Chapter 23- His Mysterious Crush

31K 848 91
                                    

JACE

"The person you are calling is currently not available. Please try your call later."

Shit.

Saan napunta si Pepsi?

Dinig na dinig ko na sa ngayon ang lakas ng pagtibok ng puso ko. Sa sobrang lakas ay halos lulundag nalang ito palabas mula sa ribcage ko at magpagulong-gulong sa madilim na daan hanggang sa maabot ang ilog at kakainin ng mga pating at pagkatapos ay isusuka—Okay, Jace. Tama na. You're thinking irrationally na.

Ang dilim talaga ng paligid at hindi ako makakita ng maayos kahit na malakas ang ilaw ng headlights ko.

Nang binuksan ko ang bintana sa side ko ay biglang parang sinampal ako ng malamig na hangin.

Kinikilabutan na talaga ako.

Malapit ba talaga ang bahay niya dito? I tried calling her again pero unavailable pa rin ang sagot. I also left her some messages.

Tumingin ako sa labas ng bintana sa gilid ko at nang mapadako ang tingin ko sa waxing crescent moon (almost full moon) sa kagiliran ay bigla akong nakaramdam ng kakaibang enerhiya mula dito.

My eyes were then drawn towards its enchanting light as if there was some kind of a magnet...a force.

Mga ilang segundo pa ang lumipas nang ako'y mapakurap at marealize na kanina pa pala ako nakatitig sa buwan.

I suddenly remembered the first time I laid my eyes on Pepsi in front of her locker. It was the same exact feeling. This certain kind of force...that seemed to take over me.

Naalala ko din ang sinabi niya sa'kin na kailangan ko nang matapos ang lahat ng kondisyon niya bago sumapit ang kabilugan ng buwan...

Nakakainis. Nakalimutan kong i-research kung kailan ang next na full moon. Meron pa akong dalawang kondisyon na kailangang tapusin...

Pero saan nga ba siya napunta? Kahit alam kong hindi siya pangkaraniwang tao ay hindi ko pa rin lubos matanggap na isa siyang mangkukulam.

I can't help but think na siguro ay bigla siyang lumipad kanina gamit ang broomstick just like those witches portrayed in the media. Iyan lang ang pinakalogical na maisip ko sa ngayon. Given na na prove ko na na isa siyang mangkukulam. Eh 'di ba yun naman talaga ang means of transportation nila sa gabi?

Mga ilang segundo pa ang nakalipas nang pinaandar ko na ulit ang kotse at tinanggap nalang na hindi na siya babalik ngayon. Humanda nalang siya sa'kin bukas 'pag makita ko siya.

Sa awa ng Diyos ay gumagana pa rin ang sasakyan ko unlike those in horror movie scenes na biglang magka flat tire or masisira ang makina at hindi na magstart.

I started driving again and did a U-turn.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakita ko na ang liwanag ng highway.

Malumanay ang katawan ko nang makauwi ako.

A few hours ago, she was here with me, and I never felt so satisfied just seeing her sitting on my bed, and listening to me as I was pouring my heart and soul out to her.

Sa totoo lang ay hindi pa nakapunta si Angel dito. Tanging si Zeus at Marcus lang ang nadala ko dito. We used to play video games sa gaming room before but lately ay kina Zeus na naman kami palagi.

Hindi ko alam kung bakit ayaw kong dalhin si Angel dito.

Maybe because at the back of my mind, I have always remembered what Mom told me dati about bringing a woman home and letting her meet your parents.

The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon