JACE
Dalawang buwan na ang nakalipas pero wala pa rin kaming mahanap na pari na gagawa ng exorcism kay Pepsi. We need someone who is authorized to do it, who is either a diocese bishop mismo or isang pari na in-appoint nito.
Pinuntahan namin ni Zeus ang Archdiocese of Manila's Office of Exorcism sa Makati pero hindi pa daw available ang taga-evaluate ng kaso ng mga kliyente kaya hindi pa sila pwedeng maka-assign ng isang exorcist sa amin.
I am really desperate to fix this through. Hindi pa rin kasi mawaglit sa isip ko ang nangyari ng gabing iyon...that bloody night where she kept on throwing up blood like she had an unlimited stock of it in her stomach and cursing us in a different language na siya lang ang nakakaintindi. Nakakatakot ang hitsura ng baby ko ng gabing iyon, kaya hinding-hindi ko iyon makakalimutan.
Halos lahat ng mga orderlies, nurses, at ilang pasyente na nagsilabasan sa mga ward ay nakaabang sa may pintuan para lang masaksihan ang nakakagimbal na nangyayari sa naturang pasyente. Walang nagawa si Dr. Eunice at ang dalawa palang psychiatrist na naka duty ng gabing iyon kungdi ang magdasal. Nang halos sabay-sabay na kami na mga naroroon na nag-recite ng Our Father ay bumagsak si Pepsi sa kama at biglang nagka-seizure or convulsion. Bumubula din ang bibig nito, at hindi ko na napigilang mapaiyak dahil akala ko ay mamamatay na siya ng mga sandaling iyon.
Pagkatapos ng mahabang episode ng seizure niya ay tuluyan na itong nawalan ng malay.
Inilipat ito sa ibang kwarto at nag-order si Doc ng IV fluids at blood transfusion dahil maraming dugo ang nawala sa kanya. She was put into critical care muna dahil nag deteriorate ang vital signs niya.
That night was utterly devastating and traumatic. Kung wala lang si Zeus sa tabi ko ng gabing iyon ay baka inuntog ko na ang ulo ko sa pader at tuluyan na ding maadmit sa pasilidad na ito.
Her vital signs became stable after a week at inilipat ulit siya sa isa na namang kwarto. Lalong lumalala ang kondisyon niya and it is completely disheartening. Hindi mo mapi-predict kung kelan na naman sasanib sa kanya ang demonyo. Hindi rin matukoy ni Dr. Eunice kung ano ba talaga ang triggering factors nito. Napaka-random lang kasi at hindi mo talaga malalaman kung ano ba talaga ang trip ng demonyong sumapi sa kanya. Hindi mo rin masasabi minsan kung inaatake lang ba ito ng psychotic episodes niya or sinasapian na siya.
But most of the time ay nakatulala lang ito at nakahiga sa kama at hindi mo makakausap. Hindi rin to aktibo sa mga cousellings at occupational activities na isinasagawa ni Dr. Eunice sa kanya. Hindi rin kasi ito pwedeng isali sa ibang pasyente dahil sa tendency nitong mag ing bayolente at baka kung ano pa ang magagawa nito pag sinaniban ito bigla.
Napag-usapan na namin ni Dr. Eunice na siguro ay tanging exorcism lang ang makakagamot sa kondisyon ni Pepsi dahil tila wala ring epekto ang mga gamot at therapy sessions niya. Wala rin atang may naitulong ang presensiya ko at ang paulit-ulit na pagsabi ko sa kanya ng katotohanan na hindi ko siya tinaksil, and everything that would make her feel good.
Sakto ding kakauwi ko lang ng apartment nang biglang napatawag si mommy.
Nagdadalawang-isip pa akong sagutin ito. Alam ba nito na andito ako sa Pinas?
Sinabi siguro ni dad, or ni Zeus. I have been chatting with her sa Messenger, and so as with dad simula nung bumalik na ako dito to keep him updated as well pero siguro nahalata din ni mommy na wala pa akong pictures sa L.A na pinopost sa Facebook or sinesend sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)
Teen FictionOne bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking: #9 in Teen Fiction. LANGUAGE: FILIPINO/TAGLISH GENRE: Romance, Comedy, Mystery, Thriller Published under LIFEBOOKS PUBLISHING SUM...