Chapter 24 - Kissing Marcus

33.2K 938 312
                                    

JACE

Nagdadalawang-isip ako na bumalik sa classroom kasi ay super late na ako. I wasn't able to put my bag on my seat kanina kaya iisipin talaga ni Mrs. Caguimbal na kakarating ko lang.

Kung hindi ko lang kaklase si Pepsi dito ay hindi na ako papasok.

But I wanted to see her.

Bumaba ako at pasimpleng sumilip sa pintuan para macheck ang ginagawa nila. They were all copying something from the Powerpoint presentation...Maybe some exercises from the lesson. Si Pepsi ay busy din sa pagsusulat.

Nakita ako ng isa, and a few more seconds ay halos lahat na ng ulo ay naka tuon sa may pintuan, sa akin.

Finally, they all got our teacher's attention. Napatingin din ito sa direksyon ko.

"Mr. Snyder, ano pa ang hinihintay mo diyan? Come inside!" asik nito.

Nakakabingi ang katahimikan nang pasimple akong pumasok at umupo sa tabi ni Pepsi na sa ngayon ay busy din sa kakasulat.

Ramdam ko nalang ang mga mapanuring mata sa buong pagkatao ko. Dati-rati, hindi talaga ako nako-conscious sa mga ganitong eksena.

Wala akong pakialam kung ano man ang iisipin ng iba. My friends and I rule this school. Everyday of my life, I was being fed with praises, immediate gratifications, and lustful desires from women who were literally drooling over us, over me, most especially.

Hindi ko naman sila masisisi dahil gwapo daw ako at puno ng sex appeal.

Their words, not mine.

Pero ngayon...

Gwapo pa rin siyempre. Kung gwapo ka, gwapo ka talaga kahit ano pang mangyari sa mukha mo.

But I'm cursed. At konti nalang ay nagmukha na akong werewolf at pwede nang maging karibal ni Edward sa Twilight series.

Siguro, kung nag audition ako ay ako sana ang naging ka loveteam ni Bella.

Pero wala akong interes maging artista.

My reputation at school was totally damaged now, and the weird thing is, I don't give a fuck anymore.

I need to save my life.

Napasulyap nalang ako sa magandang weirdo sa tabi ko.

Ang ganda talaga ng buhok niya, at ang tangos ng ilong.

Hindi ba dapat ay maiinis ako sa kanya sa mga ginawa at pinapagawa niya sa'kin lately? She's the reason of my downfall.

Pero bakit hindi ko makuhang magalit sa kanya? Sa halip ay parang pinagnanasaan ko pa siya...

Hindi talaga normal ito. Malakas ang kutob ko na ginayuma niya ako.

I discreetly leaned towards her direction at pasimple na namang sininghot ang perfume niya.

Nakakaadik, eh.

"Ibang klase talaga ang mga kondisyon mo. Parang gusto ko tuloy ipademolish ang Statue of Liberty at magpagawa ng rebulto mo para ipalit dun." mahinang sabi ko sa kanya.

"Ilang beses na kitang binigyan ng warning dati na 'wag mo akong pakialaman at asarin, pero ano'ng ginawa mo?" nanlilisik ang mga mata na sagot niya sa'kin.

"But you liked the kiss naman, 'di ba? Girls dreamed of tasting my lips pero ikaw, buong puso kong ibinigay sa'yo."

Napangiwi ako when she gave me a deathly glare. Minsan, hindi ko talaga maiwasan na asarin siya. Ang cute kasi ng hitsura 'pag naiinis—nakakatakot na cute.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon