Chapter 53- Puzzled

20.9K 647 69
                                    

JACE

Nakatulala lang ako habang nakaupo sa bench na hawak-hawak pa rin ang mahiwagang note na ibinilin ni Pepsi sa akin.

To say I'm shocked and depressed was an understatement. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Labis akong naguguluhan. Tila binuhusan ako ng malamig at bulok na sopas mula sa kalangitan.

Hindi na rin makontak ang Kuya Pepsi nito, and everyone associated to her including Ate Sparkles and Zero.

Bakit niya ginawa to? Ano ba ang naging kasalanan ko? At ano ang ibig niyang sabihin sa ikalimang kondisyon? Akala ko ba ay tapos na ung mga konsidyones niya? I mean, ang sabi niya ay pag mao-overcome ko ang limang kondisyon niya ay babawiin niya ang sumpa. But in the first place, she admitted that she didn't even curse me.

Ano ba talaga?

Sumasakit ang lalamunan ko sa kakapigil umiyak. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kahapon pero wala akong maisip na dahilan kung bakit niya gagawin ang isang napakahiwagang bagay.

Unless nalang kung nakita niya ang paghalik ni Angel sakin...

Biglang pumasok sa utak ko ang chicken burger na nakita ko sa daan. Hindi kaya...

No. It can't be. Hindi siya lumabas ng bahay kahapon dahil binabantayan niya si Lola Miri.

Lalo lang gumulo ang isip ko. If ever nga na nakita niya kaming naghahalikan ni Angel (She was the one who kissed me, not me, not my fault kung gwapo ako), hindi naman siguro gagawin ni Pepsi ang isang napakalaking bagay nang dahil lang dun.

She could have let me explain it naman di ba? Akala ko talaga nangyayari lang ang mga ganun sa movies.

All those timings, coincidences...I mean, what are the odds na ang eksaktong moment ng paghahalikan namin ni Angel ang madadatnan niya? Pwede naman habang umiihi ako di ba? Or yung natisod ako sa daan, or whatever. Paranoid lang ako siguro.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili. I am sure Pepsi Marie Herera existed. My heart was damn sure she existed.. Sigurado talaga ako diyan.

Mula sa malayuan, nakita kong papalapit na sa akin sina Zeus at Marcus.

"Ano bang nangyayari sayo at tila problemado ka?" paninimula ni Zeus nang makalapit na sila sa akin.

"Hindi niyo ba talaga naaalala si Pepsi?" eksaheradong tanong ko.

"Dude, how many times do we have to tell you na wala kaming kilalang ganyan. Softdrinks lang, and in fact ay kakainom ko lang a while ago dahil birthday ng isang classmate namin." paglalahad naman ni Marcus sabay upo sa tabi ko.

"Sino ba kasi yan Jace?" puno ng pagtataka na tanong ni Zeus.

Inihilamos ko nalang ang mga kamay ko sa aking mukha. Papano ko ba to ma-eexplain sa kanila?

"Si Pepsi Marie Herera, yung babaeng palaging naka-itim at gothic make-up na sabi niyo ay isang mangkukulam. Wala talaga kayong may naalala kahit kaunti man lang? Or at least some kind of familiarity? Everyone was scared of her." Desperado na talaga ako.

Sabay silang napailing sa tanong ko.

Kinuha ko ang cellphone ko para ipakita sana sa kanila ang pictures ni Pepsi pero ngayon ko lang narealize na burado din pala ang lahat. Pati yung Facebook niya at ang mga posts ko tungkol sa kanya.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon