PEPSI
"You know what? Fuck you." malutong na sabi ni Angel sakin.
Nanigas ang mga panga ko sa sinabi niya and a sudden surge of raging energy filled me. Sa gulat nito ay dinikit ko ang nakakadiring bubble gum niya sa buhok niya as a revenge and pulled out an evil smirk.
"What the fuck?!"
Akmang susugurin na sana ako ni Angel pero pumagitna si Carla samin.
"Whoa, whoa, whoa. Just wait for a minute. What is happened here? Angel, my friend is drunken so I apologize if what she done to you, okay?"
Parang nandiri bigla si Angel. Magsasalita pa sana ito nang biglang minention ng DJ sa mic ang pangalan nito.
"We're not done yet, bitch. May araw ka ulit sakin."
"Really?" Napatutop ako sa dibdib ko. "Hihihintayin ko yan ah."
"Gel, it's time." hila sa kanya ni Cher.
Ano kaya iyon? Hinila ko si Carla papunta dun and realized na may intermission number palang gagawin si Angel.
Halos lahat ng atensiyon ay napatuon sa harap nang mag-umpisa na itong sumayaw ng isang sexy dance ng Despacito.
Tuwang-tuwa ang mga tao habang pinapanood siya. I tried to focus on her dahil naduduling talaga ako at parang nasusuka ako.
"Infairness ha, ang galing talaga niyang sumayaw. Kaya idol siya ng karamihan sa pagsayaw." komento ni Carla sa tabi ko.
Parang nagpanting ang tenga ko.
"Mas magaling akong sumayaw diyan!" napasigaw ako at hindi ko alam kung bakit eh wala naman akong iniisip.
Napatingin lang si Carla sakin na parang nakakita ng multo saka sumabog ng tawa.
"Alam mo, ang cute mong malasing noh?" hindi pa rin ito maka get-over sa tawa.
And before we have realized it, tapos na si Angel sumayaw.
"Alright what's up everyone that was one sizzling hot number from our goddess Angel!" the DJ's voice boomed from the mic. "And now... for the next number..."
Biglang napatuon ang spotlight sakin.
Clueless na napatingin ako sa harap. "Anong meron?"
"We have a special request from someone na mag-intermission daw si Pepsi. Pepsi, would you do the honor?" tanong sakin ng DJ.
Nakatayo sa tabi nito si Clint at Angel na may mga nakakalokong ngiti sa kanilang mga labi.
Everyone again was chanting for my name.
"Pepsi, you don't have to. Uwi nalang tayo." pag-aalo sakin ni Carla na tila nag-aalala para sakin.
Napangiti din ako ng makahulugan. Wala ata silang ideya na magaling sumayaw ang mommy ko at nag-aral ako ng ballet nung bata ko...
"Don't worry. Watch me." I winked at her.
Nagulat nalang si Carla nang umakyat ako sa stage.
*****
JACE
Pagkatapos ng sayaw ni Pepsi ay parang estatwa pa rin ako sa gulat. Nahimasmasan nalang ako nang makita kong parang matutumba ito habang bumababa ng platform.
Dali-dali ko siyang nilapitan at inalalayan. Napaangat ito ng tingin at nang makita ako ay nagliwanag ang mukha.
"Jacey boy!"she exclaimed as she tenderly cupped my cheek.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)
Teen FictionOne bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking: #9 in Teen Fiction. LANGUAGE: FILIPINO/TAGLISH GENRE: Romance, Comedy, Mystery, Thriller Published under LIFEBOOKS PUBLISHING SUM...