PEPSI'S POV
Hollywood female action star.
That's what I felt nang lumabas ako sa classroom pagkatapos kong buhusan ng malamig na Pepsi si Jace. Parang pwede nang pasukan ng mga baklang tikbalang ang mga bunganga ng mga classmates ko sa gulat habang ang mga malalaking mata nila ay nakasunod sa akin.
"Grabe siya! Ang lakas ng loob ah?! Demonyo talaga!" dinig ko pang sabi ng isang lalaki sa katabi nito.
"Baka kampon talaga siya ni Satanas? Dinig ko miyembro daw ng kulto yung mga magulang niya."
At ano'ng connect ng softdrinks kay Satanas?
Girl, baka nauuhaw lang siya?
My hands locked into a fist. Dilang-ina ng mga to. How dare them to say those blasphemous things to my late parents?! They can say and gossip anything they want about me, pero huwag na huwag nilang idamay ang mga magulang ko dito.
Wala na bang karapatan ang mga tulad ko na turuan ng leksiyon ang mga feelingero at rich kid na katulad ni Jace? Bakit? First time ba nitong mapahiya? Ang kulit kasi eh. Obvious na "nililigawan" niya lang ako dahil sa trip niya lang.
Nakakainis ang mga ganung klaseng mga lalaki whol feels like they're God's gift to women.
Ang trying hard din magpasweet! Nakakairita! Hindi bagay dahil obvious talaga na fake lang. For sure, kung magpapadala ako sa kanya, siguradong sasayaw ang mga tainga nun sa tuwa at sasabog na ang ego sa sobrang laki. Tapos makikipag apiran pa sa dalawa niyang kaibigan na mga playboy din at magpaparty sila sa katangahan ko.
Ikaw ba naman, mapapaibig mo ang isang babae na demonic, pangit, emotionless, antisocial, at lahat-lahat na ng dark and negative traits of a "witch"?
Ba't ba kasi di nalang sya makuntento sa kagwapuhan at status niya at kailangan pa talagang paglaruan ang mga damdamin ng mga babae? Tapos ako naman ngayon ang bibiktimahin niya? Pwes, nakita na niya ang katapat niya.
Nakasalubong ko sina Angel at Zeus sa hallway na parang nagmamadali. They're heading sa direksyon ng classroom. Panigurado, nagsumbong na si Jace sa kanila.
Nagtama ang mga tingin namin ni Angel. Bakas sa mukha nito ang inis at galit.
"Lakas ng loob niya na gawin iyon kay Jace when she's the ultimate definition of ugly, inside and out."
Pabulong na sabi nito kay Zeus nang malampasan na nila ako. Wait. Pabulong ba 'yon or sadya para marinig ko? 'Wag na 'wag akong subukan ng babaeng 'yan kung ayaw niyang maging palaka...
I breathe in, then breathe out.
Kalma kalang, Peps. Kalma lang...
Wait, at ba't ko naman tinawag ang sarili ko gamit ang nickname ni Jace sa'kin? Kadiri.
I chose to ignore the bitch. May pinatikim na akong tao today. Paisa-isa lang. Mahina ang kalaban. Bukas naman.
Lumakad nalang ako papunta sa next class ko. Baka ano pa ang magawa kong kademonyohan sa mga ito...
*****
Hindi ako mapakali sa next class ko. Hindi ko maabsorb ang sinasabi ng professor namin sa harap.I checked my phone. Wala siyang text, or chat sa Facebook. Magpaparamdam pa kaya siya? Sana huwag na. Alam ko naman kasi ang kahinatnan nito.
Aaminin ko, medyo nakonsensya ako ng kaunti sa ginawa ko sa kanya kanina pero paminsan-minsan ay dapat niya ding ma try na mapahiya.
Lunchtime na at wala akong planong bumili ng pagkain sa canteen kasi for sure ay makikita ko na naman si Jace at ang mga tropa nito. Baka i-trigger na naman nila ako and this time ay yung buong ref na ng mga softdrinks sa 7-eleven sa kanto ang ibubuhos ko sa kanilang mga ulo.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)
Fiksi RemajaOne bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking: #9 in Teen Fiction. LANGUAGE: FILIPINO/TAGLISH GENRE: Romance, Comedy, Mystery, Thriller Published under LIFEBOOKS PUBLISHING SUM...