si Jason lang ang kasama.
"Alam mo ba kung bakit siya tinawag na Shinjae evil?" biglang nag iba at sumama yung expression ni Anya, parang takot. Hmp. Bakit parang ang OA naman ni Anya, hindi naman nakakatako si Yuan, mabait naman siya, hindi nga lang halata. Kung physical naman ang pag uusapan gwapo naman siya. Para ngang mas gwapo siya kay Jason e. Ay joke. Mas gwapo parin si Jason. (*^.^*)
"They call him Shinjae evil because he's an evil without feelings or emotions. He doesn't forgive! No one can stop him when he's on fight. If you were beaten by him you're like beaten by an evil. Nakakatakot siya pag nakita mong nakikipag away. Nanlilisik ang mga mata niya na parang isang evil... Kaya Sheen wag mo ng pag interasan siyang makilala o banggain pa. Kahit sino kinakalaban niya. Layuan mo nalang siya." takot na sabi sakin ni Anya.
Pero matigas talaga ang ulo ko, hindi ako naniniwala sakanya. Ako kasi yung taong 'to see is to believe', siguro pag nakita kong masama talaga siya, dun lang ako matatakot.
"Kung ganun siya mas lalong hindi ko siya dapat ayuan. Alam ko mabait siya. Hindi niya lang alam."
Everyone knows he's a bad guy, an evil without feelings or emotions. But no one knows he also cares, love and hurt. That's why I'll not avoid him and I'll do my best to bring out the best in him.
He doesn't deserve a bad treatment, I'll let him know that he's a good person so he can forget that he's an evil.
I will prove to everyone that I am right. Because I am sure, he is not an evil!
BINABASA MO ANG
Secretly In L-O-V-E <3
Novela JuvenilPara magpa-impress sa secret crush niyang Student Council Vice President na si Mr. Perfect Jason, nag-run si Sheen as President at luckily nanalo siya. Pero hindi ganun kadali ang maging isang SC President lalo na sa Shinjae High na binansagang "Sch...