=Yuan's POV=
Ilang araw na akong hindi pinapapansin ni Ms. President simula pa nung battle of the bands. Hindi siya pumupunta dun sa pinagtatambayan niya, lagi lang siyang nasa office. Pag nasalubong ko siya hindi niya ko papansinin kung hindi ko pa siya binati. Nag-try na rin akong kausapin siya pero ang tipid lang ng mga sagot niya at umaalis na agad siya. Ano kayang problema? Galit kaya siya sakin? (?_?)
"Ms. President!!" sa wakas nakita ko rin siya, kanina ko pa kasiyahinahanap. Sa canteen ko siya nakita. Biruin mu yun, lumalabas pala siya ng office. Masyado lang siguro siyang busy dun sa Jason niya. Psh.
Anong ginagawa niya sa canteen e hindi naman siya kumakain? Nakatulala lang siya.
Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Mukhang malaki ang problema niya.
"Ms. President, okay ka lang ba?"
"....."
Hindi siya sumagot. Parang hindi niya ko naririnig. Tumahimik nalang ako at tinignan siya. Parang may nagbago sa itsura niya? Tinitigan kong mabuti... Ah! Yung hair niya ibaang style. Straight pala yung buhok niya. Akala ko kasi curly hair talaga siya. Sana wag na niyang i-curl, mas bagay sakanya yung ganito.
"Ms. President, may problema ba?" inulit ko yung tanung ko, baka this time sumagot na siya.
Finally, may response na kong natanggap. Tumungo siya. Ang ibig sabihin nun 'oo' diba? Haay... Response ba yung natanggap ko? Ang hirap naman kausap nito. -.-
"In love ako. . ."
Ano daw? In love siya? Yun ang problema niya? Eh diba matagal na naman siyang in love kay Jason?Ibig sabihin ngayon lang niya narealize?
"Pero si Anya ang mahal niya..."
"ANO?! MAY GUSTO SI JASON KEEN KAY ANYA? KAY ANYA GO?!"
Humanda sakin yang Jason Keen na yan. Bubugbugin ko yan! >:|
"Anong ginagawa mo dito Yuan?" gulat na gulat siya ng marinig niya na halos sumigaw na ko ng dahil sa nalaman ko. Ngayon lang ata siya natauhan. Laging ganito to si Ms. President, laging wala sa sarili.
"Nakita kita dito sa canteen. Tulala. Tinanung kita kung anung problema mo. Sabi mo inlove ka. Pero si Anya angmahal niya."
"Ha? Sinabi ko yun?
"Nasasapian kaba Ms. President? Wag ka kasing masyadong maglalapit kay Jason baka nasasaniban ka na ng masamang espirito kapag madalas ang pagsama mu kay Jason."
Kumamot lang siya sa ulo niya at iniwan na niya ko. Psh. In love lang siya kinakalimutan na niya ko. Wala talaga siya sa sarili niya.
===
Uwian na ng makita ko ulit si Ms. President. Nandun siya sa bench na madalas niyang pinagtatambayan. Nakatingin siya sa may office. Lumapit ako pero hindi niya naramdaman.Nakatingin siya kay Anya. Nakatingin siya at umiiyak? Iniiyakan niya sì Anya? (?_?) Hindi ko napansin na nandun pala si Jason. Ah. Si Jason, iniiyakan ni Ms. President. Nakakaramdam ako ng pagkainis kay Jason, bakit hindi niya napapansin na may gusto sa kanya si Ms. President. Ang manhid naman niya.
Umalis si Ms. President at direderetsong lumabas ng school. Hindi niya talaga ramdam na nandito ko. Nasasapian talaga siya.
"Oy Ms. President!"
Hindi siya lumilingon. At ang ikinagulat ko pa ay pumasok siyasa isang bar and resto. Anu bang nangyayari dito? Ang lakas ng sapi.
"Bigyan mo ko ng pinakamatapang na liquor!" sabi niya dun sa waiter. Pero nung nakaalis na yung waiter sa table namin, nilapitan ko yung waiter at sinabing light beer nalang ang ibigay niya. Alam ko naman kasing hindi umiinom tong si Ms. President. Masama ang masyadong mataas ang alcohol.
Pagkabigay ng order, tinungga niya agad yung beer at. . . . .
Boom! Lasing na lasing na! Pambihirang babae to. Isang bote ng light beer, lasing naagad.
"Ms. President, umuwi kana. Lasing kana."
Hindi siya sumagot. Tulog na yata.
"Oy. Ms. President, iuuwi na kita. San ba ang bahay niyo?"
Haay naku! Anu ba yan! Inuubos nito ang pasensya ko. Dahil wala akong choice sa condo unit ko nalang muna siya papatuluyin.
Binuhat ko siya at sumakay ng taxi.
"Ako nalang please. Wag ng si Anya."
Ang ingay naman nito.
"Pwede ba Ms. President hindi ako si Jason!"Nakarating na kami sa condominium, buhat buhat ko siya. Pag kapasok namin ng condominium tinanung agad ako nung guard kung kelan ko ng tulong. Sabi ko hindi na, kaya ko namang buhatin tong si Ms. President, magaan lang naman siya. Ang problema lang naman e ang ingay ingay nya. Habang nasa elevator kami, paakyat ng 10th floor, she kept on murmuring.
"Pwede bang ako nalang ang mahalin mo?"
"How many times will I tell you that I am not Jason. I am not that stupid Jason!!
Pero syempre useless lang angpagsigaw at pagkainis ko. Tingin niya talaga ako si Jason. Psh. >:|
Pagkapasok namin ng unit ko, pinahiga ko na siya sa kama ko. Badtrip. Ang ingay parin nya, ang malala pa nito, hindi siya humihinto ng pag iyak! -.-
Tinitignan ko lang siya habang nagsasalita at umiiyak. Grabe tong malasing.
Umupo siya bigla at tumingin sakin.
"Ikaw! Lumapit ka dito! Dali! Dali!" lumapit ako sa kanya at umupo sa kama.
"Ano bang nagustuhan mo kay Anya? Wala bang chance na ako nalang ang mahalin mo." sabi niya sakinhabang hawak hawak ang kamay ko. Talagang nagha-hallucinate na siya. -.-
"Ako nalang please." lumapit siya sakin at niyakap ako.
"Wait Ms. President! Hindi ako si Jason!" sabi ko sakanya pero parang hindi niya ko naririnig.
Bumitaw siya sa pagkakayakap niya sakin at tumitig ng matagal.
"Wag na si Anya..."
Hay nakakabingi na ang paulit ulit niyang sinasabi. -.-
Nagulat ako ng bigla niyang nilapit ang mukha niya sakin. Tinititigan niya ko sa mga mata ko. She's so close to me that I can smell her breath.I can smell the scent of alcohol. At mas lalo akong nagulat sa ginawa niya.
My heart beats faster on what she did.
Do you know what she'd done to me?
She kissed me.
She kissed me on my lips.
I know that her kiss was not for me. I know its for Jason. She just thought that I'm Jason because she's drunk. She's love drunk.
BINABASA MO ANG
Secretly In L-O-V-E <3
Teen FictionPara magpa-impress sa secret crush niyang Student Council Vice President na si Mr. Perfect Jason, nag-run si Sheen as President at luckily nanalo siya. Pero hindi ganun kadali ang maging isang SC President lalo na sa Shinjae High na binansagang "Sch...