PEPSI
"M-Marcus."
Napangiti lang ito ng matamis sabay tabi sakin sa upuan. Umabot kaagad sa ilong ko ang mabango ngunit matapang nitong perfume.
Di hamak na mas gusto ko yung amoy nung kay Jace...
"Hindi mo yata kasama si Jace?" pambungad nito habang inaayos ang bangs niya na nakatabing sa mukha niya. May mukhang mamahaling headphones ito sa ulo pero obviously ay nakapatay ang music.
"May klase pa siya." tipid na sagot ko. Napaisod ako ng mga 69cm papalayo sa kanya dahil parang hindi ako komportable.
"Ah so hinihintay mo siya?" tanong nito na nakatitig ng mataman sa akin.
"Oo." sinabi ko nalang ang totoo. Alam naman nito ang lahat eh, dahil naikwento ni Jace kanina sa canteen ang nangyari last weekend, of course, except for the...private parts. Yung parts lang na pumunta siya sa bahay, yung nakakatakot na encounter niya kay lola at Zero, at yung naulanan siya hanggang sa ni-reveal ko na ang katotohanan na hindi ako isang mangkukulam katulad ng inaakala nilang lahat.
"Alam mo, I didn't expect that you're this pretty...Ang swerte naman ni Jace sayo." Makahulugang sabi nito sabay isod ng mas malapit pa sakin. Isang kembot nalang at mahuhulog na ako sa kabilang side ng bench.
Nagkunyari akong may sino-scroll sa cellphone ko dahil hindi ko alam kung anong itutugon ko dito. Ngayon ko lang narealize na wala pala akong sariling selfie or picture sa gallery ko dahil puro selfies ni lola na naka peace sign, nakangiti na walang pustiso, si Kuting, si Karen, tsinelas, yung pintuan, yung pimples ko, at mga random parts ng bahay ang mga laman nito.
Gusto ko sanang magkunyaring may pupuntahan pero napag-usapan na namin ni Jace na hihintayin ko siya dito, and wait, teritoryo ko na ito so si Marcus dapat ang umalis at hindi ako.
"I wonder kung may pag-asa ang kaibigan ko sayo?"he probed.
Ang hirap naman sagutin ang tanong niya. Siyempre oo, pero parang ayaw ko pa... Hindi pa ako sigurado.
"H-hindi ko alam."sagot ko nalang. Seriously, parang gusto ko nang tumayo. Hindi talaga ako sanay na mapag-isa kasama ang isang lalaki.
"Sana ay wala." ngumiti ito ng makahulugan. Iba ang aura ni Marcus sa aura ni Jace. Kahit mukhang badboy si Jace ay may aura itong mabait, samantalang si Marcus ay mukhang kwela na hindi makakapagkatiwalaan.
Parang pinagsisihan ko na ang desisyon kong lumabas sa pagtatago sa makapal kong gothic make-up, dahil hindi talaga ako sanay sa mga ganitong papuri at atensiyon. Feeling ko kasi ay parang ang fake lang ng pinapakita nila sa akin. Porke't maganda, papansin kaagad. Gugustuhin kaagad. Liligawan kaagad. Sasambahin kaagad.
Ganun na ba kababaw ang mga tao ngayon? They are so superficial they value others according to their physical appearance, and then they will complain if they lack genuine friends afterwards.
Bakit, nung mukha pa akong witch, pinapansin ba ako nila?
Girl, siyempre hindi, dahil takot sila sayo.
Sabagay, may punto naman si "girl".
May sasabihin pa sana ito nang biglang,
BINABASA MO ANG
The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)
JugendliteraturOne bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking: #9 in Teen Fiction. LANGUAGE: FILIPINO/TAGLISH GENRE: Romance, Comedy, Mystery, Thriller Published under LIFEBOOKS PUBLISHING SUM...