Chapter 21- Newfound Feelings

32K 826 29
                                    

PEPSI

"Aray! Ang sakit, Peps..." reklamo ni Jace habang nilalagyan ko ng ice na nakabalot sa bimpo ang sugat nito sa kilay dahil sa suntok ni Zeus. May isa din siyang sugat sa gilid ng mga labi niya. Nasa isang bakanteng classroom kami ngayon.

"Grabe pala talaga yung jowa mo, noh?" komento ko. Hindi pa rin ako maka get-over sa nangyaring gulo kanina. Hindi ko inasahan na aabot sa ganun ang task na ibinigay ko sa kanya.

Nang dinala sila ni Zeus sa principal's office ay humirit pa ng ilang nakakasakit na linya si Angel sa'kin at muntik pa niya ako ulit sugurin, buti nalang at inawat siya ng ilang estudyante kasama na si Marcus na kakatapos lang ng klase.

"Ba't kasi ganun pa ang binigay mong kondisyon sa'kin, eh sadyang mahirap talagang makipag-deal kay Angel." He massaged his upper arm na bugbog sarado kay Angel kanina.

"So, nagrereklamo ka, ganun?" I looked down on him and crossed my arms.

Tinitigan ko ang mukha nito na may ilang sugat. Parang may contest lang sa pagitan namin kung sino ang may mas magulong buhok.

"Hindi ah..." he lifted his head up to look me in the eye as he caressed my arm. "Pasensiya ka na kanina, ha? Pati ikaw ay nadamay. Nasaktan ka ba?" he sweetly asked.

Parang totoo talagang concerned siya sa'kin.

In fairness naman kanina, na touch ako nang prinotektahan niya ako sa mga atake ni Angel.

At that moment, I felt like he was choosing me over her...

Parang lang naman, kasi knowing him, ginawa niya siguro 'yon dahil sa takot sa'kin.

Hindi pa rin ako magpapadala sa mga flirty moves niya. Nakonsensiya lang ako sa ikatlong kondisyong pinagawa ko sa kanya kasi nang dahil dun ay umabot siya sa ganito. Nawalan na nga ng jowa, nawalan pa ng matalik na kaibigan.

Magkakaayos pa kaya sila ni Zeus?

"Hindi naman. Siguro mga sampung patay na buhok lang naman ang nawala sa'kin."sagot ko sa pag-aalala niya.

He just smiled weakly as a response at tinitigan lang ako nang mataman.

"Ano?" Bigla akong naconscious. I simply tuck a stray strand of hair behind my ear.

"Wala naman. Paganda ka kasi nang paganda sa paningin ko..." He looked like he really meant what he just said.

Kaya siguro marami ding girls ang nadadala sa kanya, noh? Kasi ang galing niyang mambola. Ang galing niyang manligaw.

Pero ganun naman talaga ang mga lalaki, 'di ba? Magaling lang sa umpisa, sa ligawan stage.

Pero kapag nakuha ka na nila...Wala na. Bale wala kana. Hanggang sa magsawa na sila sa'yo at hahanap naman ng iba.

Girl, may experience ka na ba? Makahugot eh.

Dahil hindi ko alam kung ano'ng itutugon ko sa papuri niya, iniba ko nalang ang topic.

"So, ano ang nararamdaman mo nung malaman mo na may gusto pala ang bestfriend mo sa girlfriend mo?"

Actually, kanina ko pa 'to gustong itanong. Medyo nakakagulat ang rebelasyong iyon ni Zeus.

Ahas pala ito...

Parang napaisip ito nang malalim.

"Matagal ko nang alam yan...I think nagsimula 'yan nung gabing hindi ko sinamahan si Angel sa party ng mga magulang niya at si Zeus ang nag proxy sa'kin. After that day, parang naging weird na si Zeus. Parang may naamoy ako na may nangyaring hindi kanais-nais between them that night, pero pinalampas ko lang iyon. Actually, hindi ko alam kung bakit ko hinayaan 'yon. Maybe because I simply just don't care about it...Simula n'on, he became a bit overprotective kay Angel."

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon