Chapter 48- Skeletons in her Closet

25.2K 759 110
                                    

JACE

Shit.

Don't tell me na...totoong mangkukulam ang girlfriend ko?

I stepped back in the realization that has dawned into me.

Bigla nalang may tumatahol sa labas. I leaned over the table and looked out the window.

Nang mapatingin ako sa baba ay nakita ko si Kuting na nakaupo sa gitna ng daan at nakatingala sa akin. Same foggy atmosphere ang nakapalibot dito, katulad din sakin dati nung una kong pagpunta dito.

It seemed like its eyes were glowing up here as they pierced mine.

Ako ba ang tinatahol nito?

At bakit nasa labas ito?

Habang tumatagal ang pakikipag eye to eye ko sa aso ay naalala ko bigla ang rumored na lalaking isinumpa raw ni Pepsi na maging aso dati.

Hindi kaya...siya ito?

Kinilabutan ako sa aking iniisip.

Pero posible ba? Masyado itong malaki para sa isang aso, and his breed is unknown.

Ang sabi ni Pepsi ay ibinigay lang sa kanila iyan ng kapitbahay, pero ang sabi din niya sa akin dati ay hindi siya isang mangkukulam...

But what is the meaning of all of these? Bakit meron siyang mga ganito?

Nagsinungaling ba siya sa akin?

"Anong ginagawa mo dito?"

"Fuck!" napamura ako sa gulat nang maramdaman ko ang mainit na hininga ni Pepsi sa batok ko.

My eyes widened when I turned around and saw an...angel!

Napalunok ako sa hitsura nito ngayon. Nakasuot ito ng puting T-shirt na hanggang sa itaas ng tuhod niya sa sobrang laki at animo'y pagmamay-ari ni The Hulk.

Come to think of it...ngayon ko lang ata siya nakitang nagsuot ng kulay puti at hindi ko inakalang magmumukha siyang isang anghel despite the shirt's size.

I was momentarily stunned at my girlfriend's look, at pansamantalang nakalimutan ang confusion ko. She's looking so hot and fresh on bare face at sa buhok niyang nakalugay lang.

Wait, papanong hindi ko siya narinig at naramdamang pumasok dito?

"K-Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Inulit lang niya ang tanong niya kanina, but this time, her voice is calmer.

"Ah, a-ano baby, I was just checking out your clothes kanina th-then nakita ko tong lagusan na ito." Fvck I'm stammering.

The look she was giving me was definitely not the look of a guilty person. Parang hindi ito natataranta sa pagkadiskubre ko ng sikreto niya.

"Ganun ba. Halika na, masyadong maalikabok at madilim dito." pag-aanyaya nito sakin sabay hila ng kamay ko palabas sa closet niya.

But I stopped her. Kailangan ko talagang maliwanagan tungkol sa totoo nitong pagkatao.

"Baby, ano ang ibig sabihin ng mga ito?" Tinuro ko ang mesa na puno ng mga...witchy stuff. "Akala ko ang sabi mo sa akin ay hindi ka mangkukulam? Na hindi mo ako kinulam dati?" puno ng pagdududa ang tono ko.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon