PEPSI
With shaking hands, nilakasan ko ang pagkatok ng pintuan. Kanina pa ako dito and this is like the sixty-ninth time that I have knocked pero hindi pa rin ako binubuksan ni lola ng pinto.
Dali-dali akong umuwi kanina. Mabuti na lang at may taxi na napahinto kaagad sa labas ng school at nakasakay ako.
Napabuntung-hininga nalang ako nang pilit bumabalik sa isip ko ang mga nangyari sa'min ni Jace kanina. I needed to get away from him as soon as possible.
He made me so wet...
...with rain. Kung pipigain ko siguro ang damit ko ngayon, pwede na akong makagawa ng artificial Pacific Ocean sa likod ng bahay namin.
Malakas pa rin ang ulan at madilim ang kalangitan kahit alas singko palang ng hapon. I hugged myself as I tried to stop the endless chattering of my teeth. Mamamatay na ata ako dito sa lamig...
Ano kaya ang ginagawa ni lola? Nawili na naman siguro sa bago nitong favorite game na Hungry Shark World. Nakita niya kasi si Zero na naglalaro last time at nainggit sa bata.
Mga ilang segundo pa ang lumipas nang bumukas na sa wakas ang pintuan after 69 years.
Napangiwi ako sa mukha ni Zero na kasalukuyang nasa pinakamalalang stage ng chicken pox. Nagmukha itong puting pinipig. Halos wala ng space ang mukha nito sa mga vesicles at lesions. Nakakaawa naman ito pag iniwan ito ni ate sa bahay nila nang mag-isa. Mabuti nalang at naisipan niyang iwan ito sa'min.
"Ate Pepe, why are you wet?"
Napangiwi ako ulit sa tawag niya sa'kin. Hirap itong mag pronounce ng letter "s" sa di malamang dahilan.
Bakit ba kasi ito ang naging pangalan ko? Kung anu-ano na lang ang tinatawag na nickname sa'kin.
"Nakalimutan ko kasi ang payong ko."
Narinig ko ang mga pamilyar na yapak ng pinakamamahal kong lola.
"Apo kong napakaganda, ano'ng nangyari sa'yo at basang-basa ka?" Pababa siya ng hagdan gamit ang bagong tungkod niya. Himala at hindi niya hawak ang cellphone niya ngayon.
Nagmano ako at akmang magbebeso sa kanya nang bigla nitong iniwas ang pisngi nito.
"Peppy, you're wet..." pabebeng tugon nito na animo'y maarteng teenager.
Peppy? Saan naman nito napulot iyon? Ba't ang laki talaga ng problema ng mga tao sa pangalan ko? Mahirap bang bigkasin ang mismong Pepsi? Pareho lang namang two syllables 'yon ah?
Ano ba'ng klaseng buhay meron ako?
"Ang arte mo naman, 'la. At pa English-English ka na ngayon ah?"
Ngumiti lang ito, and in fairness ay suot na nito ang pustiso nito.
Duda ko ay naimpluwensiyahan siya ni Zero. English spokening kasi ang bata kasi magaling mag English si ate Sparkle at mataas na din ang ranko nito sa call center kaya siguro dinala na ang trabaho sa bahay.
"Siya nga pala, meron na akong nakuhang mga guava leaves. Ipakuluan na lang sa tubig tapos lagyan ng asin at yun nalang ang ipapaligo kay Zero simula ngayon para di na dumami ang mga asungot sa balat niya."
Kung alam lang nila ang nangyari pagkatapos kung kunin ang mga ito...
"Wow, fantastic baby!"
Gulat ako sa tugon ni lola. Lalo lang sumakit ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)
Teen FictionOne bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking: #9 in Teen Fiction. LANGUAGE: FILIPINO/TAGLISH GENRE: Romance, Comedy, Mystery, Thriller Published under LIFEBOOKS PUBLISHING SUM...