JACE
Nang magtama ang mga mata namin ni Pepsi habang papunta siya sa direksyon ko ay bigla akong nakaramdam ng pagkabahala. Her eyes looked so intense and... cold.
Nalusaw ang puso ko. Parang nagbalik siya sa dati, and looking worse this time as she looked kind of...demonic.
Don't tell me that... the witch is back?
"Frenny, anyare at parang kahit ang isang elepante at sumo wrestler ay mahihiya sa pagka-heavy ng make-up mo?" tanong ni Carla sa kanya pero parang wala lang itong narinig at dire-diretsong pumunta sa upuan niya sa tabi ko sa gilid ng bintana.
"Baby sungit ko, galit ka ba? Ba't hindi mo pinapansin ang mga tawag at texts ko?" agad-agad na sabi ko pagkaupo niya.
She just glanced at me and gave me a cold, blank stare saka ibinalik ang tingin sa harapan.
"Peps..."I kept on peeking at her face, pilit na kinukuha ang pansin niya pero parang bigla na lamang akong nagtransform bilang si Invisible Man. Hindi ako aware na isang mutant na pala ako ngayon.
"Pepsi..." inabot ko ang malambot niyang kamay pero bago ko pa ito mahawakan ay tinabig na niya ito ng malakas.
"Bitiwan mo ako!" napasigaw ito na ikinagulat ng halos lahat.
I glanced at Carla on my other side and gave her a "help me" look. She just gave me a "sorry pero takot ako" look sabay kibit-balikat at nagkunyaring may isinusulat. Natakot at napahiya ata sa hindi pagpansin ni Pepsi sa kaya.
Magsasalita pa sana ako pero saktong dumating na ang teacher namin. Puno ng tensyon ang nararamdaman ko sa ngayon na para bang may negative energy na nakapalibot kay Pepsi at umaabot sa akin.
Bakit ganito? May maling akala siguro ito kaya nagalit sa akin?
Hindi ako makaconcentrate at mapakali habang nagdidiscuss ang teacher sa harap. Pasulyap-sulyap ako kay Pepsi na seryoso lang na nakafocus sa powerpoint.
Ito ang hitsura ng dating Pepsi na kinulit ko, kinasuklaman, kinatakutan, sinuyo, at sa huli ay tuluyan nang nahulugan ng loob...
But why does she seemed so different now? Her aura is so dark, so negative and impenetrable.
Is it because nasanay na ako sa maganda at maamo niyang mukha?
Pero kahit ano pa man ang hitsura niya ay parang wala na naman akong pakialam.
Ganun naman di ba pag totoo mong mahal ang isang tao?
Grabe ang kapal talaga ng make.up niya, mas makapal pa sa mukha ni Trillanes at hindi mo aakalain na isang mala-anghel na mukha ang nasa ilalim nun.
Nawili ako sa kakatitig sa kanya nang bigla akong kinalabit ni Carla.
"Ano, hindi mo ba sasagutan ang quiz mo?" sabi nito sabay nguso sa examination paper na nasa desk ko.
Teka, papano ito napunta dito? Hindi ko namalayan na nag-announce na pala si ma'am ng quiz at nagdistribute ng mga exam papers.
"Mamaya na kasi yang pagtitig sa kanya. Kausapin mo after class." pabulong na sabi pa nito sakin.
"Kailangan ko ng tulong mo ha." pabulong din na sabi ko sa kanya habang yuko.
Biglang may tumikhim. "Eyes on your papers!" pagsita ni Mrs. Caguimbal na nakatingin sa aming dalawa ni Carla.
Bigla akong natahimik and did my best to focus on the exam. Pero bakit parang wala akong may naintindihan sa mga tanong? Bakit puro Pepsi ang words?
BINABASA MO ANG
The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)
Fiksi RemajaOne bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking: #9 in Teen Fiction. LANGUAGE: FILIPINO/TAGLISH GENRE: Romance, Comedy, Mystery, Thriller Published under LIFEBOOKS PUBLISHING SUM...