ZEUS
We walked faster across the field, and when we reached the place, we immediately peeked behind the wall.
"Jace!" Marcus suddenly exclaimed.
Nagulat nalang kami nang makita namin na nakahandusay ito sa lupa malapit sa may pader na walang malay.
Nagmistulang mga cotton balls sa pagkaputi ang mga hitsura namin ni Marcus nang makita ang kalagayan ng kaibigan namin. Basang-basa at maputik ang damit nito. Mula sa balikat-pataas ay nakasandal ito sa pader, and the rest of his body sprawled on the ground.
Merong mga like 69 sticks ng sigarilyo ang nakakalat sa basang lupa, at isa din sa gitna ng mga daliri nito.
"Shit dude sana okay lang siya!" natatarantang sabi ni Marcus. Agad-agad naming nilapitan ito at chineck ang paghinga nito.
Nakahinga kami ng maluwag nang maconfirm namin na buhay ito.
"Jace! Jace! Gising! Anong nangyari sayo?" I exclaimed as I tapped his cheeks repeatedly.
"Ano kaya ang nangyari dito? May kinalaman kaya si Pepsi?" pagpapanic pa rin ni Marcus.
"Hindi ko alam! Dalhin nalang natin siya sa clinic." Akmang bubuhatin na namin siya nang bigla itong gumalaw at iminulat ang mga mata.
Labis ang relief na naramdaman naming dalawa.
"Dude what the hell? Anong nangyari sayo?"puno ng pag-aalala na tanong ko.
Sinapo nito ang ulo saka nagpatulong samin sa pagbangon. Muntik pa itong ma-outbalance nang magtangkang tumayong mag-isa.
"Aray..." napasapo ito sa likod at sa batok.
"May kinalaman ba si Pepsi dito?" tanong ni Marcus sa kanya.
"Ha? Pepsi?"balik- tanong ni Jace na mukhang nalilito pa at disoriented.
"Oo dude, may ginawa ba siyang masama sayo?" ani ko.
"Nauuhaw ako, bigyan niyo rin ako ng Pepsi." sabi lang nito na tila hindi narinig o naintindihan ang tanong namin.
Nananaginip pa rin ba ito?
"Pagbalik nalang natin yang inumin. Wala kaming dala dito." sabi ko nalang. Tinanong namin siya ulit nung tungkol kay Pepsi pero hindi pa rin ito sumasagot. Naapektuhan siguro ang utak nito nang natumba ito.
Akmang aalalayan na sana siya namin pabalik sa school pero tinabig niya bigla ang mga kamay namin. Naniningkit ang mga mata na tinitigan niya kaming dalawa ni Marcus.
"Teka nga, sino ba kasi kayo at asan ako?"nalilitong napatingin ito sa kapaligiran.
Napatingin kami ni Marcus sa isa't-isa at sabay na nanlumo.
Shi! Don't tell me nagka-amnesia siya?!
"Jace, okay kalang ba? Wala kabang may naaalala?" Ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang naiiyak naman ang hitsura ni Marcus. I'm sure he's guilty as fvck.
Napatingin si Jace sa mga kamay nito na tila ngayon lang nakakita ng mga ito.
"Ano ang mga ito?"
"Jace mga kamay ang tawag sa mga iyan." nanginginig sa kaba na sagot ni Marcus na pinagpapawisan na din kahit na malamig ang klima.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)
Genç KurguOne bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking: #9 in Teen Fiction. LANGUAGE: FILIPINO/TAGLISH GENRE: Romance, Comedy, Mystery, Thriller Published under LIFEBOOKS PUBLISHING SUM...