JACE
After a few seconds of kissing me ay tila parang isang nagliliyab na apoy si Angel at ako'y napaso kaya naitulak ko siya bigla.
"What are you doing?" asik ko sa kanya habang nakasimangot. Feeling ko ay parang nadungisan ang aking mga bibig, and there's this guilt in my heart kahit wala naman akong kasalanan because she was the one who kissed me.
Napakurap ito saka parang ngayon lang narealize ang ginawa.
"I-I'm sorry babe...Don't you like it?" parang tanga lang na tanong nito.
"Ano bang klaseng tanong yan Angel? And stop calling me babe dahil matagal na tayong wala!" Bigla akong napatayo sa galit.
Hurt passed through her eyes as she looked up at me. "Ganun mo ba talaga kamahal ang mangkukulam na yon?"
"Oo..." I confidently answered. Kailangan niya talagang malaman kung saan siya lulugar.
Napahawak ito sa kamay ko. "Jace pwede ba ako nalang? Ako nalang ulit?" She desperately said, almost begging as tears were streaming down her cheeks once again.
I deeply sighed in utter guilt. Kasalanan ko ang lahat ng ito...
Pinaasa ko siya dati, at pinagsawaan lang.
Minsan, pag naiisip ko ang mga kagagawan ko dati ay parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa pader dahil sa mga kagaguhan ko.
Pinagsisisihan ko na talaga ang lahat ng mga nagawa ko sa mga babae dati, at ngayon ay alam ko sa sarili ko na nagbago na ako at hinding-hindi ko talaga lolokohin si Pepsi kahit anong mangyari.
I just love the girl so much and it's really overwhelming.
Marahang itinulak ko ang kamay ni Angel mula sa pagkahawak sa akin saka buong pusong sinabi,
"I'm sorry Gel...I'm really sorry. Sana mapatawad mo pa ako, at sana mahanap mo rin ang tamang lalaki na magmamahal sayo ng tunay."
"Pero Jace---"
Hindi ko na siya pinagsalita pa dahil baka kung saan na naman hahantong ang pag-uusap na ito.
Nakapikit na tinalikuran ko na siya kahit na parang ang bigat sa dibdib ko na iwan siya dun sa ganung sitwasyon.
Nakakaguilty lang.
Di bale, bukas na bukas din ay kakausapin ko si Clint tungkol sa plano nito and I will do my best to convince him na huwag nang ipagkalat ang pictures ni Angel.
Nang mapalingon ako ay hindi ko nakitang nakasunod si Angel. Nakahinga din ako ng maluwag, dahil pag malaman ni Pepsi ang nangyari ay sigurado akong magtatampo iyon.
Napatigil pa ako sa daan nang makita ko ang isang brown paper bag galing sa Mcdo na parang itinapon sa gilid.
Nang binuksan ko ito ay may laman na dalawang chicken burger. Medyo mainit-init pa ito at nukhang hindi pa nagagalaw.
Nagpalinga-linga ako sa paligid para icheck kong sino ang posibleng nakaiwan nito dito, pero parang wala na ang may-ari kaya I just shrugged it on and took a huge bite from the burger.
Papunta na ako sa parking lot, at nang makarating na ako doon ay may nakita akong taong hindi ko inaasahang makita at this time, and this place.
Si mommy.
Nakasandal ito sa kotse ko. I looked around to find hers, pero tila wala itong dalang sasakyan.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya nang makalapit na ako dito.
BINABASA MO ANG
The Witch and the Playboy (Filipino) (Published under Lifebooks)
Teen FictionOne bet | One curse | Infinite lessons of love ✔️Wattys2017 winner- The Breakthroughs ✔️Highest ranking: #9 in Teen Fiction. LANGUAGE: FILIPINO/TAGLISH GENRE: Romance, Comedy, Mystery, Thriller Published under LIFEBOOKS PUBLISHING SUM...